Chapter 42 "Memories To Keep"

519 24 2
                                    

***Rica'sPOV

Nagmamadali na akong umakyat sa hagdan pagkababa ko sa taxi na sinakyan ko. Buti nalang at walang tao sa sala kaya di nila nakita ang namumula kong mukha.

Ang sakit sa dibdib, kasi akala ko totoo ang pinapakita't pinapadama niyang pagmamahal sakin. Yun pala... Di ko mapigilan ang aking sarili na umiyak.Kahit anong pigil ang gawin ko na patuloy padin tumutulo ang lintik na luha na ito.

Bakit. Bakit. Bakit. Puro bakit ang nasasabi ko habang hinahampas ko ang kawawang unan ko sa ibabaw ng kama ko. Gusto ko tawagan ang aking kaibigan. Pero, nahihiya ako baka busy siya at alam ko na papagalitan na naman ako nun. Mas nasasaktan pa nga yun kaysa sakin pagnakikita ako na umiiyak. Kahit alam ko na lagi niya akong pinapagalitan pero deep inside naawa siya sakin.

Ano ba ang dapat ko gawin o gagawain. Di ko alam eh. Kasi sobrang sakit talaga. Akala ko pa naman mahal na mahal niya ako. Yun pala. Napakasinungaling niyang tao. Walanghiya siya. Minahal ko pa naman siya.Mas masakit ang ginawa niyang ito sakin kaysa sa dati. Ngayon mismo ako na ang nakasaksi.. Sa kawalang hiyaan niya.

Patuloy padin akong umiiyak. Gusto ko puntahan si mommy ko para may masabihan ako ng aking nararamdaman ngayon. Pero, ano ang sasabihin ko?!. Gulong-gulo na ang aking puso't-isipan sa nasaksihan ko.

Ano gagawin ko? Magkunwari nalang ba na wala ako nakita't narinig?.Itutuloy ko paba ang relasyon na ito.? Kahit alam ko na malaking kalokohan lang pala ang lahat?

Para na akong baliw, habang nakatitig sa aking cellphone at kating-kati na ako na tawagan siya. At kumprontahin siya, pagpaliwanagin.

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Yun pakiramdam na nanginginig ang aking buong katawan at para na wala nang saysay mabuhay sa mundo.

Nakakapagod na umiyak. Kaya mabilis akong pumasok ng banyo para mahimasmasan ako. At malamigan ang aking ulo't-isipan. Masarap ang magmahal pero mas masakit pala ang malaman mo na niloloko ka lang pala.

Habang nasa banyo ako sumasabay ang tulo ng aking mga luha sa shower na tumutulo sa aking buong katawan.

Mas okey na iiyak ko muna ang lahat. Baka mamaya wala na ito. Baka panaginip lang ang lahat ng yun. Pero,hindi eh. Di ko kaya palang lokohin ang aking sarili. Magbubulag-bulagan nalang ba ako? At magkunwari na wala akong nasaksihan?

Mabilis akong nagbihis at kinuha ko ang aking cellphone na nilapag ko sa kama ko nun pumasok ako ng banyo.

Nagtype ako ng message:
Hi tita shiela, its me rica. How are na po.?

Buti nalang at insaktong naka online si tita shiela na kapatid ni daddy na nasa america. Isa din siyang nurse doon. Dahil sa kanya kaya ginusto ko na maging nurse din. She is my role model.

Tita Shiela: Hello nak, Im okey. How about you? Is there a problem?

My message: Tita, i want to talk to you po. Busy po ba kayo? Habang nagtatype ako ng message sa kanya panay naman ang tulo ng aking mga luha. Kahit anong pigil at gawin ko ayaw niya magpapigil eh.

Tita Shiela calling............

After one hour na pag uusapan namin ni tita shi....Medyo nakaramdaman ako ng kaginhawaan. Bahala na. Pangungumbinsi ko sa aking sarili.

***Virgil Calling....
Hi sweetheart, kamusta... Busy kaba?

Bago ko sagutin ang tawag niya nakailan beses muna ako nag inhale at exhale. Pampakalma kunbaga.

Me: Hello, k. lang naman ako. Di naman. At sabay buntonghininga.

Virgil: Sweetheart, lakas naman nun. Dinig ko kaya. At sinabayan ng tawa.

Long Time No See, My Wife (Spg) (COMPLETED) (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon