Uno's POV
Grabe talaga, It has been 3 weeks since I broke up with my ex girlfriend, pero hanggang ngayon di pa rin maalis sa isip ko yung mga nangyare. At alam nyo kung anu pa yung mas nakakainis dun, yun ay yung after kong itext yung babaeng yun ( ayoko ng naririnig ang pangalan niya ), aba'y nakuha pang magmaang-maangan. Anu daw ba problema, at mag-usap daw kame ng maayos, hindi yung ganun na lang basta. Parang ako pa yung bad guy dito eh, na bigla na lang nang-iiwan. Nakakaasar talaga. And worst of all, kahit ayaw ko, naapektuhan na ang work ko. Kasi these past 3 weeks, most of the time, wala ako sa sarili ko kahit na nasa work ako, Kaya what do you expect, syempre lagi akong nabibigyan ng memo, dahil nga naman sa may kinalaman sa pera ang work ko. Hay naku, I think I need a break from all of these. Kaya sinabi ko sa bank manager namin na gusto ko munang mag vacation leave kahit mga 2 weeks lang. Just to get my old self back. And they approved it naman.
So, nagplano akong pumunta sa isang lugar na malayo. Hanggang sa kaninang umaga, habang natutulog pa ako, may taong dumating sa bahay. At narinig ko siyang sumisigaw sa labas ng kwarto ko, "Hey bro, labas na jan, Anung oras na tulog ka pa rin. Wala ka paring pinagbabago". So, nacurious ako. Sino naman tong baliw na nagsisisgaw sa labas. At paglabas ko ng kwarto ko, ito na lang nasabi ko, "Gago, kailan ka pa dumating?? bakit di ka nagsabing uuwi ka pala".
Okay, ipapakilala ko sa inyo yung taong dumating, Siya si Jason Alexander Cruz, siya nga pala ang best friend ko since high school. Siya nga pala ang Head Chef ng Grand Hyatt Hotel sa Dubai, Isang kilalang 5-star hotel dun, bigtime noh? Oo, Head chef na siya kahit na at the age of 24. Kasi sobrang galing magluto ng best friend kong 'to. And its been 3 years mula ng huli kong makita tong lokong 'to eh. Kaya ng makita ko siya, nagkakwentuhan kami.
Me: "Uy Jason, kailan ka pa nga dumating, di ka man lang nagsabi. buti naka leave ako."
Jason: "I arrived last night, tsaka gusto kong surpresahin ang barkada, kaya di ako nagsabi..hahaha"
Me: "You surprised me alright. So hanggang kailan ka dito??'
Jason: "Kakarating lang pinapaalis na agad..hahaha".."mag-stay ako dito for 2 weeks, then babalik na ko sa Dubai. Alam mo naman di ako pwedeng mawala dun ng matagal."
Me: "Good, Nakaleave din ako for 2 weeks eh."
Jason: "Bakit naman? And ang natatandaan ko at nababasa ko sa FB mo, You have a lgirlfriend na ah."
After ng sinabi nya, naalala ko na naman mga nangyare, and I realized na I haven't updated my facebook status. Kaya sinabi ko na lang, "Naku pre, wala na kame, tsaka napakahaba at magulong istorya, di mo na gugustuhing malaman yun". Tapos sabi na lang niya...
Jason: "Okay sabbi mo eh, So may lakad ka ba??"
Me: "Wala pa nga eh, balak ko lang lumayo ng konti...hahaha"
Jason: "Edi ayos pala eh, pupunta nga pala ako sa nabili kong rest house sa Palawan, anu gusto mo sama ka na lang. para makabawas ka ng gastos."
Me: "Okay yun pre, sige kailan tayo aalis?"
Jason: "Mamayang gabi, kaya magempake ka na..babalikan na lang kita mamaya, aasikasuhin ko lang mga kailangan natin dun. All you need is clothes and yourself..hahaha"
Me: "Good, sige daanan mo na lang ako dito mamaya."
At ayun na nga, kinagabihan, dumating na si Jason, sakay ng isang Lexus LF-A Roadster. Grabe na talaga tong best friend ko, naka sports car pa, yung red..hahaha. At sabi nya, Okay na daw lahat kame na lang daw hinihintay dun sa rest house. "Uno, alam mo na kung bakit ko piniling gabi umalis..Kasi sayang lang 'tong sasakyan ko kung mtatraffic lang din tayo..hahaha"
At umalis na nga kame, Grabe, ngayon lang ako nakasakay sa isang sports car. At natakot ako dahil sobrang bilis ng takbo namin, Akalain nyo yun, galing sa QC nakarating kame sa Airport within 20 mins.
- - - - - - - - -
Ayun na, Welcome Palawan!! Ngayon lang ako nakapunta dito, kaya medyo excited din ako maglibot libot at puntahan yung mga tourist spots dito. 2 weeks din kaming magtatagal dito kaya masusulit ko 'to..Pagdating namin sa rest house ni Jason, nagulat ako at natulala. "Son, Sayo ba talaga 'to? Grabe ang ganda naman dito..Parang paraiso"
Jason: "Yup, ganda ba?".."Yun nga lang, nasa Dubai ako palagi kaya di ko na 'to mapupuntahan ng madalas..hahaha"
Hanggang sa nagkakwentuhan na kami, at tinanong sa akin ni Jason kung ano daw nangyare sa amin ng girlfriend ko. At dahil nga siya ang best friend ko, kinwento ko sa kanya lahat ng nangyare. Nagulat siya at di makapaniwala. Sabi pa niya, "Sa gwapo mong yan, nagawa ka pang lokohin ng girlfriend mo", sabay tawa. Hanggang sa sinabi nya na tuturuan daw niya ako kung paano mabilis na maka get over sa mga nangyare. At ang paraan na sinasabi niya ay walang iba kundi humanap ng kapalit, pero take note sinabi niya rin na para daw hindi na maulit pa yung mga nangyare, wag daw akong magseseryoso hanggang hindi ko pa daw nakikita yung taong dapat seryosohin. Medyo di ko sineryoso ang mga sinabi niya, pero sa loob ko, susubukan ko baka efective nga.
Kinabukasan, habang naglilibot kame sa lugar, nakita ko kung gaano ka-playboy ang kaibigan kong 'to. Kasi bawat babaeng matipuhan niya nilalapitan niya at gagamitan ng mga mabulaklak na salita, pagkatapos kukunin ang number at saka sasabihang pumunta sa rest house nya. Grabe talaga, Kaya tinanong ko siya kung bakit sa yaman niya, at galing magluto ay wala siyang girlfriend. Ang sabi nya sakin, "Bro, hindi ko kailangan ng gf, dahil nakukuha ko naman yung mga naibibigay ng mga gf, sa mga babaeng namemeet ko eh."
Me: "Grabe ka pre, paano mo naman nagagawa yan?"
Jason: "Basta, pre ganito lang ang teknik jan, Kapag may nakita kang babae na type mo, lapitan mo agad, and RULE #1 dapat you look confident, pero hindi presko, ayaw ng mga babae sa mga lalaking presko masyado. Pero tatandaan mo ah, kapag may boyfriend siya, pre off limits yun."
Me: "Ahh, good boy ka pa rin pala kahit papaano eh, di ka nanunulot ng babae."
Jason: "Syempre, mali yun".."Diba gusto mong makalimot at hindi na ulit masaktan ng kashit na sino pang babae, then I'll give you some tips, kung gusto mong sundin its up to you."
Me: "Okay sige..."
Jason: "Remember lang, na ang pianaka madaling way is maging REBOUNDER ka!".."Ang mga rebounder ay yung, sumasalo sa mga babaeng galing sa break-up, kasi mas vulnerable sila in that time."..."Dun ka muna mag umpisa, tapos, mararamdaman mo na lang kung dapat mo ng seryosohin yung isang babae o Hindi"
At sinunod ko nga ang payo ni Jason na magliwaliw, kaya 2 days after naming makarating dito sa Palawan, lumabas akong mag-isa, kasi may lakad si Jason sa isa sa mga babaeng nakilala niya dito. Kaya namasyal muna ako, hanggang sa mapunta ako sa Calauit Island Wildlife Sanctuary, isang tourist destination dito sa Palawan, at dito may nakita akong isang magandang babae na bumighani sa paningin ko siya ay si April.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hey guys, Nakupo!!! tinuruan na si UNO kung paano maging playboy, dumagdag pa sa sulsol ang best friend niyang si Jason. So sa tingin nyo magagawa kaya ni Uno na maging playboy?? At sa tingin nyo anu naman kaya ang magiging papel ni April sa buhay ni Uno?
Special Thanks to @Foreveralone1992 @Jessicaeckah22 @Yukina011, sana magustuhan nyo ang update na to mga Idol..hehe :)
And again thank you sa mga nagtyagang bumasa ng Chapter 3 at ng chapter na to, kung mapapansin nyo medyo light lang ang mood ng chapter 4. At pag pasensyahan nyo na po kung medyo mabagal ang pace ng Story ngayon. Yan lang po kasi ang nakayanan ng utak ko eh...hahaha..So please pa vote and comment na lang po..
BINABASA MO ANG
The Rebounder
General FictionHey guys, Pierce here..Nga pala eto ang unang story na isusulat ko..So kung panget ang kalalabasan..Sana maging medyo considerate naman tayo..hahaha..And always feel free to suggest, and criticize.. :) This story is about a guy named Uno, isang taon...