Chapter 17: Truth Comes Out

62 3 3
                                    

LJ's POV

Dumating na ang araw ng pag-alis ko. Ibang kaba ang naramdaman ko, parang di pa ako handa. Parang pakiramdam ko may unfinished business pa ako dito sa Pinas. Pero di ko alam kung anu yun.

Ngayon paalis na kame ng bahay para pumunta ng airport. Maaga ang napiling flight ni tita, para daw sakto ang dating ko sa kanila. Sa amin nakitulog si Aira kagabi para masulit ang huling araw ko dito sa Pinas.

Ilang oras bago kame umalis, nakailang tawag na sakin si Uno. Wala pa rin siyang alam sa mga nangyari mula pa noong gabi ng party. At mula pa noon wala na kaming communication, pati si Aira hindi na siya kinakausap. Madami na ring text akong natanggap mula noon at ilang beses na din siyang pumunta sa bahay para lang makausap ako. Pero wala siyang natanggap ni isang sagot.

At dumating na din si Papa, dala nya ang hiniram na sasakyan ng tito. Oras na para kame ay umalis. Wala ng atrasan 'to. Gagawin ko to for my family, at opportunity ko na'to para patunayan sa kanila na mali ang ginawang pangloloko nila sakin.

Nagkakapaalaman na kame nila Mama, Papa at ni Aira. Sila lang ang kasama ko at may alam ng planong pag-alis ko. Sa mga sandaling ito, di ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Naiisip ko pa lang kasi na mahihiwalay ako sa kanila ng mtagl na panahon naiiyak na ako. Pero kailangan kong magpakatatag para din sa kanila.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Uno's POV

Anu bang nangyayare? Its been almost a month na hindi ako kinakausap ni LJ. Hindi ko alam kung anu ba ang problema namin. Dati naman hindi siya yung taong tatahimik lang kapg may problema. Ipapaalam niya sayo kung may hindi magandang nangyayare. Nag-umpisa 'to a day after nung party sa bahay ng mga Buenaventura.

Ilang beses ko nang sinubukan na tawagan siya, pero di niya sinasagot, puro ring lang. Kapag tinext ko naman siya di siya nagrereply. At nang subukan ko siyang puntahan sa kanila, palagi siyang wala sa bahay. Di ko na alam ang mga nangyayare. Siguro may nangyare sa party na pinuntahan niya kasabay ng party para kay April.

Sinubukan ko na din na kausapin si Aira, pero iniiwasan na din niya ako. At kapag pupunta ako sa school, ang sabi daw ng mga classmates nya ay hindi na daw pumapasok si LJ matagal na.

Ngayon, papunta ako sa bahay nila LJ. Ihahatid ko muna si April sa office niya at saka ako didiretso kila LJ. Alam kong mali ang mga ginagawa kong to, pero di ako mapalagay sa mga nangyayare. Parang may iba, parang....

Pagkahatid ko kay April sa office, agad akong nagpaalam,

"Sige pumasok ka na sa loob. Baka malate ka pa, I Love You" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Sige na Babe, mamaya na lang ulit. Tatawagan kita after ng work ko. I love you too" sagot naman niya.

Pagkatapos magpaalaman, agad akong dumeretso sa bahay nila LJ para magbakasakaling nandoon na siya. Maaga pa kasi at wala naman sigurong aalis ng ganito kaaga, lalo na't di na siya pumapasok sa iskwela.

Pagdating ko sa aking destinasyon, nakita kong nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. At parang walang tao. Saan kaya sila nagpunta?

Kahit na mukhang walang tao, lumapit pa rin at kinatok ko ang bahay.

-Tok, tok, tok-

"Tao po, Tita Jessy, Tito Louie..." sabi ko habang kumakatnok. Pero ni isang tinig ng isag tao sa loob ng bahay ay wala akong narinig.

Nang biglang may kumapit sa balikat ko. Si Marcial, anung ginagawa niya dito?

"Hoy, Mokong anung ginagawa mo sa bahay ng girlfriend ko ha?" tanong niya sakin.

"Kolokoy, wala ka ng pakialam dun. At ikaw anung ginagawa mo dito ng ganito kaaga?" sagot ko kay Marcial.

"May pakialam ako, dahil girlfriend ko ang nakatira dito at ang ate ko lang naman ang niloloko mo." sabi naman niya.

Sandali akong natulala sa sinabi siya. Oo nga, ate niya pala ang girlfriend ko. Pero siya, boyfriend ni LJ, malabo.

"Mokong, alam mo kung saan nag punta mga tao dito?" tanong niya sakin na mukhang nag-aalala din.

"Ewan ko, diba ikaw ang boyfriend. Dapat alam mo." sagot ko naman.

"Eh..kung alam ko ba, tatanungin ko pa sayo." sabi niya sabay alis na.

Bigla akong napaisip. Naalala ko yung babaeng tumakbo at nag cause ng gulo sa party nila Marcial. Hinabol pa niya 'to.

Hindi kaya, Si--- si LJ kaya ang babaeng yun?? At posible kayang nakita nya kami ni April? Kaya niya ako iniwasan. At kaya ba parang ayaw ipaalam sakin ni April kung sino ang babaeng tumakbo noon. Kasi alam niyang si LJ yun.

Hanggang sa naisip kong nagtutugma ang mga nangyare. Hindi, nalaman na nya---

Waahhhh, kailangan ko siyang mahanap. Kailangan kong mahanap ang babaeng totoong minamahal ko.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hello guys, ItsMeCarlosPierce ulit. Sa wakas nakapag update ulit ako. Medyo naging busy ako sa mga kailangan kong ayusin eh. So Anyways, tuloy na nga ang pag-alis ni LJ papuntang Canada. At anu na kaya ang mangyayare ngayong may kutob na si Uno sa mga nangyare. At sa kanila ni April? Guys tell me what you think about this chapter. Please VOTE and COMMENT nyo ang suggestions and reactions nyo. I appreciate every single one of them.

I also would like to thank, Idol Yukina, Jessicaeckah22, Seriousblack_25, paysano, jaykwento, Jmxldx, Elizamaefelisarta, Heizelolmedo, Heartow, Liarec, Era_1011, Memodo, Reczcolyn01, SittieElhamMowa, and syempre sa Panda Princess ko and to all the silent readers ng story. Thank you thank you ulit.

@Panda nag update na ko, hope you'll like this chapter. Ngayon na lang ulit nagka time eh.

@Yukina Idol update na po, haha. After nito babasahin ko na yung revised version ng #AWTC

The RebounderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon