LJ's POV
Pagkatapos akong ayusan ni Aira para sa Welcome home party ni ate Lyzandra, we've decided na umalis na para na din maaga kaming makauwi.
Matagal na din kasi since nung huli kong makita si ate Lyzandra at sure akong marami kaming mapagkukwentuhang dalawa. Ipapakilala ko na din sa kanya ang bestie kong si Aira. Sigurado magkakasundo din silang dalawa. Excited na ko.
Paalis na sana kame, pero paglabas namin sa pinto ng bahay namin isang pamilyar na tao ang nakita namin. Si Marcial nasa labas, "Hey ladies, sinundo ko na kayo. So shall we go?" sabi niya sa amin habang nakangiti.
Okay naman sana yung ginawa ni Marcial na sunduin kame ni Aira, para na din makabawas sa pamasahe. Pero hindi talaga mapalagay ang loob ko kapag kasama ko siya.
While on our way sa party, may iniabot sa aming mga mask si Marcial. "Para saan naman 'to Marcial?" tanong ni Aira kay Marcial na siya ding gusto kong itanong.
"Ahh yan ba? Kailangan nyo kasi yan sa party, Masquerade party kasi yung hinanda nila Mommy and Daddy para kay ate eh", sagot naman niya.
"Ahh ganun ba, dami nyong pakulo ah.. Iba na talaga mayaman", sabat pa ni Aira.
Hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila. Napansin kong sa garden ng bahay nila gaganapin ang party. Meron pang mga security sa labas.
Pinark lang ni Marcial ang kotse nya, kaya sinabihan namin sya na mauuna na kame ni Aira sa entrance. Pero pagdting namin sa gate, bigla kaming pinigil ng isang lalaking naka amerikana, tapos may dalang walkie talkie. "Ma'am sorry po, anu pong pangalan nila. Ichecheck ko lang po kung nasa guest list kayo", sabi ng lalake.
Nang sabihin namin ang pangalan namin, sinabi ng lalake na wala daw kami sa listahan. Hindi namin alam ang gagawin, sayang lang ang paghahanda namin. Di naman pala kami kasali dito.
Paalis na dapat kami ni Aira nang dumating si Marcial. "Hey why are you leaving so soon, di pa nagstart ng party", tanong samin ni Marcial.
"We're not on the guest list Marcial, kaya uuwi na lang kame", masungit na sagot ni Aira habang ako nakayuko lang.
"No, you're my and my ate's guests, kaya di pwede yun. Come with me", katwiran ni Marcial.
Sumunod kame sa kanya hanggang sa makarting ulit sa lalakeng humarang samin kanina. "Ma'am--" putol na sabi ng security. Nang biglang nagsalita si Marcial, "Its okay their with me". At pinapasok na kame. Nakakatuwa si Aira, nakita kong binelat nya pa yung lalakeng security kanina habang papasok kame..hahaha.
Nang makapasok kame, nakita namin na hindi lang basta simpleng salu-salo ang napuntahan namin. Sa isang side dun nakapwesto ang buffet table, tapos meron ding stage, meron pa ngang emcee. Tapos ang dami pang security sa paligid. Iba talaga magparty ang mga mayayaman.
Lumapit muna si Marcial samin at may sinabi bago siya umalis para tumulong sa pag-aayos.
"Hey LJ, Aira, put your masks on. Para belong na kayo sa party. And btw guys I'll help sa pag-aayos, just feel at home."
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Marcial's POV
It's an hour before the party starts. Di ko naman inasahan na gamito kadaming tao ang pupunta. Kaninang umaga lang di pa alam nila Mommy and Daddy na may party. Tapos ngayon andami na nila agad ininvite tapos nakapaghanda na agad ng guest list. Iba talaga sila dad.
Nakakatuwa kanina nung sinundo ko sila LJ at si Aira. Iba talaga si LJ, ang ganda niya na, sobrang sexy pa. Lalo na with her dress grabe siya. Pero nakita ko yung tingin ni Aira sakin, parang naghihinala siya sakin. Di ko talaga alam kung bakit ang init ng dugo sakin ng babaeng to.
BINABASA MO ANG
The Rebounder
General FictionHey guys, Pierce here..Nga pala eto ang unang story na isusulat ko..So kung panget ang kalalabasan..Sana maging medyo considerate naman tayo..hahaha..And always feel free to suggest, and criticize.. :) This story is about a guy named Uno, isang taon...