Chapter 12: Surprise!!!

169 5 6
                                    

LJ's POV

Nung tatawagan ko na si Uno para kausapin, nagulat ako nang biglang may tumawag sa akin.

"Hello.."

"LJ, thank God you answered my call", agad na sabi niya.

"Oh Marcial, napatawag ka?" sagot ko sa kanya in a sarcastic way.

"Ikaw naman, bakit di mo sinasagot mga tawag ko sayo this past few days, iniiwasan mo ba ako?" tanong niya sakin.

Amg naisip ko na lang ay Hindi ba halata ha. Pero ang sinabi ko na lang ay, "Ah yun ba, Wala yun. Naging busy lang ako this past few days."

"By the way, kaya ako napatawag kasi I just want to invite you to our house this sunday. Uuwi kasi si Ate from Thailand, and she wants to see you ulit." sabi pa ni Marcial.

"Uhhhmm--" sandaling di ako nakapagsalita. Naisip ko kasi, paano kung patibong lang 'to para magawan na naman niya ako ng masama, lalo na at binabalikan na naman ako ng mga alaala ng nakaraan.

Pero paano kung totoo, matagal ko na ring hindi nakita si Ate Lyzandra at hindi naman siya dapat madamay sa galit ko sa kapatid niya. Anu ba dapat kong isagot. Hayz..

"LJ, are you still there?" tanong ni Marcial ng mapansing di ako nakapagsalita.

"Uhhhmm..Marcial, I'll check my schedule muna, text na lang kita a day bago yung event if pwede ako." sagot ko.

"Okay, but LJ, ate really wants to see you. Cge bye". Then after nyang sabihin yun, binaba na nya ang phone bago pa ako makasagot.

Haynaku, anu ba naman 'to. I also want to see ate Lyzandra, pero ang hirap kasing magtiwala sa taong sumira ng pagkatao ko. Kahit pa sabihin niyang nagbago na siya.

Oh siya, tatawagan ko nga pala si Uno para kausapin about dun sa nangyare.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Marcial's POV

Sa wakas, I'll make sure na sa gaawin kong 'to iiwan na ni ate yung Mokong na yun. Kasi kanina nakausap ko si ate at eto napag usapan namin.

_-FLASHBACK-_

"Hello ate, kamusta ka na jan?" sabi ko.

"Uy James, bakit napatawag ka? And I'm fine, don't worry", sagot naman ni ate.

"Wala naman, kailangan ba may dahilan para tawagan ko ang mahal kong ate, hahaha" sabi ko naman sa kanya.

"Ang sweet naman ng baby brother ko, so anu nga kailangan mo? Hahaha" sabi niya habang tumatawa.

"Ay ate, kilala mo talaga ko, I just called para--" nang bigla akong natigilan. Dapat kasi isusumbong ko na si Uno sa kanya. Pero nakaisip ako ng mas magandang ideya.

"Ate, I just called para... magpabili sayo ng bagong sapatos. Oo yun nga" bigla kong sabi sa kanya.

"Naku, sabi ko na nga ba at may kailangan ka eh. Well, okay I will. And One more thing, pakisabi na rin pala kila Mom and Dad na I'll be home by saturday". Sabay bilin ni ate.

"Huh? Ang alam ko more than a week ka pa jan ah. Alam ba ni Mok---, ay ni Uno na mapapaaga uwi mo?" tanong ko, muntik pa kong madulas dun ah.

"Nope, I want it to be a surprise. Kaya don't tell him ah. Sige na, Kiss mo na lang ako kay Mom and Dad. Bye"

"Okay, I will ate, Thank you in advance na din. Bye ate." sagot ko sa kanya sabay baba ng phone

Nang mga oras na yun, naisip kong surpresahin din si Uno. Di ko na siya sinumbong dahil ang gusto kong mangyare ay si Ate na ang mismong makahuli sa kanya.

The RebounderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon