Amethyst's POV
Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagaling nanaman sa bintana.
What if basagin ko?
Di pwede, mas lalong liliwanag ang buhay ko. Lagyan ko nalang ng kurtina.
Nagpagulong gulong pako sa kama bago tignan ang orasan na nasa pader. 6:47 palang. Hayop napakaaga palang.
Bumangon na ako at nag-ayos. Lumabas ako sa veranda ng kwarto ko at tumalon pababa. Diretso kasi ito sa likod bahay kung saan ako nag-eensayo kada umaga.
Tulad ng dati ay sinubok ko ulit ang lakas at bilis ko.
"Make a shield, make me invisible, conceal my powers to other people." Saad ko at ramdam ko naman ang paglibot ng enerhiya sa kinaroroonan ko.
Kung titignan sa labas ay parang normal lang na likuran ng bahay ko ito. Walang makakakita saakin kahit pa anong gawin ko.
Nagsimula na ako sa pag eensayo. Hinayaan ko ang nakalabas na pangil ko pati narin ang pagbabago ng kulay ng mata ko. Mula sa lila nagpalit ng pula, nagpalit ng asul, at bumalik sa pagiging lila ngunit naging mas malalim na lila. Ganito ang mata ko dahil sa magkahalong dugo na nananalaytay sa akin.
Ang ina ko ay isang witch samantalang ang ama ko ay isang vampire. May asul na mata ang mga bruha tulad ng aking ina at pula naman sa mga bampira tulad ng aking ama.
Pero bakit itim ang mata ng bampira kagabi?
"5 knights should appear in my front." Saad ko at limang kawal ang lumitaw sa aking harapan.
"I'm summoning a sword on my hand." Saad ko ulit at may espada na lumitaw sa aking kamay.
Sumugod ang mga ginawa kong kalaban at ganun din ako. Gamit ang lakas at bilis ko ay tinalo ko sila sa tulong ng espada na hawak ko.
"I'm done, vanished and be gone." Saad ko ulit at nawala naman ang mga ginawa kong kalaban pati narin ang espada na ginamit ko kanina. Naramdaman ko din ang unti unting pagkawala ng enerhiya na nakapalibot sakin kanina. Naging normal nadin ang mata ko, nanatili na ito sa pagiging normal na lila. Nawala na din ang pangil ko na nakalitaw kanina.
Oo, hindi ako nomal dahil may kalahating dugo ako ng bampira at bruha. Hindi naman ipinagbabawal ang pagmamahalan ng magkaibang uri saamin, iyon nga lang ay ako ang naiiba.
Kadalasan kasi ng mga pinaghalong dugo ay isa lang ang namamanang kakayahan hindi tulad ko na namana ang pagiging bampira at pagiging bruha.
Marahil ay dahil sa maharlika ang aming dugo.
Kung bakit nandito ako sa mundo ng mga tao ay dahil may tinatakasan ako.
Yung tungkulin ko.
Umakyat na ako sa veranda at doon pumasok. Pagtingin ko sa orasan ay malapit ng mag alas-otso. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Binilisan ko na dahil ramdam ko na ang gutom.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako sa kusina at kumain. Pagkatapos nito ay wala na akong gagawin. Hinugasan ko ang mga ginamit ko bago nagtungo sa salas. Napalingon ako sa sabitan ng susi sa tabi ng pintuan ng nag-iisang kwarto rito sa baba.
Yung kwarto sa ilalim ng hagdan.
Lumapit ako rito at hinila ito pababa. Bumukas naman ang lihim na pintuan sa may hagdan. Sumilip ako sa loob kahit madilim.
Maaga pa naman, wala din naman akong gagawin.
Pumasok ako sa loob at pinindot ang kulay lila na pindutan kaya bumukas ang ilaw. Hinayaan ko nalang na nakabukas ang pintuan para maramdaman ko kung may papasok sa bahay. Mas mabuti na ang sigurado.
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRL
Mystery / ThrillerWho is she? Or? What is she? This is a story of a girl who's hiding from her family. Why? Well let's figure it out. Come on!!! let's solve the mystery and read Amethyst's story. @marphro24 Taglish story ~still ongoing~ Date I started to write: 9/17...