Chapter 16: Bon Voyage

64 2 4
                                    

LJ's POV

Nang paakyat na ako para makapag isip-isip, bigla na lang may dumating sa bahay.

-Dingdong-

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Aira. "Oh nanjan ka na pala, diretso ka na sa kwarto, kukuha lang ako ng mirienda" bungad ko sa kanya. Pero bago pa ako makalayo para kumuha ng pagkaen, narinig kong nagtanong agad siya. "Bestie, okay ka lang ba talaga?" agad naman akong ngumiti at sinabing "Oh siya, umakyat ka na dun at dun ko na lang sasabihin sayo lahat." Pagkasabi ko nun ay ngumiti din siya at umakyat na patungo sa kwarto ko.

Pagkakuha ko ng mirienda namin ni Aira, umakyat na rin ako. Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong parang seryoso ang mukha ni Aira. Nakatingin lang siya sakin, pero kahit ganon makikita mo pa rin ang pag aalala sa mukha niya.

"Bestie, anu ba nangyare?" agd na sabi ni Aira.

"Ganito kasi yun", sagot ko habang umupo sa kama.

"Sige makikinig ako" sabi naman niya.

"Bestie, kagabe kasi--" biglang bumigat ang nararamdaman ko. Bumalik na naman yung mga emosyon na naramdaman ko kanina.

"Bestie, Anu bang problema?" tanong niya. Nakita kong napansin niya na nag-iba ang mood ko ng magsimula na akong magkwento.

"Bestie, si Uno kasi--" paputol-putol kong sabi.

"Anung nangyare kay Uno, napahamak ba siya?" sabi pa niya.

"Hindi Bestie, si Uno nakita ko siya kagabe sa party" at pagkasabi ko nun ay di ko na napigilang tumulo ang mga luha ko.

"Anu, si Uno nasa party? Nakita ba niya kayo ni Marcial?" tanong ulit ni Aira.

"Bestie, si Uno....nakita kong magkahawak sila ng kamay ni ate Lyzandra. At parang may relasyon pa sila." sabi ko habang umiiyak.

"ANO? si Uno? Tsaka yung ate ni Marcial? Naguguluhan na ako" gulat na gulat na sagot ni Aira.

Ikinwento ko sa kanya ang lahat ng nakita ko kagabe, at pati na rin ang nagawang pagtawag ni Marcial kanina. Hirap na hirap akong balikan lahat ng nangyare. Pero gusto kong malaman ni Aira ang lahat dahil bestfriend ko siya.

"Gagong Uno yun ah, lakas ng loob na lokohin ka. Di man lang ba siya nahiya na kapatid pa ng hayop na si Marxial yung ginawa niyang gf." galit na sabi ni Aira.

"Alam niya bang alam mo na 'to?" pahabol na tanong pa ni Aira.

"Hindi pa, at parang di ko kayang komprontahin sila. Ayoko na siyang makita pa" sagot ko kay Aira habang humihikbi pa rin dahil sa pag iyak.

"So. Anung plano mo ngayon?" tanong niya sakin.

"Pupunta ako sa Canada para dun na ipagpatuloy ang studies ko. Para na din malayo ako kay Uno." buong loob kong sinabi kay Aira.

Nagulat siya sa sinabi ko. Ipinaliwanag ko na din sa kanya ang naging pag-uusap namin ni tita. Sinabi ko sa kanya na wala sanang ibang makaalam ng plano kong pag-alis. Ayoko ko kasing mas gumulo pa ang lahat.

Pagkatapos ng usapan namin ni Aira. Agd siyang umuwi para daw makapag pahinga na din ako.

##########

At dahil sa naging pag-uusap namin ni Aira, buo na ang loob ko, I've decided. Tama lang na umalis ako, dapat akong lumayo sa mga bagay na nakakasakit sakin. At yun ay si Uno, ang taong pinakamamahal ko. Bakit siya pa, bakit kailangan nyang gawin sakin yun.

At dahil nga nakapagdecide na ako, kinausap ko na agad si Mama about sa offer ni tita.

"Ma, nakapagdecide na po ako. I'm going to accept tita's offer." sabi ko kay Mama.

"Jess, anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Di mo naman kailangan magmadali" sagot naman ni Mama.

"Opo sure na po ako. And besides diba hindi dapat tinatanggihan ang opportunity." sagot ko.

"Well anak, kung buo na ang loob mo, hindi ka namin pipigilan. Basta mag-iingat ka dun ah" pag-aalalang sagot ni Mama.

Pagkatapos naming mag usap ni Mama, agad niyang tinawagan si tita para ipaalam ang desisyon ko.

Ang sabi ni tita kay Mama, agad daw niyang ipoproseso ang pag-alis ko. Hindi na din namin hihintayin ang pagtatapos ng school year dahil masasayang pa daw ang mga ipapasok ko sa school kung lilipat din naman ako sa Canada.

Lumipas ang ilang linggo, natapos na din ang pagpoproseso ng visa, passport, at ng iba pang kailangan para ako ay makaalis na ng bansa.

Habang lumalapit ang araw ng pag-alis ko, mas kinakabahan ako. Pero ang inisip ko na lang ay dapat akong magfocus sa mga mas importanteng bagay. At naisip kong di ko na muli pang gustong makita ang lalakeng sumira ng tiwala ko at ang lalakeng nanakit sakin.

AYOKO NANG MAKITA PA SI UNO!!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hello guys, ItsMeCarlosPierce again, ayun na nga naupdate ko na ulit ang story. Medyo one sided ang chapter na 'to. Pero sana magustuhan niyo parin. Anu kaya sa tingin nyo ang magiging takbo ng storya natin? At paano kaya si Uno na walang kaalam alam sa mga nangyare? Hahaha..Abangan na lang natin.

Pa VOTE and pa COMMENT na lang ng mga reactions and mga suggestions niyo para sa story. Minsan kasi sa comment din akl kumukuha ng plot for the next chapter kaya keep them coming guys.

And syempre I would like to Thank Idol Yukina, paysano, Jessicaeckah22, Jaykwento, Seriousblack_25, Jmxldx, Elizamaefelisarta, Liarec, Heizelolmedo, Heartow, Era_1011, MeMoDo, Laxaga, RenanRossel, Reczcolyn01, SittieElhamMowa at syempre sa Panda Princess ko and to all the silent readers off my story for the support sa story. I really appreciate you guys.

@IdolYukina, may updaye na ulit. Hahaha :P

@Seriousblack_25, @Jessicaeckah22, yan na po ang update sana magustuhan nyo po ang nakayanan ko.

@SittieElhamMowa, nakapag update na po ako ng Chapter 16. Sana magustuhan mo at Salamat sa pagbasa.

@PandaKo, update ulit oh..haha, para kapag natapos ka na magreview madami ka ng babasahin hahaha..blehh :)

The RebounderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon