Uno's POV
Nang matapos kaming manuod ng sine, may hiniling ako kay LJ. "Sweet, alam mo naman na mahal pa rin kita diba?"
LJ: "Ahhm..."
Me: "Di ka ba naniniwala sakin?"
LJ: "Na-naniniwala naman", nauutal niyang sagot.
"Ganun naman pala eh", sabi ko habang nakapout. "Ikaw ba mahal mo pa ba 'ko?" dagdag ko pa. Nakita kong napahinto siya ng saglit at yumuko. Napansin ko na parang napaisip siya sa sinabi ko. Namula ang mukha nya, sabay sabi ng mahina, "Di naman nawala yun eh".
Napangisi ako sabay hinawakan ko ang mukha nya. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata nya.
-*-*-*-*-*-*-*-*--*-*-*-*-
LJ's POV
Ang saya-saya ko ngayon. Di pa rin ako makapaniwala na magkasama kami ulit ng Sweet ko. Kakatapos lang namin kasi manuod ng sine. Ang sweet niya talaga, parang yung dati.
Pero hindi ko alam kung bakit nung tinanong niya ako kung mahal ko pa ba siya. Di agad ako nakasagot. Ewan ko ba, alam ko naman sa sarili ko ang gusto kong isagot.
"Di naman nawala yun eh", mahina kong sabi. Nang sinabi ko yun, napansin kong napangiti siya. Ang gwapo niya talaga kapag ngumingiti. Napansin niya sigurong nagblush ako kaya siya ngumiti.
Hanggang sa hinawakan niya ang pisngi ko, at tiningnan ako sa mata. Nang mga oras na yun, nakita ko sa mga mata niya ang sincerity. It felt the emotions eveloped in his stare.
Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Pumikit ako, alam ko na ang moment na to, eto yung part na hahalikan niya na ako. Ewan ko ba, dati na din naman kaming nagkikiss ni Uno. Pero ngayon, I feel na I'm going to receive my first kiss. Parang iba.
Kaya unti-unti ko na ding nilapit ang mukha ko sa kanya sabay pout. Ayan na, malapit na, nang biglang........
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Uno's POV
Nakakatawa talaga 'tong si LJ, ang dali nyang sumunod. Kasi kanina nung nilapit ko yung mukha ko sa kanya, aba'y akalain nyong pumikit siya sabay nagpout. Tapos unti-unting lumapit din siya, akala niya siguro hahalikan ko siya, hahaha. Nang malapit na, bigla kong hinipan yung pisngi niya.
"Sweet, bakit ka nakapout?" tanong ko sa kanya. "Wala yun", sagot niya. Pulang-pula yung mukha niya ng sinasabi nya yun. "Gusto mo siguro akong ikiss noh?" pang aasar ko pa.
"Hindi kaya!!" pagtanggi niya, napakunot siya ng noo sabay yuko. Yung itsura niya parang isang batang nakapila sa libreng ice cream, pero nung siya na, ubos na pala, hahaha.
Nang mga sandaling yun, parang may naramdaman akong kakaiba, (ang cute niya talaga kapag ginagawa niya yun) sabi ng boses sa utak ko. "Why am I feeling this way? Mali to, MALI!!" sabi ko naman sa sarili ko.
Alam kong nagtampo siya. Kaya hinawakan ko yung kamay niya. Grabe, ang lambot pa rin ng kamay niya.
-*-*-*-*-*-*-*-*--*-*-*-*-
LJ's POV
Hay naku nakakainis, napahiya ako kanina. Akala ko kasi yung kissing scene na. Yun pala, may hinipan lang palang dumi si Uno sa mukha ko.
Kaya agad akong nagblush sa kahihiyan. Tapos inasar pa ako ni Uno. "Gusto mo siguro akong ikiss noh?" asar niya.
Nakita ni Uno na parang nagtampo ako sa ginawa niya. Kaya hinawakan niya yung kamay ko. Tapos hinalikan niya yun. "Oh, ayan na kiss mo", sabi niya pa sabay ngiti. "Ang gwapo nya talaga kapag ngumingiti" sabi ko ulit sa sarili. Kaya ngumiti na din ako pabalik sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Rebounder
General FictionHey guys, Pierce here..Nga pala eto ang unang story na isusulat ko..So kung panget ang kalalabasan..Sana maging medyo considerate naman tayo..hahaha..And always feel free to suggest, and criticize.. :) This story is about a guy named Uno, isang taon...