Chapter 18: KARMA

68 3 2
                                    

Uno's POV

Naghintay ako hanggang sa dumating sa bahay nila sila LJ. Gusto kong linawin ang lahat sa kanya. Ayokong mawala ulit siya sa akin, dati naging miserable ang buhay ko ng nawala sya at ayoko ng mangyare ulit 'yon.

Ilang oras pa ang lumipas pero wala pa ring bakas ni LJ. Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa labas ng bahay nila. At nagising na lang ako ng may marinig akong sasakyan na huminto sa bahay nila.

"Oh Uno, bakit jan ka natutulog?" narinig kong sabi ni tita Jessie.

"Ahh, pasensya na po kayo di ko po namalayan na nakatulog na pala ako sa pghihintay sa inyo" sagot ko naman.

"Nasaan nga po pala si LJ?" pahabol ko pang tanong.

"Hindi ba nagsabi sayo si Jess?" sabi uli ni tita.

"Nagsabi tungkol saan po tita?" naguguluhang tanong ko naman.

"Wala na si Jess, umalis na siya papuntang Canada para dun na mag-aral." sagot ni tita.

Nagulat ako sa mga narinig ko, hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Inulit ko pa kay tita at baka mali lang ang dinig ko.

"Anu po, umalis papuntang Canada, kailan pa po??" tanong ko.

"Oo, sa Canada nga. Kakaalis lang niya kaninang umaga, sayang at hindi mo inabutan." sabi naman ni tita.

Parang gumuho ang mundo ko sa mga sinabi ni tita Jessie. Hanggang sa nakita kong nasa loob ng sasakyang gamit nila si Aira. Parang ang sama sama ng tingin niya sakin. Alam na din kaya ni Aira ang mga nangyare? Siguro alam na nga niya, kaya nagtangka akong lumapit sa kanya para magpaliwanag at kausapin siya.

"Aira..." tawag ko sa kanya.

Di pa rin nagbago ang reaksyon nya, nakatingin pa rin siya ng masama sa akin. At nang tuluyan akong makalapit sa kanya, nakapasok na si Tito Louie at tita Jessie.

Bumaba siya sa sasakyan, at nagulat ako ng bigla na lang niya akong sinampal ng malakas. Tumigil sandali ang paligid. Para akong natauhan sa sampal na 'yon. Nang ibalik ko ang tingin kay Aira, nakita kong nakayuko siya pero mababakas mo parin ang pagtulo ng luha niya, oo umiiyak siya.

"Gago ka!!" galit na galit na sabi ni Aira.

"So--sorry, Aira hayaan mo muna akong magpaliwanag" nahihiya kong sagot.

"Ang kapal naman ng mukha mong pumunta pa rito, pagkatapos ng ginawa mo. Pasalamat ka at walang alam sila Tito at Tita sa mga nangyare" tugon naman niya.

Sa sinabi niyang 'yon, lalo akong naguilty. "Aira, alam kong mali ang ginawa ko, pero--" nakayuko kong sinabi.

"Pero ano, na hindi mo ginusto ang mga nangyare. Uno, nagsisisi ka lang dahil nahuli ka. Umalis ka na, at layuan mo na kame." umiiyak na tugon ni Aira.

Kitang-kita sa mga mata niya ang galit, galit sa mga ginawa ko sa bestfriend niya. Magsasalita pa dapat ako ngunit hindi ko na nagawa. Tumalikod ako sa bahay nila at nagsimulang lumakad paalis.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
3rd Person's POV

Habang naglalakad, wala pa rin sa sarili niya si Uno, naisip niyang lahat ng sinabi ni Aira ay tama. At walang dapat sisihin sa mga nangyare kundi siya lang.

Di pa man siya nakakalayo, bigla na lang siyang nakarinig ng isang malakas na tunog.

beep---

beep---

Paglingon ni Uno sa direksyon ng tunog, nagulat na lang siya na may isang sasakyang parating sa gilid niya.

-bugshhh-

Di na siya nakiwas pa, at tuluyan na siyang nabangga ng sasakyang 'yon.

"Karma ko siguro 'to", yun na lang ang huling bagay na pumasok sa isip ni Uno. At tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Agad na bumaba ang driver ng sasakyan. Nagulat ito sa nakita niya. "Hindi, si Uno" agad niyang nakilala ang lalaking nabangga. Kaya't agad niya itong isinakay sa sasakyan at dinala sa hospital.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Nakapag update na din ulit. So anu tingin nyo sa Chapter na 'to. Medyo intense lang ng konti. Anu kaya ang mangyayare kay Uno pagkatapos ng aksidente? Sino naman kaya ang taong nakabangga sa kanya? Guys, tell me what you think about this chapter. Pa VOTE and COMMENT na lang ng mga suggestions and reactions nyo, kahit medyo di maganda yan okay lang yan. I appreciate and take every comment constructively.

And as always I just wanna Thank Idol Yukina, Jessicaeckah22, Seriousblack_25, paysano, jaykwento, Jmxldx, Elizamaefelisarta, Heizelolmedo, Heartow, Liarec, Era_1011, Memodo, Reczcolyn01, SittieElhamMowa, and syempre sa Panda Princess ko and to all the silent readers ng story. Thank you thank you ulit.

@Panda, natatambakan ka na ng updates ko. Hahaha.

@Yukina, update na ulit. Sna magustuhan niyo nakayanan ko..hehe :P

The RebounderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon