Six

8.1K 190 7
                                    

Migs

Tumigil ako sa pagsipol at tinapik ang ulo ni Ares. "Sandali lang, Ares. Do'n ka muna."

Kanina pa ako kinukulit ng alaga kong aso na gustong ituon ang pansin ko sa kanya at hindi kay Jasmine na ginu-groom ko bago dalhin sa routine nitong exercise. Kailangan kasing inaalagaan ng mabuti ang mga kabayo. Bago sila igala, dapat nasa kondisyon muna sila-walang sirang horseshoe, maayos ang sintadera, at kung anu-ano pa. Nang maayos na si Jasmine ay tinawag ko si Barney para igala ito.

"Sino maglilinis ng kuwadra nito?" tanong niya habang hinihigpitan ang reins ni Jasmine.

"Tawagin mo si Kalbo para may gawin naman siya." Sa tagal na naming nagtatrabaho sa rancho, pinakaayaw namin ang naglilinis ng mga kuwadra. Pero lahat kami ito ang unang ginagawa kung gusto naming magtrabaho rito.

"Sino 'yon?" tanong ni Barney.

"Yung ano?" Tumingin ako sa direksyon ng tingin niya at nakita ang isang galit na galit na Hannah na papalapit sa akin. Hindi ko napigilan ang ngiti ko dahil sinasabi ko na nga ba na ang Lolo niya lang ang makakapagpakulo ng dugo niya. Napaka-obvious niya naman kasing magalit.

At heto naman ako, tuwang-tuwa kapag nakakakita ng emosyon maliban sa kalungkutan sa mata niya. Kahit ba galit lang iyon sa akin at sa Lolo niya, masaya na ako. Ang twisted ng ganoong pag-iisip pero kung makikita niyo lang ang anguish sa mata niya, hihilingin niyo rin ang hinihiling ko.

"Magandang umaga!" bati ko.

Umismid si Hannah at humalukipkip. "Ang tanging purpose ata ng pagkabuhay mo ay para pahirapan ako."

"Wala akong ideya sa sinasabi mo," sagot ko na tila inosente ako.

Mas lumalim ang scowl niya. "Whatever. Dapat worth it ang trabaho na 'to. Taasan mo ang sweldo ko."

"Hindi ka pa nagtatrabaho, sweldo agad? Dapat patunayan mo sa 'kin na karapat-dapat ka sa sweldo mo. 'Di porke apo ka ng may-ari ay special treatment agad. Kailangan mong pagsikapan ang makukuha mo."

"Sandali lang, apo siya ng Kakang Isko?" singit ni Barney.

Pareho kaming napatingin sa kanya. Nagpapabalik-balik ang tingin niya sa pagitan namin ni Hannah hanggang sa tumigil sa kanya. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at saka ko napagtanto na hindi ko gusto ang pagtingin niya na iyon kay Hannah. Nagkaroon pa nga ako urge na ipwesto siya sa likod ko para walang makakita sa kanya pero sinikap kong pakalmahin ang sarili ko.

Saan naman nanggaling ang pag-aangkin ko sa kanya? Wala dapat akong pakialam kung nakasuot siya ng maikling shorts na nag-eemphasize ng mahaba niyang legs. Alam kong mainit. Dapat iniintindi ko siya at hindi yung uutusan na bumalik sa loob ng bahay at magsuot ng pantalon gaya ng gusto kong gawin.

"Hindi. Walang kamag-anak yung matandang 'yun," mapait na sagot ni Hannah. Nagpalitan tuloy kami ng tingin ni Barney. Nasa mukha niya na gusto niyang magtanong pa pero umiling ako para pigilan siya.

"Ako nga pala si Benito. Barney ang tawag nila sa 'kin dito," pagpapakilala niya. Inilahad niya ang kamay niya para makipagkamayan.

"Hannah," sagot niya pero hindi niya tinanggap ang kamay ni Barney. Awkward tuloy na ibinaba nito ang kamay niya sabay punas sa sando para palusot sa ginawang rejection ni Hannah. Natatawa ako sa itsura niya at nakita niya iyon. Gumawa siya ng kamao at ipinakita sa akin, senyales na gusto niya akong sapakin. Hindi nakikita ni Hannah ang silent exchange namin.

"O siya, mauna na ako. Takbong-takbo na si Jasmine. Nice meeting you, Hannah."

Tumango lang ang kausap at pinagmasdan si Barney habang sumasakay sa kabayo. Naglagutok siya ng dila at tinapik si Jasmine sa leeg bago sila yumagyag palayo.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon