Hannah
Panlimang araw ko na sa Nymph pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-adjust sa kapaligiran ko. Gustong-gusto ko nang umalis dito pero hindi ko maitatangging maganda talaga ang kita rito. Kaunting ngiti dito kaunting tawa doon, instant tip agad. Buti na lang at sanay na sanay ako sa art of pretending flirtation kung hindi, unang araw pa lang ay sumuko na ako.
"Hannah, isang round pa para sa table namin," sigaw ni Vic, isang regular customer. Isa siya sa mga customer na big time talaga dahil may-ari siya ng ilang stall sa palengke rito. Kaya masaya kapag umuupo siya sa station ko. Ang downside lang ay masyado siyang agresibo.
Nakatalikod ako sa kanya noong umorder siya. Hindi ko rin napigilan ang pagtingin sa taas dahil naiirita na ako. Pasting a smile on my face, humarap ako sa kanya at kumaway para i-acknowledge ang order niya.
Agad akong lumapit sa bar para ibigay ang order nila.
"Bakit nakabusangot ka na naman? Sige ka mauubusan ka ng customer," puna ng bartender na si Lila.
Nginisian ko siya. "Kung hindi dahil sa akin, hindi ganito karami ang tao rito ngayon."
"Totoo yan," pagsang-ayon niya, not offended by my snotty tone. Napansin kong biglang napunta ang tingin niya sa likod ko kung saan ang entrance ng bar at biglang lumaki ang ngiti sa mga labi niya. Maliit na gesture lang iyon mula sa kanya pero alam ko na kung anong ibig sabihin noon. Nandito siya.
Simula noong unang araw ko sa trabaho, noong sabay kaming umuwi, isang beses lang uli bumalik si Migs sa bar. Pero sa pangalawang balik niya ay hindi siya umupo sa station ko at hindi niya rin ako kinausap. Kada sisilip ako sa kanya, makikita ko siya sa isang sulok, kinakausap ang kasama niyang kaibigan. Tapos kada tatalikod ako, makakaramdam ako ng sensation sa batok ko na tila pinapanood ako. Maaaring hindi si Migs ang nagmamasid sa akin sa loob ng napakamataong bar na ito, at nang maisip ko na hindi niya ako pinapanood ay nakaramdam ako ng disappointment na agad ko namang isinantabi. Bakit ako madi-disappoint?
Pagkatapos noon ay hindi niya ako sinabayang umuwi at hindi ko na rin siya nakita sa bar. Nakuha ko na ang kagustuhan kong layuan niya ako. Hindi ko na kailangang mailang kapag tinitignan o nginingitian niya ako. Hindi ko na kailangang magdahilan ng kung anu-ano kapag tinatanong niya ako. Payapa na ang buhay ko.
Kahit iyon ang iniisip ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko tuwing umaga kada dudungaw ako sa bintana at makikita ko siya sa may stable o kaya sa boarding facility kung saan lagi niyang nilalakad o sinasakyan ang mga inaalagaang kabayo. O di kaya kapag manananghalian na ang mga trabahador at magpapaiwan siya sa kamalig at makikipaglaro kay Ares.
Mukha akong stalker dahil araw-araw iyon ang inaabangan ko sa umaga kaya naman kanina ay umiwas ako sa bintana at kinuha ang sketchbook at mga lapis na binili ko mula sa ipon ko sa Nymph at nagsimulang mag-drawing para lang malibang.
Napatalon ako noong malakas na inilagay ni Lila ang order ni Vic sa harap ko. Tumingin ako sa kanya habang ipinapatong niya ang parehong siko sa lamesa saka niya ipinatong ang mukha sa kamay niya. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Kung ganyan lang ang lalaking pumapasok dito araw-araw, hindi na ako uuwi."
Simula nang makita siya rito, halos lahat ng waitress maging mga dancers ng Nymph ay si Migs ang pinag-uusapan. Kinulit nga nila ako kung anong relasyon meron kami pero imbis na sagutin sila ay pinandilatan ko sila ng mata. Simula noon, si Lila at Janice na lang ang nakikipag-usap sa akin.
"Ooohh, papalapit siya sa bar. At nakatingin siya sa'yo girl. Kung may lalaki lang na titingin sa akin ng ganyan..."
Hindi ko na narinig ang dulo ng statement niya kasi mas naging aware ako sa isang presensya sa likod ko. Nang lumingon ako sa kaliwa nakita ko siyang naka-lean sa bar at nakangiti kay Lila. I rolled my eyes at them saka ko kinuha ang order ni Vic at nagtungo sa direksyon ng table nila.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Escape
Ficción GeneralIsang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang nagawang bitbitin ni Hannah nang tumakas siya sa bahay niya. Anim na taon matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, naisip niya na it's enough...
