Chapter 9: The Plan Starts Now

196 8 21
                                    

Uno's POV

Kagabe, nang nakita ko ulit si LJ, di ko maintindihan nararamdaman ko. For a while, parang I felt happy inside, pero at the same time I also felt every bit of pain na naramdaman ko dati. Is it wrong na nakaramdam ako ng saya sa kabila ng ginawa niya sakin.

So ayun na nga, nag milktea kame( just like the old times ). Para mafeel nya na okay na kame. Habang nag-uusap kame, bigla na lang niyang naitanong, "Sweet, anu ba talaga ang nangyare? Naguguluhan talaga ako". Nang sinabi niya sakin yun, naisip kong, Talaga lang ah, hanggang ngayon ba naman..tss. Pero ang sinagot ko lang sa kanya, "Kalimutan mo na 'yun. Tapos na yun", sabay ngiti. Kaya di na siya ulit nagtanong. Nang makita kong lumalalim na ang gabi, naisipan ko nang ihatid siya pauwi. Nakita ko na habang naglalakad kame papunta sa bahay nila, di mawala sa mukha niya ang ngiting ngayon ko lang ulit nakita. At alam kong masaya siya. Nang bigla ko na lang naramdaman na hinawakan niya ang kamay ko. Di ko alam ang dapat kong maramdaman ng mga oras na 'yun. Hinayaan ko na lang ang mga nangyare.

Nang makarating kami sa kanila, sinabihan ko siyang pumasok na at uuwi na din ako. Nang bigla niya akong niyakap at sinabing "Salamat at bumalik ka na", sabay halik niya sa kanang pisngi ko. Napangiti ako at sinabing "Sige mauna na ako".

Pagdating ko sa bahay, iniisip ko pa rin ang mga nangyare. Tinanong ko ang sarili ko, Bakit ganun ang naramdaman ko nang magkita kame, diba dapat galit at poot, pero bakit ako masaya kanina", sabay gulo sa buhok ko. Hanggang sa nakatulog na ako. Pagkagising ko nakita kong may isang text akong natanggap. Galing pala yun kay April. Sabi sa text, "Hi Babe, kamusta ka na? Ikaw ah be a good boy habang wala ako jan ah, I Love You Babe mwah mwah". Sa text na yun, may konting guilt akong naramdaman. Pero sa isip ko sinabi kong sorry kailangan ko lang talagang gawin 'to.

Nang matapos kong mag-ayos para pumasok sa trabaho, may taong pumuta sa bahay. Si Marcial, dala niya si Dos sabay sabing, "Mokong, sinabihan ako ni ate na dalin ko daw sayo 'tong aso nyo. Wala kasing mag-aalaga jan".

Me: "Ahh ganun ba, sige salamat ah" sabay bigay ng pekeng ngiti sa kanya.

Pagkabigay niya ay agad siyang umalis. Ipinasok ko lang si Dos, at hinabilin kay Dad at saka ako umalis. Nang nasa trabaho, wala ma namang gaanong tao, naalala ko ang nangyare kagabi. Kaya maisip kong puntahan si LJ at umpisahan na ang unang step sa plano ko, at yun ay ang muling mapalapit sa kanya.

Nang matapos ako sa trabaho, pinuntahan ko siya sa school para sunduin. Nang bigla kaming nagkita ni Aira. "Uy, long time no see ah, anung ginagawa mo dito?" sabi niya. Sinabi kong nandun ako para sunduin si LJ, nakita kong nabigla sya sa sinabi ko. Sabay sabing "Kaya pala masaya yun kanina, so bati na pala kayo". Napangiti ako sa sinabi nya at sinabing "Medyo, Siguro, baka.." hindi ko sinabi sa kanya ang plano ko at baka mabulilyaso pa.

Pagkatapos naming mag-usap, nakita ko na si LJ. Nakita kong nagulat siya na nandun ako. Sinabi ko sa kanyang, "mula ngayon susunduin na ulit kita". Napansin ko ang saya sa mukha niya.

Ilang araw pa at madalas na kaming lumalabas ni LJ. Nakita kong komportable na sya ulit sakin. Sa ilang araw na yun, naramdaman kong gumagaan na din ulit ang loob ko sa kanya. Pero sa tuwing maaalala ko ang mga nangyare, bumabalik ang galit at ang pagkagusto kong makaganti sa kanilang dalawa ni Marcial. Kaya naisipan ko nang gawin ang susunod na hakbang ng plano ko.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

LJ's POV

"Aaaaaahhhh!!" sigaw ko sa kwarto after na muli kaming magkita ni Uno. Sa wakas bati na kame. Pero di ko pa rin alam dahilan ng mga nangyare, pero it doesn't matter na, ang mahalaga ay okay na kami ni Uno.

_-FLASHBACK-_

Ilang araw kasi ang nakalipas, after kong magsimba. Nakita ko si Uno sa milktea shop na lagi kong pinupuntahan. Numg oras na yun, di ko napigilang umiyak sa sobrang miss ko sa kanya. Kaya di ko na din napigilan na yakapin siya.

The RebounderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon