Chapter 15: After Party

94 3 3
                                    

Uno's POV

Kakaiba talaga yung mga nangyare kagabe. Halos lahat ng bisita sa party nagulat sa mga inanunsyo ng Daddy ni April. Pero ang mas ikinagulat ko ay yung nangyaring kaguluhan na ikinatapos ng party.

Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang dahilan ng kaguluhan na iyon. Basta ang alam ko lang ay hindi sang-ayon si Marcial sa desisyon ng daddy nya. At kung sino man ang babaeng hinabol niya, sigurado akong hindi din siya sang-ayon sa mga nangyare.

Ang isa pang gumugulo sa isip ko ay si April. Parang kilala niya yung babaeng nag cause ng commotion. Pero nang tinanong ko siya kung sino yun, "Uhhmm, hindi ko alam dun" ang isinagot niya sa akin.

Hindi naman sa pinagdududahan ko siya. Pero nung sumagot siya sa akin, di siya makatingin sa akin ng diretso. At kilala ko siya kapag may itinatago siya sa akin. Pero sa tingin ko di naman mahalaga kung sino yung babaeng yun. Siguro babae lang ni Marcial yun.

Kaya eto ako ngayon, magulo pa rin ang isip. Di ako makaget over. Ang isa pang inaalala ko ay si Kath. Sa tantsa ko kasi di siya yung klase ng tao na papayag sa isang arrange marriage. Lalo na't isa syang abogado.

Haynaku, bahala na nga sila sa buhay nila. Kamusta na kaya si LJ. Anu kaya nangyare sa pinuntahan niyang event kahapon, siguro naman di yun kasing gulo ng nangyare sa party kagabe. Itetext ko na lang siya mamaya.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

LJ's POV

After ng nangyare kagabe, di ko na alam kung anung gagawin ko. Alam kong si Uno ang nakita ko last night. I'm sure na siya yun at di ako pwedeng magkamali.

Buong gabi akong umiiyak sa kwarto ko. Kahit sila Mama hindi ko na kinausap pag-uwi ko. Si Aira naman walang tigil ang kakatext kung ano daw ba ang nangyare, pero ni isang reply sa kanya di ko ginawa.

Ang gulo gulo na ng isip ko ngayon. At nang dahil sa nangyare di ako nakapasok ngayon sa school for our exam. Ang sama sama ng pakiramdam ko, feeling ko bugbog na bugbog ang katawan ko at hinang-hina ako.

Hanggang sa tumawag sakin si Marcial, para siguro kamustahin ako.

"Hello"

"Thank God you answered the phone" sabi ni Marcial nang sagutin ko na ang tawag niya.

"Ano bang kailangan mo sakin ah" sagot ko naman sa kanya.

"LJ, about last night. I didn't know na Dad will be doing that, I'm sorry" sabi naman niya.

"Sorry for what?" tanong ko naman. Sa isip ko, bakit naman kaya 'to nagsosorry.

"I know na nabigla ka sa decision ni Dad. Don't worry, hindi ko naman hahayaan na ikasal ako sa Chelsea na yun" sagot nya.

"Oh I see. Don't worry, it's okay. May sasabihin ka pa bang iba? Masama kasi pakiramdam ko, magpapahinga na muna ako." tugon ko sa kanya.

"Sige, magpahinga ka na. Get well soon LJ, Bye" pagtatapos nya sa usapan.

Nagsosorry si Marcial. Hmmm, suguro akala nya na siya yung iniyakan ko kagabe at yung dahilan kung bakit ako nag walk-out.

Maya maya nga kakausapin ko na si Aira. She needs to know what really happen last night.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Marcial's POV

Buti at sinagot naman ni LJ yung tawag ko kanina. Kasi buong gabing nakapatay yung phone nya. I'm really worried sa kanya. Paano kung magdalawang isip na siya sa aming dalawa.

Pero kasi naman nung sinagot niya yung phone kanina, parang kagagaling niya lang sa iyak. Mahahalata mo kasi sa boses niya.

Nagbackfire yung plano ko, dapat si Mokong yun eh. Pero ngayon, ako pa napahamak. Nakarma ata ako sa mga pinag gagagwa ko ah.

The RebounderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon