Chapter 22: The Deal

58 3 9
                                    

Uno's POV

It has been months since I was released from the hospital. I think I'm a little better now. Currently, kasama ko sI Mama at ang personal nurse na kinuha ni Kath dito sa tinutuluyan naming bahay ngayon malapit kila Kath. Oo, siya yung babaeng parating nagbabantay sakin when I was still in the hospital.

Ang sabi niya kasi dapat daw sa malapit lang daw sa kanila kami mamalagi muna para daw madali lang daw kaming bisitahin at icheck kung may improvements na sakin.

Hanggang ngayon kasi wala pa rin akong maalala kahit na konti sa mga nangyare. At hindi din daw makakabuti sakin ang masyadong pag-iisip.

Hindi ko nga alam kung bakit napaka maalaga sakin ni Kath. Sana maalala ko na kung magkaano-ano ba kami. Siya kaya ang girlfriend ko? O malapit na kaibigan.

"Aahhh" muli na namang sumakit yung ulo ko. Tuwing mag-iisip kasi ako ng tungkol sa past my head aches badly.

Binigyan din ako ng bagong phone ni Kath. Nakasave daw dun ang number niya, ni Mama at ni Gerard, para kung sakaling may kailangan ako madali ko daw silang macocontact. Tinanong ko siya kung nasaan yung dati kong phone. Pero ang sabi niya lang sakin ay nasira daw yun nung maaksidente daw ako. Sayang, naisip kong baka makatulong yun para maibalik yung mga alaala ko.

Pero mas minabuti ko na lang na hayaan na kusang bumalik ang mga alaala ko kaysa pilitin tong alalahanin.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Kath's POV

Ngayon nakabalik na ko sa trabaho ko sa company namin ni Dad. Medyo bumuti na kasi ang lagay ni Uno. Pinalipat ko muna sila ni tita sa bahay na malapit sa amin, para madali ko siyang machecheck.

Noong una nagtaka nga si Tita kung bakit daw kailangan pa nilang lunipat ng tinitirhan. Pero ang sabi ko mabuti na yung malapit sa amin para kung may mga kailangan sila ni Uno, madali lang na makapunta sa kanila.

Nagpapasalamat pa rin si Tita sakin sa lahat daw ng tulong na ibinibigay ko sa kanila. Pero sa loob loob ko, ako naman ang may kasalanan kung bakit nangyare kay Uno yun eh.

- - -

Lumipas pa ang ilang mga araw, nasasanay na si Uno sa bagong set up namin. Pero madalas, tuwing umuuwi ako galing sa work dumadaan muna ako sa kanila para kamustahin ang lagay niya.

At palaging ito ang sinasabi nya sakin. "Kath, Thank you talaga sa tulong mo mula noong nasa ospital pa lang ako, hanggang sa ngayon."

Masarap sa pakiramdam na nakakatulong ka sa ibang tao. Pero mas masarap pala na ang natutulungan mo ay yung taong mahalaga sayo.

Inaamin ko, unti-unti ay nag-iiba na ang tingin ko kay Uno. Masaya siyang kausap, at madaling kagaanan ng loob. Kahit nung una ko palang siyang makita sa mall. Siguro nga ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya, siguro nga ay napapamahal na ako kay Uno.

Hanggang sa isang gabi ng dumaan ako sa kanila pagkagaling ko sa work. Isang tanong galing kay Uno ang nagpatigil ng oras para sakin, "Kath, wag mo sanang mamasamain. Pero bakit sobrang bait mo sakin, Anu ba ang kaugnayan nating dalawa?"

Nang mga sandaling 'yun, parang nawala ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung anung pumasok sa isip ko. "Uno, alam kong di mo matandaan ang lahat pero ako..ako ang girlfriend mo" yun na lang ang naisagot ko sa tanong niya.

Agad na napangiti si Uno at napayakap sakin, sabay sabing

"Buti na lang talaga, ikaw ang naging girlfriend ko. Napakaswerte ko naman."

Kakaibang saya ang naramdaman ko nang mga oras na yun. Hindi ko na inisip pa ang mga mangyayare. Sa araw araw na siya ang palagi kong kasama, sa tingin ko mahal ko na nga siya.

The RebounderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon