UNO's POV
Hey Guys, btw Ako nga pala si Juan Carlos Mercado De Leon I, pero dahil ang haba ng pangalan ko, tawagin nyo na lang akong Uno, kasi nga diba the first ako, tapos Juan pa, hahaha kaya Uno. I'm 23 years old, Graduate ng Bachelor in Banking and Finance sa Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas. Nakatira ako at ang pamilya ko sa QC. Simpleng tao lang naman ako, galing ako sa isang may kayang pamilya, pero hindi kame mayaman..Magkaiba yun..hahaha..Madami kasing nag aakala na mayaman kame, Kasi nga Matangkad, Moreno, at medyo chinito ako. Sabi nga nila ako daw yung naalala nila kapag sinabing Tall Dark and Handsome. Kaya minsan akala din nila playboy ako, pero ang totoo nyan ako yung kabaliktaran noon. Oo na, maraming nagkakagusto sakin, pero hindi ko na lang sila pinapansin. Hindi dahil sa snobber ako or anything, that's because may Girlfriend ako, at maniwala kayo o sa hindi FAITHFUL at LOYAL ako sa kanya.
Oo nga pala, yung sinasabi kong gf ko ay si Louise Jessica Alvarez, at LJ ang palayaw niya, siya nga pala ay isang 4th year broadcast communication student sa PUP din, 21 years old na siya. Maliit sya pero maganda at cute, at syempre matalino. 4 months pa nga lang pala kame ni LJ. Kasi kakasagot nya pa lang sakin last July 16, pero take note ah, matagal kong niligawan yan si LJ, kasi sa lahat ng babae na kilala ko, pwera na lang sa mga friends ko, siya lang yung hindi ako type. Hindi sya nadadala sa looks at sa material things at yun ang nagustuhan ko sa kanya. At saka kakagaling lang ni LJ sa matinding break up nung makilala ko siya.
Ngayon nga pala ang monthsary namin ni LJ at magkikita kame sa paborito naming tambayan, dito sa Gong Cha sa SM North. Oo pareho kaming mahilig sa Milk Tea at yun ang stress reliever namin.
Usapan namin na magkikita ng 7pm, para tapos na ang klase nya and ang work ko, oo nga pala nakalimutan kong sabihin na nagwowork na ako. Isa nga pala akong Bank teller sa isang sikat na bangko. Ngayon hinihintay ko na syang dumating. Bumili na ako ng Flowers and Cake. Syempre meron din akong biniling special gift para sa kanya.
It's 7:24pm na, at ayun na nga at dumating na si LJ, late na naman siya, pero okay lang sakin yun kasi alam kong busy siya sa school dahil gumagawa na sila ng thesis nila.
ME: "Sweet, buti nandito ka na. Happy Monthsary!! nga pala Flowers and Cake for you"
LJ: "Sweet, sorry nalate ako, tinapos lang namin yung thesis namin. Next week na kasi deadline nun eh. Thank you sa flowers tsaka sa cake. :) "
ME: "I understand naman, nag alala lang ako kasi di ka nagrereply. So tara na, Dinner na tayo."
Inaya ko si LJ na kumaen sa favorite namin na restaurant, sa Italliani's sa may Trinoma. After eating, binigay ko na kay LJ ang special gift ko para sa kanya, Yun ay yung ginawa kong portait of her plus yung binili kong couple ring namin.
ME: "LJ gift ko nga pala sayo, Happy Mothsary Sweet ko" sabay bigay ng mga regalo.
LJ: "Sweet, ang ganda naman nito, Happy Monthsary din Sweet ko...Eto naman ang gift ko sa'yo".."Ginawa ko yan, mula pa noong nililigawan mo pa lang ako at I told myself na ibibigay ko sayo 'to once na handa na ako."
After that day, parang mas naging open kame ni LJ sa isa't isa. Oo, dati kasi kahit na girlfriend ko na sya hindi kame ganun ka open about certain things, kasi may mga secrets pa din kame. Pero dumaan ang ilang linggo parang nag-iiba na si LJ. Mas busy pa sya kesa sa dati. Hindi na kame nagkikta, kung magkita man kame, mga 30 mins lang para mag Milk tea tapos uuwi na daw siya.
And 6 months have passed, ilang araw na lang at Anniversary na namin. Syempre naghahanda na ako for the big day. Hanggang sa may nabasa akong text message sa phone ni LJ when she was in our house. "Beh, saan ka na? Papunta na ako sa house mo..Yung sinabi mong premyo ko ah..hahaha :P ."
Noong una, ayokong pag-isipan ng masama ang gf ko hanggang hindi ko sya natatanong about that. And mahirap para sakin na iconfront siya kasi baka hindi naman totoo ang iniisip ko at pagsimulan lang ng malaking away. Pero I did, kahit na mahirap tinanong ko sya...
ME: LJ, may hindi ka ba sinasabi sakin??
LJ: what do you mean sweet ko?
ME: Kasi, may di ako sinasadyang makitang text sa phone mo kanina, di ko alam kung sa'yo ba yun o hindi eh."
LJ: Huh? anu naman yun..baka naman prank texter lng"
ME: "hindi yun prank texter, kasi nakasave sa Phone mo yung number eh"..."Si Marcial yung nagtext, papunta na daw sya sa inyo, tsaka yung premyo daw niya".
LJ: "Sweet, di ko alam yun. Di ko alam yung sinasabi nya."
Hanggang sa naniwala na ako sa gf ko. Pero di na maalis sa isip ko yung text na yun. Dapat ba akong maniwala ng tuluyan kay LJ o dapat kong pakinggan yung kutob ko na niloloko na ako ng girlfriend ko? Hay naku..Ang gulo gulo naman...
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - -- - - - - - - -- - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hey Guys, @ItsMeCarlosPierce here, anu tingn nyo sa una kong sulat? Sana kahit paano umabot naman sa standards ni Wattpad..And sana magustuhan ng mga makakabasa..Be gentle naman sana sa mga magcricriticize and Open naman ako sa mga suggestions. Just comment you suggestions and I'll try my best to reply..haha
--Sa tingin nyo anu ba dapat gawin ni Uno? dapat ba nyang paniwalaan gf niya o dapat siyang maniwala sa kutob niyang may nangyayareng kababalaghan..haha..Abangan na lang sa next update. Please vote and comment naman sa mga makakabasa..Thank You wattpaders.. :)
BINABASA MO ANG
The Rebounder
General FictionHey guys, Pierce here..Nga pala eto ang unang story na isusulat ko..So kung panget ang kalalabasan..Sana maging medyo considerate naman tayo..hahaha..And always feel free to suggest, and criticize.. :) This story is about a guy named Uno, isang taon...