Hannah
Nakita ko ang disappointment niya sa pagpapaalam ko. "Hindi ba kita makukumbinsing manatili ng mas matagal?"
Umiling ako. "Malapit na ring magpasukan, kailangan ko pang maghanap ng dorm tsaka part-time na trabaho." Ngayon lang ako na-guilty sa kasinungalingang ipinapakain ko kay Lolo. Kaso desperado na rin akong makatakas dahil habang tumatagal akong nakatayo sa labas ng bahay na 'to, alam kong hindi ako ligtas. Maging si Lolo, hindi ligtas.
May kinuha siya sa bulsa niya at inabot sa akin. "Iyan ang sweldo mo. Kung kailangan mo pa ng pera, lumapit ka lang sa 'kin."
Sinilip ko ang inabot niyang tseke at nanlaki ang mga mata ko sa nakasulat. "Sobra-sobra po ito, Lo." Inabot ko para ibalik sa kanya.
Pinigilan niya ang kamay ko. "Ibinalik ko yung pinambayad mo sa renta. Tsaka isipin mo na lang na may pang-down ka na sa tuition at dorm mo. May allowance ka pa kung sakaling 'di ka makahanap agad ng trabaho. Gaya ng sabi ko, kung kailangan mo pa ay huwag kang mahihiyang lumapit."
Naisip ko yung mga panahong lumapit sa kanya si Mama para lang sa bagay na ito. "Bakit, Lo? Ba't ngayon lang?"
"Matanda na ako, Apo. Wala nang kuwenta kung paiiralin ko pa ang galit at poot ko. Tayong dalawa na lang ang natitirang Villaroman. Kanino ko pa ibibigay ang lahat ng mayroon ako? Alam kong may galit ka sa akin at hindi pera ang paraan para mapatawad mo ako. Kaya nga willing akong gawin ang kahit ano upang magkaintindihan tayo. Para ka kasing ako, matigas ang ulo. Ma-pride. Tamo tuloy tayo. We make a pair, don't we?"
Kahit na wala ako sa mood, I had to smile at that.
Lumambot ang tingin ni Lolo. "Kamukhang-kamukha mo si Hilda."
Umiling ako. "Mas maganda siya."
"Maganda ka rin, Apo. Walang pangit sa lahi natin. Kung nakita mo lang ang Lola mo..."
Gusto kong magtanong sa kanya ng tungkol sa Lola ko, sa Mama ko. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa rancho at sa kung gaano na katagal ito sa pamilya namin. Gusto kong itanong sa kanya kung pwede akong tumira sa bahay niya habambuhay at ako na lang ang mag-i-inject sa kanya ng insulin niya, ang magpapaalala sa kanyang uminom ng gamot, ang magluluto ng pagkain niya. Gusto ko siyang alagaan. Gusto kong maalagaan niya. Ang mga ito, hanggang sa isip ko na lang. Yung kaisa-isang maituturing kong pamilya, kailangan kong pakawalan para manatiling safe.
That's what I do. Everything I touch, I put into danger.
May masasabi ka rin sa timing ni Rhys. Pinarada niya ang kotse sa harap ng bahay. Binuksan niya ang pinto sa passenger's side. "Sorry matagal, babe. Lubak-lubak ang daan at na-stuck yung gulong ko sa putik. Let's go."
Nakakunot ang noo ni Lolo sa kanya. Binulungan niya ako, "Hindi ko gusto ang lalaking iyan."
Unang beses na may nag-alala para sa akin sa mga choice ko sa lalaki. Kung nakilala niya lang yung iba. "'Wag kayong mag-alala. Tagahatid ko lang 'yan."
"Kung tagapaghatid lang din ang kailangan mo, nandiyan naman si Miguel."
Kumirot ang puso ko nang marinig ang pangalan niya. "Sige na, Lo. Aalis na ho ako." Napatigil pa ako dahil 'di ko alam kung yayakapin ko ba siya o ano. I thought better of it at nagtungo sa sasakyan. Sinundan ako ng Lolo ko.
Pagkasara ko ng pinto, ibinaba ko ang bintana. Humawak siya rito. "Mag-iingat ka, Apo."
Sobrang intense ng tingin niya sa akin, pakiramdam ko nababasa niya ang mga iniisip ko. Ayaw niyang bitawan ang titig ko. Feeling ko talaga alam niya ang mga nangyayari at alam niyang hindi na ako babalik. I saw a flash of fear in those eyes.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Escape
Fiksi UmumIsang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang nagawang bitbitin ni Hannah nang tumakas siya sa bahay niya. Anim na taon matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, naisip niya na it's enough...