Hannah
Buti na lang at nakapag-isip ako habang nasa biyahe kami. Dalawang oras din iyon. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung tama yung mga naging desisyon ko simula kagabi. Kung tama ba na patuluyin ko si Migs para lang masaksihan niya ang disastrous kong buhay.
Tama naman siya. Malayo na ang narating ko sa loob ng bente-kuwatro oras na kasama ko siya kumpara sa mahigit isang linggo kong pagsha-shutdown. Aaminin ko rin na pagkatapos ng mga pangyayari ay sobrang gaan ng pakiramdam ko. Yung tipong para talaga akong lumulutang. Kasi this time around, hindi na ako nag-iisa sa mga pasanin ko. Andiyan na si Migs.
Pero hindi ko dapat siya asahan sa lahat ng bagay. Yung mga initial reactions ko sa kanya ay mas lalong tumitindi. Hindi ko akalaing kailangan ko pala ng kahit sino hanggang sa pasukin ni Migs ang isipan ko at simulang ibaba ang mga pader na iniharang ko sa puso ko para makaramdam. And it's dangerous. Because suddenly I'm feeling all these things that I've sworn I would never feel.
Buong buhay ko nasaksihan ko ang resulta ng sobrang pagmamahal at pagdepende ng isang tao sa iba. Iyan ang relasyong kinalakihan ko. Give and take pa nga sila. Bigay nang bigay si Mama habang tanggap nang tanggap si Papa. Lumaki akong ganyan ang pagmamahal na alam only to find out na hindi pala dapat nagmamarka sa katawan, kumukurot sa puso, at pumipinting sa tenga ang tunay na pag-ibig.
Nakakatawa pa nga dahil ang kauna-unahang tunay na pag-ibig na nasaksikan ko ay iyong sa mga magulang pa ni Migs. Batang-bata ako pero nagtaka ako sa mga hawak at mga sulyap nila. Sobrang gentle at affectionate. Kaya nga hindi ako nagtataka kung bakit ganoon na lang ang kinahinatnan ng Tiyo Melchor. Masakit—devastating—siguro ang mawalan ng kabiyak na buong akala mo'y katuwang mo na habambuhay.
Before Migs, sobrang galing ko sa pagiging passive, bitchy, sinungaling, lahat na ata ng bagay na ikakagalit sa isang tao, nasa akin na. Magaling talaga ako sa pagtatayo ng matatas at matitibay na harang sa paligid ko na kung susubukan mong ibagsak, I'd take you down. Kahit kailan hindi ako nagkaroon ng relasyong seryoso at kung may magsasabi man sa akin na mahal niya ako, iiwanan ko na kaagad. I do not believe in love and I didn't want to have it with anyone.
Now... now I'm having second thoughts. It seems na ang pag-open ko ng sarili ko para sa kanya ay ang pagbukas pati ng long-suppressed feelings ko.
"Dito na ba 'yon?"
Kumawala ako sa pagkakayapos kay Migs at tumingin sa istrakturang tinuro niya. Tinanggal ko ang helmet at inabot sa kanya. "Ito na 'yon."
Nagtanggal din siya ng suot niya. "Linawin mo nga sa 'kin. Anong trabaho naman ang gagawin mo dito para mapapunta ka agad-agad? Malaki ang bayad no?"
Mukha ba talaga akong pera? "Importante kasi ang pera na iyon. Ipon ko rin. Tsaka kaibigan ko si Michelle kaya hindi ako makatanggi."
"Photography studio," basa niya sa signboard. Nang ibaba niya ang tingin niya sa salamin at makita ang isang malaking litrato ko sa loob ay nanlaki ang mata niya. "Model ka?"
Normally, pinagmamalaki ko ang shot na iyon ni Michelle. Iyon kasi ang unang-una niyang professional picture bago magbukas ng sarili niyang studio. Ilang sample shot lang iyon ng template nila sa studio shots at ilang picture for IDs. Pero nang nakita ni Migs, nahiya ako. "Kailangan ko ng pera," defensive kong sagot. Which is true. Kaya lang naman ako pumayag dahil darating na yung semester at hindi pa rin ako nakakabayad ng tuition. Mukha nga ata talaga akong pera.
Lumapit siya sa salamin. "Ang ganda mo sa picture."
"Sa personal hindi?"
Nilingon niya ako. "Hindi iyon ang sinasabi ko. Pero mas maganda ka kung ngingiti ka. Yung genuine at hindi pilit gaya nung nasa loob."
BINABASA MO ANG
The Sweetest Escape
Ficción GeneralIsang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang nagawang bitbitin ni Hannah nang tumakas siya sa bahay niya. Anim na taon matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, naisip niya na it's enough...