Uno's POV
Noong gabing yun dapat ay matutulog na kami nila Mama. Pero di inaasahang may kumatok sa pinto. Sa isip ko, marahil ay si Kath yun. Wala naman kasing ibang pumupunta dito sa bahay kundi siya.
Pagbukas ko ng pinto, agad na bumungad ang napakagandang mukha ng aking girlfriend.
"Hi Hon, how was work?" agad kong tanong sa kanya dahil napansin kong matamlay ang mukha nito.
"I'm okay Hon, ikaw kamusta ka na??" sagot niya naman sakin.
Akmang papasok na kame sa bahay ng may makita akong lalaki sa di kalayuan na tumawag kay Kath.
Mukhang gulat na gulat ang lalaki, di ko siya kilala pero sa paraan ng pagtingin niya sa aming dalawa ni Kath ay parang kilala niya ako. Kaya hindi ko na napigilan na magtanong sa girlfriend ko.
"Hon, sino siya??"
Mukhang nagulat din si Kath nang makita ang lalaking tinawag niyang James. Hindi niya din siguro inaasahan na makikita ang lalaki.
Hindi niya agad nasagot ang aking katanungan. Pero nang nakita kong medyo naayos niya na ang paghinga, nilapitan niya ako.
"Hon, ipapaliwanag ko mamaya sa'yo sa loob. Pero kailangan ko muna siyang kausapin" Kalmado niyang sabi sakin.
Hindi ko naman na pinagdudahan pa si Kath. Nginitian ko siya ng matamis at pagkatapos ay pumasok sa loob ng bahay para hintayin si Kath na matapos kausapin ang lalaki.
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Kath's POV
"Do we have a deal"
Nagpaulit-ulit sa isipan ko ang sinabi ni James, ang fiance' ko kuno. Hindi pa rin ako makapaniwala sa pinasok kong kasunduan. Naturingan pa naman akong isang lawyer pero ako pa ang pumapasok sa mga ganitong kasunduan.
Ilang sandali pa akong nag-isip pag-alis ni James bago pumasok sa loob ng bahay nila Uno. Sinabihan din kasi ako ni James pinababalik din daw ako dahil hindi pa daw tapos ang pinag uusapan namin nila Daddy at ni Mr. Buenaventura.
Nagpasya akong hindi na lang bumalik sa bahay dahil masisira lang araw ko sa mga pag uusapan namin.
Hanggang sa nakapgpasya na akong pumasok. Handa na akong ipaliwanag kay Uno ang mga nangyare kanina.
Pagkapasok ko inabutan ko na nanunuod ng TV si Uno sa sofa. At nang mga oras na yun, isang matamis na ngiti ang ibinato niya sakin na parang walang tensyon sa pagitan naming dalawa.
Agad ko namang sinuklian ng isang malambing na ngiti ang ginawa niya. "Hon!" tawag niya sakin habang tinatapik ang parte ng sofa sa tabi niya.
Umupo ako sa sofa at tumabi sa kanya. "Hon, kamusta ang pag uusap niyo ng lalaki kanina?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa TV.
"Hon, Ahhhmmm...kasi..." hindi ko napigilan na magdalawang isip sa sasabihin ko sa kanya.
Pero bigla itong nagsalita, "Hon, you can tell me. I trust you completely."
Sa mga salitang yun, nakaramdam ako ng pagluwag ng dibdib ko. Iba talaga si Uno sa karamihsn ng mga lalaki. Kung iba yun, siguro ay galit na galit na ito dahil sa selos.
Kinalma ko ang sarili at saka nagsalita. "Uno, the guy outside a while ago..siya si James, anak ng business partner namin ni Daddy" simpleng sagot ko sa kanya.
"Ahh, I see. Pero, Hon, bakit parang kilala ako ng lalaking yun kung tignan niya ako? Kilala ko ba siya?" naguguluhang tanong niya.
"Oo, kilala ka niya. Kasi, sa dati mong pinagtatrabahuhang bangko, isa siya sa mga VIP clients nyo. Kaya siguro namukhaan ka niya." Safe na ssagot ko sa kanya. Pero sa loob loob ko nasaaaktan ako sa aking ginagawa.

BINABASA MO ANG
The Rebounder
General FictionHey guys, Pierce here..Nga pala eto ang unang story na isusulat ko..So kung panget ang kalalabasan..Sana maging medyo considerate naman tayo..hahaha..And always feel free to suggest, and criticize.. :) This story is about a guy named Uno, isang taon...