UNO's POV
Kahit na nag aalangan ako, naniwala na lang ako kay LJ, Mahal ko kasi talaga siya at ayokong maghiwalay kame pero...Hay naku, ang gulo-gulo na talaga. After kong nabasa yung text message na yun, ang dami-dami nang nangyare. Palagi na kaming nag-aaway ni LJ, at masama pa nun, palagi nya ring isinusumbat ang TRUST. Na ako daw, kahit na maraming babae ang lumalapit at nagkakagusto, Okay lang daw sa kanya at naiintindihan nya ako, pero siya isang text lang masyado ko na daw pinapalaki, mali ba ako? Siguro nga masyado ko siyang pinaghihinalaan. Pero masisisi nyo ba ako...
Hanggang sa dumating na ang Big Day, ang araw na pinakahihintay ko, 1st anniversary na namin. Ang aga kong gumising para mag prepare. Naghanda kasi ako ng isang surprise celebration. Hindi alam ni LJ 'to kasi di ko siya kinakausap about sa anniversary namin this past week, so that maging surprise talaga. And sinabihan ko lang ay yung mga close friends namin para maging mga accomplice ko at sinabihan ko sila na wag ssasabihin kay LJ ang plano dahil nga surprise yun.
And ayun na nga dumating na ang moment of truth, Its Time!!
Nagprepare na kame ng mga barkada ko para ayusing ang venue,while ang mga friends ni LJ ang nag aayos ng menu at yung iba ang susundo sa kanya. Nagpareserve ako sa Red Box, para may food na may videoke pa ( frustrated singers kasi kaming dalawa ni LJ ). Nakahanda na din ang bouquet of a dozen pink roses, which symbolizes the 12 months of being together kahit na medyo rough yung latter part, tsaka yung Ice cream cake na favorite namin and syempre yung Anniversary gift ko, si DOS, isang baby chao chao, Oo mahilig si LJ sa mga cute na aso. At syempre, to make it more special, may song number ako, Once na pumasok siya sa room, kakantahan ko siya ng theme song naming dalawa.
All set na lahat, nang biglang may hindi inaasahang nangyare, bigla akong tinext ni Aira, ang best friend ni LJ, isang Broadcast Communication student din, kaklase siya ni LJ, at siya ang nakatokang dalhin si LJ sa venue. At ang sabi sa text niya, "Uy Uno, may problema tayo, di pumasok si Lj sa last subject namin."
So nagreply naman ako, "Huh? saan naman nagpunta, di ba nagsabi sayo? wala ding text sakin eh."
Aira: "Hindi eh, naku saan ba nagpunta yun,, basta hahanapin ko lang siya, wait mo kame jan,.."
Me: "Cge, tatawagan ko din, salamat sa pag inform."
Pagkatapos nun, kinabahan akong baka magfail ang hinanda kong surprise celebration. Kaya tinawagan ko na si LJ, pero cannot be reach yung phone nya, so I tried texting her instead. "Sweet, nasan ka na?" Then after 30 mins. nagreply din siya, sabi nya, "Dito pa akko sa school kasama ko si Aira at yung iba kong groupmates."
So tinawagan ko si Aira to confirm na magkasama na sila, pero sabi sakin ni Aira, di pa rin daw niya makita si LJ, kaya nagtaka ako. Umalis agad ako sa venue, at hinanap ko siya sa kanila,pero sabi ng parents nya hindi pa daw umuuwi si LJ at akala daw nila na kasama ko daw siya. Kaya lalo na akong nag-alala.
Hanggang sa suddenly nakareceive ako ng text from an unknown number saying, "Psst..Idol, kasama ko girlfriend mo ngayon, wag mo na nga pala siyang hintayin, dito kasi siya matutulog sa amin eh.,hahaha". Nireplyan ko ang number na yun para tanungin kung sino sya pero di na sya sumagot. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa, nanghina ang katawan ko. Nasayang lang mga preparations ko. Di ko na alam kung ano na ang dapat kong gawin, kaya pumunta ako sa school nila LJ to look for her and Aira, hoping na hindi totoo ang sinasabi ng anonymous texter kanina.
Hanggang sa nakita ko si Aira na mukhang worried. Itinanong ko kung nakita na nya si LJ, pero wala pa rin daw. Kaya tinanong ko na kung alam niya kung kilala niya ba yung number na nagtext sakin kanina. At ang sabi niya na kay Marcial daw yun.
Me: "Aira, sinong Marcial, yun ba yung classmate nyo??"
Aira: "yup, and oo nga noh, di rin pumasok si Marcial sa last subject namin kanina."
Me: "Alam mo ba kung saan nakatira yung Marcial na yun?"
Aira: "Hindi eh, kasi kahit na nung sila pa ni LJ, di ako nakapunta sa kanila."
Me: "Anu? Yung Marcial ba na yun yung huling ex ni LJ?"
Aira: "Oo, bakit di ba nasabi sayo ni LJ yun?"
Then, nung sinasabi yun ni Aira parang my whole world was crushed, alam nyo yung bigla na lang nagdilim yung paningin mo at yung biglang nag break down yung system mo, tapos di na gumagana yung utak mo. Nakita ni Aira kung paano ako biglang nanghina at sinabi nyang sigur dapat na daw akong umuwi at bukas, kakausapin nya daw si LJ..
So, umuwi na lang ako, pagkatapos kong balikan si Dos at after kong bayaran yung venue. Pagdating ko sa bahay, dumerecho ako sa kwarto ko, at humiga na lang ako. At di ko namalayan na tumutulo na ang luha ko at nakatulog na ako habang umiiyak. Hanggang sa ginising ako ng isang mysterious call from Marcial.
Me: "Hello!!!, nasan na gf ko?"
Pero walang sumasagot, until few seconds may narinig akong isang babaeng nagmo-moan sa kabilang linya, at nabosesan ko siya, si LJ nga yun. Kaya sa sobrang galit at asar ko, naibato ko ang phone ko. Di ko na alam kung anu iisipin ko, para akong mawawala sa katinuan. Di ako makatulog dahil sa paulit-ulit sa isip ko yung narinig ko.
Dahil sa mga nangyare, napag desisyunan ko na makipag break na kay LJ. So I texted her na lang dahil di ko alam kung ano ang magagawa ko kung makikita ko siya while I'm still in pain.
"Louise, I know this is so sudden, pero I've thought about this for more than enough times na, and I just wanted to say na I'm breaking up with you, and PLEASE lang wag ka munang magpapakita sakin, dahil ayaw na kitang makita".
And as I send the text message, Ipinangako ko sa sarili ko na, wala nang babae ang makakapanakit ulit sa akin. Itaga nyo pa yan sa bato!!!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hey guys, @ItsMeCarlosPierce here, Salamat nga pala sa mga nagspend ng time para pagtyagaan basahin ang Chapter 1 and sana nagustuhan nyo..hehe.. And nag update ako ng story kasi nirequest ng isang reader ko eh..hahaha ( feeling writer na talaga eh noh ). Ayun, as you've read medyo intense ang mga nangyare sa Chapter 2. So kung kayo si Uno, after all that had happen anu kaya gagawin nyo?? haha..Pa vote and Comment na lang ng mga reactions nyo, pero be gentle lang ah..hahaha..and I'll try to answer every comment
@foreveralone1992 Idol, yan na po ang requested update mo, so Okay na ba for a beginner? hehe hope you liked it :)

BINABASA MO ANG
The Rebounder
General FictionHey guys, Pierce here..Nga pala eto ang unang story na isusulat ko..So kung panget ang kalalabasan..Sana maging medyo considerate naman tayo..hahaha..And always feel free to suggest, and criticize.. :) This story is about a guy named Uno, isang taon...