Chapter 21: Deception

62 5 6
                                    

Uno's POV

Bakit ako nandito??

Sino sila??

Ano bang nangyayare??

Yan ang mga katanungan na nasa isip ko. Ilang araw na din akong nandito sa ospital, pero kahit anung isip ang gawin ko hindi ko maalala kung anung nangyare at nandito ako.

At sa tuwing magigising ako, itong babaeng 'to ang nakikita ko. Di ko siya nakikilala pero bakit ganun na lang ang pag-aalala niya sakin. Sino ba siya??

Nakita ko din ang Mama ko. Sabi kasi niya siya daw ang mama ko. At kahit na hindi ko gaanong maalala, alam kong parang malapit kami ng babaeng yun. Siya nga siguro ang mama ko dahil mula ng magising ako hindi na siya nawala dito. Araw-gabi nandito siya. At nakaramdam din ako ng lukso ng dugo ng yakapin nya ako.

Gusto kong alalahanin lahat ng mga nangyare. Pero sa tuwing ginagawa ko yun, sumasakit ng sobra ang ulo ko. At sinasabi ng doktor na wag daw akong masyadong mag-isip at makakasama daw sa akin yun.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Kath's POV

Sa wakas, kahit paano ay maayos na ang lagay ni Uno. Hindi na siya katulad nung mga nakaraang araw na nagwawala sa tuwing magigising siya. Nakausap ko na din si Doc, ang sabi niya nagkaroon daw ng brain damage si Uno nang mabagok siya kaya nawala ang memory nito. Ang sabi lang din ni Doc ay hayaan lang daw namin siyang magpahinga at wag piliting alalahanin ang nakaraan nito.

Medyo depressed din daw siguro si Uno nang mangyare ang aksidente kaya may tendency din daw na ang utak na niya mismo ang lumimot sa mga bad memories nya.

Habang nag-aayos ako ng mga gamit dito sa ospital, nakita ko ang damit na suot ni Uno nang mangyare ang accident. At habang tinutupi ko ito, may nahulog na cellphone galing sa bulsa ng pantalon niya.

Agad ko itong pinulot. Hindi ko man gustong pakialaman ang phone nya, nakita kong napakaraming text at missed calls ng phone niya. Nakita kong iisa lang ang sender ng mga texts at nang missed calls. At yun ay si April.

Sino kaya ang April na yun? Siya kaya ang girlfriend ni Uno? Dahil sa aking curiousity, binasa ko ang mga texts niya.

Message #1:
"Babe, nasan ka na? I'm waiting for you here sa labas ng office namin, call me."

Message #2:
"Babe, its getting late na. Nasaan ka na ba, and you're not even answering my calls. Call me."

Message #3:
"Uno, umuwi na ako. Nagpasundo na ako kay Mang Jun. Sana sinabi mo na lang na you can't fetch me. Hindi yung di ka na lang magpaparamdam"

Message #4:
"Babe, Good Morning. Sorry last night. I'm just tired. Text me when you're up. I Love You"

Message #5:
"Anu ba Babe, I'm getting worried. Di ka pa din nagrereply and sumasagot sa tawag ko. Call me please"

Pagkatapos kong basahin ang panglimang message, nakasigurado na akong girl friend niya nga yun. Hindi ko na tinuloy ang pagbasa sa mga susunod na texts at balak ko sanang replyan siya na nasa ospital si Uno.

Nang di ko sinasadyang mabuksan ang huling text message niya.

Message:
"Babe, sorry na kung itinago ko sayo yung truth about dun sa Party. I know na mali ako. Please, natakot lang naman ako na iwan mo ko kapag nakita mo siya ulit. Please Babe, patawarin mo na ko. Mahal na mahal kita, kausapin mo naman ako."

Dahil doon, naisip kong yun ang nagpadepress kay Uno. Hindi niya na dapat pang malaman ang nangyre kay Uno. At baka makasama lang sa kanya kapag nakita niya ang babaeng yun.

Bigla din akong may naalala, Party?? April? Hindi kaya siya si April Lyzandra Buenaventura, ang anak ng business partner ni Daddy. Ang kapatid ng Fiance' ko kuno. Kung siya nga, What a very small world.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

April's POV

Anu na kaya nangyare kay Uno. Wala pa rin akong balita sa kanya hanggang ngayon. Is it really because of the Party, na hindi ko sinabi sa kanya na si LJ ang babaeng yun. Pero paano niya nalaman. Ito na ba yung kinatatakutan ko? Mahal niya pa rin kaya si LJ?

Ilang beses na din akong pumunta sa bahay nila Uno, pero wala siya dun and parang wala palaging tao sa bahay nila. Kahit si tita wala.

Anu bang gagawin ko. Ayaw ko siyang mawala. Hanggang sa naisip kong magkakilala nga pala si James at si Uno, at baka alam ni James kung nasaan siya.

Kaya tinawagan ko agad si James.

"James.."

"Napatawag ka ate.."

"James, I'm just wondering kung alam mo ba kung nasaan si Uno? Kung nag out of town or something like that sila ng family niya?"

"Hindi ate eh. Diba ikaw girlfriend nun. Bakit sakin mo tinatanong? Hahaha peace ate. XD"

"Haha James nakakatawa. Pero seriously di pa kasi siya nagpaparamdam sakin eh. Mag iisang linggo na."

"Ahh ganun ba ate, kasi huli kong nakita si Mok--ay Uno pala sa bahay nila LJ eh. Di ko nga alam bakit nandun yun eh."

"Kailan yun?"

"Uuhhmm...siguro last monday ata. I can't remember yung exact date ate eh..sige na may klase pa ako eh..Babye ate love you"

"Cge salamat James, love you too"

Kila LJ? last monday? Eh yun din yung same day na las ko siyang nakausap eh. Hindi pwede to, iniwan na kaya ako ni Uno for LJ. Saan naman kaya sila magpupunta.

Agad akong pumunta kila LJ para magtanong kung magkasama ba sila. Pero pagdating ko sa bahay nila ito ang nasabi ko.

"Hello po Tita Jessie, nanjan po ba si LJ may itatanong lang po sana ako."

"Ayy pasensya ka na Lyzandra, wala na si LJ dito eh. Nasa Canada na siya. Umalis sya nung monday" sagot sakin ni tita Jessie.

Natigilan ako sa aking mga narinig. Hindi 'to pwede, umalis na sila. Iniwan na ako ni Uno para kay LJ.

Agad akong umalis para umuwi sa bahay. Pagdating ko sa bahay dumirecho ako sa kwarto. Paghiga ko sa kama, di na nakapagpigil pa ang mga luhang kanina pa gustong magsilabas sa mga mata ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iyak.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hey guys ItsMeCarlosPierce I just wanted to Thank everyone who is still reading my story. Medyo magulo na kasi sked ko kaya hindi na madalas ang update kaysa dati. Sorry ulit. And sana pa VOTE and COMMENT na lang po ng mga suggestions, reactions and insights nyo sa story. It helps me alot and I appreciate everything.. :)

And I want to Thank Idol Yukina, Jessicaeckah22, Seriousblack_25, paysano, jaykwento, Jmxldx, Elizamaefelisarta, Heizelolmedo, Heartow, Liarec, Cyber_Warrior_, Era_1011, MeMoMoDull, Reczcolyn01, SittieElhamMowa, Fattylies, JoyceLabradores9 and syempre sa Panda Princess ko and to all the silent readers ng story. Thank you thank you ulit.

The RebounderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon