Chapter 11: The Trauma

157 6 11
                                    

Uno's POV

Hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung ano ba nangyare kay LJ. Bakit kaya sya biglang nagkaganun. Diba hindi na sya virgo. Kaya anung inaarte nung babaeng yun.

Dalawang araw na ring di nagpapakita sakin si LJ. Kahit mga text at tawag ko di niya sinasagot. Kapag pumupunta ako sa kanila, lagi daw siyang wala sa bahay.

Kaya sinadya ko na siya sa school. May dala na din akong pink roses (yun kasi ang favorite niyang flower). Pagdating ko sa PUP, pinili kong hintayin na muna siya sa cafeteria, dahil ang alam ko 30 mins pa bago matapos yung klase niya. Ilang sandali pa ang lumipas nakita ko si Aira. Meaning tapos na ang klase nila.

Nang magkita kami ni Aira, agad ko siyang kinausap. "Aira!!", tawag ko sa kanya.

"Uy Uno, ikaw pala yan. Anu ginagawa mo dito?" sagot niya sakin.

"Pumunta ako dito para kausapin si LJ", paliwanag ko.

"Naku, kanina pa umalis si LJ, akala ko nga kasama mo eh."

"Iniiwasan niya nga ako nitong mga nakaraang araw eh".

"Bakit na naman?" tanong niya sakin habang nakahawak sa batok.

Nang maitanong niya yun, nagkaroon ako ng lakas ng loob na tanungin siya about sa nangyare.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Aira's POV

--Hay salamat at nagkaroon din ako ng POV..salamat MR. AUTHOR--

Nakita ko si Uno dito sa PUP. Nagulat nga ako at may dala pa siyang bulaklak. Kahit kailan talaga ang sweet nitong si Uno.

So ayun na nga, nagkausap kame. Nalaman kong iniiwasan siya ni LJ. Dahil doon, nakapag kwento na din ako. "Uno, alam mo bang mula nang nangyare yung break-up niyo few months ago, hindi ko pa rin kinakausap si LJ hanggang ngayon", pag amin ko. Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko. Ang daming tanong ang nakita ko sa mga mata niya. Tila ba gusto niyang mang usisa.

Habang nag-uusap kame. Bigla na lang sumeryoso ang mukha nya. "Aira...uhmm" mahina niyang sabi. Nakita ko sa mata niya ang pag aalala. "Anu 'yun?" sagot ko naman. Natigilan siya bago siya nakapagsalita ulit.

Uno: "Aira, may alam ka bang problema ni LJ?"

Me: "Anung ibig mong sabihin?"

Uno: "Kasi 2 days ago, I tried to....."

Me: "Tried to what?"

Nakita kong parang hirap siyang sabihin sakin ang mga kasunod na salita. Nang magsalita siya ulit.

"I tried to make her have sex with me, ayy mali make love pala".

Nagulat ako sa sinabi niya. At noong mga oras na yun, di siya mapakali. "Tapos.." tanong ko pa sa kanya.

"I don't know why, pero bigla na lang siyang umiyak at nanginig yung buo niyang katawan. Aira, di ba di naman yun ang first time nya?"

Nang sabihin niya yun, bumalik sa alaala ko yung nangyare dati. Di naman kaya, natrauma si Bestie sa nangyare dati sa kanila. Pagkatapos nun, isa lang ang punmasok sa isipan ko. Yun ay ang sabihin kay Uno ang nangyare kay LJ.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Uno's POV

Nagulat ako nang malaman kong di din kinakausap ni Aira ang best friend niyang si LJ. Bakit kaya? Ayun na nga, nasabi ko na sa kanya yung nangyare nung isang gabi. At napansin kong parang may alam siyang di ko alam. Na para bang nagdadalawang isip siyang sabihin sakin yun.

The RebounderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon