Third Person POV
Nagmamadaling isinakay si Uno ng babaeng nakabangga sa kanya sa kotse. Dali-dali niya itong dinala sa ospital para maagapan. "This can't be, bakit sya pa?" nag-aalalang sabi nito habang nagmamaneho.
Sa di naman kalayuan, nakita ni Aira ang mga nangyare. Nakita niya kung paano bumagsak si Uno, nasabi niya na lang, "Tama lang sa kanya yun". Ngunit sa loob loob nito may kaunting pagkaawa na naramdaman si Aira, na nasobrahan yata ang mga nasabi niya kay Uno. Kaya agad siyang lumingon palayo na parang walang nakita.
-Sa Ospital-
"Uno, please hold on. Don't die please" sabi ng babaeng nakabangga kay Uno. Mabilis na dinala si Uno sa emergency room, humabol ang babae ngumit di siya hinayaang makapasok. Kabadong-kabado itong pumunta sa capilya ng ospital para ipagdasal ang kaligtasan ni Uno.
Dumaan ang ilan pang oras ngunit wala pa ring balita mula sa loob ng emergency room. Alalang-alala na naghihintay ang babae sa labas ng emergency room nang biglang may lumapit na mga kalalakihan sa kanya.
"Lady Chelsea, kailangan nyo na pong umuwi. Kanina pa po kayo hinahanap ng Daddy niyo" sabi ng lalaking lumapit."Gerard, please tell my dad na hindi pa ako makakauwi dahil may nabangga akong lalaki kanina." sagot naman ng babae.
"Lady Chelsea, okay lang po ba kayo? Nagalusan po ba kayo?" pag-aalala ng lalaking nagmgangalang Gerard.
"Don't worry I'm fine. But I have to be here until I'm sure that he's okay" sagot naman ni Chelsea.
Lumayo ang lalaki at akmang may tatawagan. "Sir, we found Lady Chelsea. Pero nakabangga po siya ng isang lalake kaya daw po hindi muna siya makakauwi"...."Okay po, sasamahan na lang po muna namin si Lady Chelsea dito." Tinapos nito ang tawag.
Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na ang Doctor. "Doc, how's the patient?" tanong ni Chelsea.
"He's already out of danger" sagot naman ng doktor.
Nabunutan ng tinik si Chelsea sa narinig na sagot mg doktor. Pero may kasunod pa pala ito.
"But I'm afraid he suffered a massive head injury that might cause some complications" pahabol ng doktor.
Biglang siyang nabahala sa sunod na sinabi ng doktor. Kaya hindi siya napakali.
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Kath's POV
Dahil sa mga nasabi ng doktor, agad kong inutusan si Gerard para hanapin at kontakin ang mga kapamilya ni Uno para masabihan sa nangyare. Pagkatapos ay agad kong kinausap ng doktor.
"Doc, gawin nyo po ang lahat ng makakaya niyo para maiayos ang kalagayan ni Uno. Don't worry about the bills I will be handling everything" sabi ko sa doktor.
"Don't worry, we'll do our best ma'am" sagot naman ng doktor.
Pagkatapos na mailipat si Uno sa private room, umuwi muna ako para kumuha ng mga gamit. Napagdesisyunan kong ako na ang magbabantay sa kanya. Inutusan ko na din ang isa sa mga body guards na bantayan si Uno habang wala ako.
Pagdating ko sa bahay, agad komg pinuntahan si Daddy para mapaalam ang mga nangyare. Nakita ko ang pag-alala sa mata ni Dad pero sinabihan ko siyang okay lang ako at wala siyang dapat na ipag-alala. Pero nagpaalam ako sa kanya na hindi muna ako makakapasok sa kumpanya dahil kailangan kong bantayan si Uno sa ospital.
Pinayagan naman ako ni Dad. Pagkakuha ko ng damit ay naghanda na akong bumalik sa ospital. Bago pa man ako makaalis tumawag sakin si Gerard.
"Hello Lady Chelsea, nakontak ko na po ang mommy ni Uno. Naipagtanong ko po sa mga Buenaventura." sabi ni Gerard.
"Sige, did you tell her kung saang ospital dinala si Uno? Pati na rin yung room number." tanomg ko kay Gerard.
Pagkatapos naming mag-usap ni Gerard, agad na akong umalis para bumalik sa ospital. Nang makapasok ako sa kwarto kung nasaan si Uno, nakita kong tulog pa rin ito at nasa loob din si Doc.
"Doc, how's Uno?" tanong ko pagpasok ko.
"He's still unconscious, hayaan muna natin siyang makapag pahinga. At hintayin na lang natin na magkamalay siya." sabi ni Doc.
Ilang sandali pa ay dumating na ang Mommy ni Uno. Alalang-alala ito sa anak niya. Pagpasok pa lang nito sa kwarto ay agad itong naluha sa nakitang estafo ng anak niya.
"Nak, anung nangyare sa'yo? Sinong may gawa sa'yo nito?" sabi ng mommy niya.
Lumapit ako sa kanya ng makita kong hindi niya ako napansin sa loob ng kwarto. Humawak ako sa balikat niya at kinalma ito.
"Tita, wag po kayong mag-alala okay na po si Uno. Hintayin na lang po natim siyang magkamalay", sinabi ko sa mommy niya.
Nilingon ako nito at ngumiti, pero mapapansin pa rin sa mga mata niya ang pag-alala at kalungkutan. Hindi ko na muna sinabi ang bad news na sinabi ng doktor sakin para di na siya gaanong mag-alala.
Sinabihan ko din si tita na hinahanap na namin ang taong nakagawa nito kay Uno. Hindi ko na sinabing ako ang nakabangga kay Uno, hindi para makatakas sa kasalanan ko. Kundi paa patuloy kong mabantayan si Uno.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
ItsMeCarlosPierce here, ito na ulit ang update. Nagkaroon na ng time para makapagsulat ulit. Si Kath pala ang nakabangga kay Uno. Sa tingin nyo anu sunod na mangyayare? Paki VOTE and COMMENT na lang ng suggestions and reactions nyo about this chapter. Okay lang kahit violent reactions, I take every comment constructively kaya keep them coming.
And as always I just wanna Thank Idol Yukina, Jessicaeckah22, Seriousblack_25, paysano, jaykwento, Jmxldx, Elizamaefelisarta, Heizelolmedo, Heartow, Liarec, Era_1011, Memodo, Reczcolyn01, SittieElhamMowa, and syempre sa Panda Princess ko and to all the silent readers ng story. Thank you thank you ulit.

BINABASA MO ANG
The Rebounder
General FictionHey guys, Pierce here..Nga pala eto ang unang story na isusulat ko..So kung panget ang kalalabasan..Sana maging medyo considerate naman tayo..hahaha..And always feel free to suggest, and criticize.. :) This story is about a guy named Uno, isang taon...