Amethyst's POV
Dumiretso kami sa mansyon at bumungad saamin ang mga biktima ng sunog sa may kanluran.
"Ayaw parin ba nilang umakyat sa itaas?" tanong ko kay Hadeus na nagkibit balikat lang saakin.
Pagpasok sa mansyon ay nagkanya-kanya na kami ng pinuntahan. Dumiretso ako sa pang-apat na palapag at bumungad saakin ang madilim na pasilyo. Ipinagsawalang bahala ko iyon at inisa-isang binuksan ang mga kwarto.
Pare-pareho ang sukat ng bawat kwarto, katamtaman lamang. Sa tingin ko ay kasya naman ang isang buong pamilya sa isang kwarto. Binuksan ko ang ilaw sa isang kwarto na binuksan ko. Mukha namang malinis ang kwarto at hindi na ganoong kailangan ng paglilinis.
Hindi ko na tinuloy pa na binuksan lahat ng kwarto. Bumaba na ulit ako at nagtungo sa mga nasalanta ng sunog.
"Magandang gabi." pamungad na bai ko habang nasa pangalawang tukad ng hagdan. Nilingon naman ako ng mga nasa sala na nakakita at nakarinig saakin.
"Maraming bakanteng kwarto sa itaas. Malinis at mas kumportableng matulog doon. Maaari po kayong umakyat at doon muna tumuloy para mas kumportable kayo sa pananatili nyo rito." mahabang saad ko. Ngumiti pa ako pagkatapos kong magsalita para magmukhang palakaibigan ang hitsura ko.
Nangawit na ako na nakangiti ay wala paring umakyat sa itaas. Sa halip ay bumalik sila sa pag-uusap at isinawalang bahala ako na animo'y wala ako dito.
"Hello... may sinasabi ako dito." sarkastikong saad ko.
"Walang may gustong umakyat sa itaas iha. Kahit anong pakiusap mo ay dito kami." saad ng isang matandang babae na malapit saakin.
Ay wow, ayaw ng comfort.
"Ay hindi po ako nakikiusap, nag-uutos po ako." saad ko ng nakangiti parin. Tinawanan nya lang ako dahil akala siguro nya ay nagbibiro ako.
Dahil sa inis ko ay pinatay ko ang ilaw gamit ang kapangyarihan ko. Narinig ko ang pagsinghap ng mga taong naroroon. Ang mata ko ay naging kulay asul at batid kong nakikita nila ngayon ang parang pag-ilaw nito. Narinig ko pa ang yabag ng mga paa mula sa pangalawang palapag. Marahil ay ang mga pinuno iyon. Nasilayan ko din ang pagtakbo ng mga nasa labas papasok paa siguro tignan kung anong nangyari dahil sa biglang pagdilim.
"Aakyat kayo o kayo ang susunugin ko?" saad ko at nagpalabas ng maliit na apoy sa hintuturong daliri ko.
Nagkumahog naman na umakyat ang lahat kaya gumilid ako sa hagdan. Bumigkas ako ng spell at binigyang ilaw ang hagdanan para hindi sila madapa, dinamay ko na din na binigyang ilaw ang pang-apat na palapag.
Nang makaakyat ang lahat ay binuksan ko na ang ilaw sa sala. Pagtalikod ko ay bumungad saakin ang nanghuhusgang tingin nila Hadeus saakin. Nagkibit-balikat lamang ako sakanila at tumalikod na.
Paglabas ko ay nakita ko si Vince na nakaupo sa isang sulok at nakatingala sa langit. Nang maramdaman siguro ang presensya ko ay kusa syang napatingin saakin at dali-dali syang tumayo.
"Wag ka ng sumunod. Just stay here and take a rest." utos ko sakanya "Do what I said." dagdag ko pa ng akmang aangal sya. Iniwan ko na sya doon at lumabas na ng mansyon.
Gaya ng dati, tahimik nanaman ang gabi ngunit nang mapadaan ako sa centro ay medyo madami pa ang nagkalat na mamamayan. Mukha din namang pauwi na sila.
Lumiko ako ng daan at nagpunta sa kanluran. Nais kong makita ang progreso sa parteng iyon ng Heimta. Pagkarating sa parteng iyon ay bumungad saakin ang ilang mga kabahayan na naipatayo.
Mas malinis na itong tignan ngayon ngunit halata paring dinaanan ito ng sunog dahil sa mga itim na dumikit na ang kulay sa mga pader na naiwang nakatayo. Madami paring abo ang nagkalat ngunit hindi tulad noong isang araw ay mas kaunti na ito.
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRL
Misterio / SuspensoWho is she? Or? What is she? This is a story of a girl who's hiding from her family. Why? Well let's figure it out. Come on!!! let's solve the mystery and read Amethyst's story. @marphro24 Taglish story ~still ongoing~ Date I started to write: 9/17...