Kath's POV
It has been 3 days mula nang mangyare yung accident ni Uno. Pero until now hindi pa rin siya nagkakamalay. And because of that, talong araw na din akong di nakakapasok sa office. Masakit sa loob ko na ako pa ang nagcause ng ganito kay Uno. Dahil honestly, siya pa lang ang timuturing kong friend simula ng bumalik ako dito sa Philippines.
Habang nagbabantay ako sa hospital, biglang bumukas yung pinto ng room kung saan nandoon kami ni Uno.
"Iha, kamusta na ba siya? Hindi pa rin ba siya nagigising??"
"Ayy tita nakabalik na po pala kayo. Sa kasamaang palad po, hindi pa rin eh."
Dumating kasi ang Mama ni Uno. Kumuha kasi ito ng mga gamit sa bahay nila na kakailanganin niya sa pagbabantay.
Napakabaet ng Mama ni Uno, at parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Ngunit ikinagulat ko ang mga susunod niyang itinanong sa akin.
"Pasensya ka na Iha, pero gusto ko lang malaman kung nahanap nyo na ba ang taong nakabangga sa anak ko?"
Bigla akong natauhan sa tanong ng mama niya sakin,
"Tita....Uhmmm, pasensya na po, pero hindi pa rin po nahahanap yung taong gumawa sa kanya nito. Pero ginagawa po namin lahat ng makakaya namin para mpabilis ang paghahanap" sagot ko sa kanya.
Nginitian lang ako ng mama niya, at nagpasalamat pa sa tulong daw na ibinigay namin sa kanila. At dahil doon, nakaramdam ako ng guilt. Alam ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan sa mga nangyare, pero hindi ko magawang aminin sa kanila dahil sa takot kong baka pagbawalan nila akong makalapit kay Uno.
Binagabag ako ng tanong na iyon buong araw. Pero hindi ko ipinahalata sa mama ni Uno. Ilang oras pa ang lumipas. Habang nagbabantay kami ni tita kay Uno, may hindi inaasahang nangyari.
It's about 2am na nun. Habang nagpapahinga na si tita sa sofa sa loob ng kwarto, ako naman ay nasa upuan sa gilid ng kama ni Uno. Hawak ko ang phone ko, chinecheck ang mga sinend sakin ni Dad na mga urgent na files. Nang bigla akong makarinig ng isang ungol kasunod nun ay ang pamilyar na boses.
"Ugghh..Nasaan ako? Sino ka?"
Pagkarinig ko sa boses niya, agad kong tinawag si Tita para sabihin sa kanya ang nangyare.
"Tita! Tita! Si Uno po nagising na po siya" nagmamadali kong sigaw habang tumutungo sa sofa kung saan siya nakahiga.
Nagising agad ang mama ni Uno sa pagsigaw ko. Nilapitan niya agd si Uno at niyakap. Ako naman ay lumabas upang tawagin ang doctor.
"Tita, jan po muna kayo at tatawagin ko lang po si Doc"
"Sige Iha. Salamat"
Pagpunta ko sa Nurse's station para hanapin si Doc, naalala ko bigla ang unang sinabi ni Uno sa akin bago ako umalis sa kwarto. "Nasaan ako? Sino ka?". Pagkatapos ay pumasok sa isip ko ang sinabi ng Doctor sakin. Na baka nagkaroon ng komplikasyon dahil sa kanyang head injury. Nang matapos ipa-page si Doc, dali dali kameng bumalik sa kwarto.
Nang makabalik kami sa kwarto, nadatnan namin na nagsisisigaw na si Uno habang yakap yakap siya ng mama niya. Agad na binigyan ni doc si Uno ng pampakalma. At nang, muli itong makatulog itinanong ng doktor ang nangyare,
"May I know kung bakit nagwawala abg pasyente kanina?" tanong ni Doc.
"Hindi ko rin po alam. Nang lapitan ko siya kanina, agad niyang tinanong kung nasaan daw siya at sino daw ako." sagot ng Mama ni Uno.
Pagkasabi ng mga yun, nakita ko sa mga mata ni tita ang pag-aalala at ang kalungkutan. At nang muli siyang nag salita.
"Doc bakit po hindi ako nakilala ng anak ko? May nangyare bang di maganda sa kanya dahil sa aksidente?" tanong naman ni Tita.
"We have to run some tests to make sure what complications may have occured, but for now let's hope for the best but I want you to expect for the worst" sagot ni Doc.
Nakita kong nasaktan si tita sa mga sinabi ng Doktor. Napalingon siya kay Uno at nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Bakit kailangang mangyare sa kanya ang ganito? Mabaet na bata naman ang anak ko pero bakit siya pa?" umiiyak na nasabi ni Tita.
Nagi-guilty ako sa mga nangysyare. Hindi mangyayare 'to kung hindi dahil sa....
_-FLASHBACK-_
Tatlong araw na ang nakalipas. Nag-aaway kami ni Dad about something.
"Dad, Why can't you see that I don't want the engagement to push through". Sabi ko kay Dad.
"Chelsea, I'm only doing this for you. Para sa kinabukasan mo." sagot naman ni Dad.
"No Dad, this isn't for me, ginagawa niyo lang 'to dahil sa kumpanya. At hindi nyo na iniisip kung anung mararamdaman ko sa mgacdesisyon niyo." pabalang kong sagot.
Nagulat ako ng bigla na lang akong sinampal ni Dad. Natulala ako, kahit na minsan hindi pa ako nagawang pagbuhatan ni Dad ng kamay. Pero bakit niya yun nagawa. Unti-unting lumabas ang mga luhang pilit kong pinipigilang lumabas.
Pagkatapos nun biglang natauhan si Dad sa ginawa niya.
"Chelsea, I'm very very sorry hindi ko sinasadya" sabi ni Dad habang sinubukan niya akong yakapin. Pero itinulak ko si Dad papalayo sa akin at nagsimulang tumakbo palabas ng mansyon.
Agad kong hinanap ang susi ng kotse ko. Pagkasakay ko agad kong pinatakbo ang kotse ng mabilis. Ang gusto ko lang mangyare ay ang makalayo sa lugar na yun. Pagdating sa gate ng bahay namin, agad binuksan ng maid ang gate.
Narinig kong tinawag ni Dad si Gerard para habulin ako. Pero mabilis akong nakaalis. Habang nagda-drive, puro sama ng loob na lang ang iniisip ko. Kung bakit nagawa akong pagbuhdtan ng kamay ni Daddy, kung bakit hindi niya makita na ayoko sa arrange marriage, at kung bakit di niya makita na nasasakal na ako sa ginagawa niya sakin.
Wala ako sa sarili ko ng mga sandaling yun. Until suddenly, may isang lalakeng tumawid. Bumusina ako, pero parang wala siya sa sarili niya dahil hindi man lang siya umiwas. Pinilit kong magbreak pero hindi na kinaya dahil sobrang lapit na. Hanggang sa
*bugssshhh*
Tuluyan kong nabangga ang lalake. Bumaba ako upang tingnan kung anu ang nangyare sa kanya. Nang nakita ko ang isang pamilyar na tao, si Uno. Siya pala ang nabangga ko.
_-End Of Flashback-_
Lumabas ako ng kwarto at duon ako nagsimulang umiyak. Hindi ko sinasadya ang nangyare, pero bakit siya pa? Bakit kailangang si Uno pa?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hey guys ItsMeCarlosPierce. Guys, sorry sorry talaga sa sobrang tagal ng update. Naging busy kasi sa pag-aayos ng graduation. So anyways, at least nakapag update na ako. Hahaha..Nagising na si Uno, anu kaya ung mangyayare sa susunod na pag gising nya. Sana malubha. And sa chapter din na to nalaman ang back story kung bakit nabangga ni Kath si Uno. So ayun guys anu sa tingin nyo mga susunod na mangyayare? Pa VOTE and COMMENT na lang ng ideas, suggestions and reactions niyo sa chapter na to. I appreciate eveything so keep them coming guys :)
And as always I just wanna say Thank you kay Idol Yukina, Jessicaeckah22, Seriousblack_25, paysano, jaykwento, Jmxldx, Elizamaefelisarta, Heizelolmedo, Heartow, Liarec, Era_1011, Memodo, Reczcolyn01, SittieElhamMowa, Fattylies and syempre sa Panda Princess ko and to all the silent readers ng story. Thank you thank you ulit.

BINABASA MO ANG
The Rebounder
General FictionHey guys, Pierce here..Nga pala eto ang unang story na isusulat ko..So kung panget ang kalalabasan..Sana maging medyo considerate naman tayo..hahaha..And always feel free to suggest, and criticize.. :) This story is about a guy named Uno, isang taon...