37th CHAPTER

191 16 5
                                    

Amethyst's POV

Pasado alas tres na nang maubos ang mga paninda, mas maaga sa inaasahan kong oras na pagkaubos ng mga tinda. Hindi ko lubos inisip na mauubos ang mga paninda ng ganoon kabilis. Inaasahan ko ngang may matitira at maiiwan pa na iuuwi namin kahit hangang gabi pa kami na magtinda.

Nagliligpit na ang mga kasama ko, pilit ako tumutulong pero hindi nila ako hinahayaan. Sapat na daw na tumulong ako sa pagtitida kanina kaya heto at nakatayo lang ako sa tabi ni Hadeus habang pinapanood sila sa pagliligpit.

Nang makapagligpit sila ay binuhat na nila ang mga gamit nila. Kung kanina napakarami nilang bitbit, ngayon ay iilan nalang. Mga ginamit sa pagtitinda at mga produkto na naipagpalit nila. Nag-umpisa na silang maglakad pauwi, sasabay na din sana ako nang maramdaman ko ang hawak ni Hadeus sa kamay ko.

"Let's go somewhere." aya nya saakin nang tumingin ako sa kanya.

Hinila nya ako pataliwas sa direksyon na tinatahak ng mga kasama namin. Nang una ay pamilyar pa ang dinadaanan namin dahil napadpad ako dito kaninang umaga ngunit di nagtagal ay hindi ko na alam kung saan ang tungo namin. Nag-umpisang maging tahimik ang paligid hanggang maging parang kagubatan na ang tinatahak namin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya dahil nagtataka na ako.

"Just trust me." saad naman nya kaya nanahimik na ako.

Ilang saglit pa ay may narinig akong lagaslas ng tubig. Ilog? Falls? Hindi ko alam basta sigurado akog tubig yon. Hindi nga ako nagkamali dahil ilang sagit lang ay bumungad saakin ang ilog na galing sa falls ang tubig.

"Wow!" saad ko na nauna pang tumakbo palapit at unahan si Hadeus.

Napakalinaw ng tubig dahil kita mo ang mga naglalangoy na isda at ang mga bato sa ilalim ng ilog. Ang huni ng tubig na nahuhulog mula sa itaas na parte ay nakakakalma ng diwa. Naipikit ko ang mga mata ko at napahinga ng malalim, sariwa ang hangin.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakita si Hadeus sa di kalayuan na nakatayo lang at pinagmamasdan ako. Ngumiti ako sa kanya na sinuklian din nya ng ngiti. Pagtalikod ko ay hindi na ako nagdalawang isip na hubarin ang damit ko, naiwan ang sando ko na suot sa panloob, bago lumangoy.

Parang may mahika ang ilog na nakapagpakalma sa akin nang lumangoy na ako. Malamig ang tubig at presko sa katawan. Para akong bata na nagtampisaw sa ilog. Tinanaw ko si Hadeus at kinawayan sya senyales na inaaya ko sya. Lumapit naman sya pero sa gilid lang at hindi lumusong sa tubig.

"Halika, ayaw mo ba maligo?" tanong ko. Hindi naman ako nabigo sa pag-aya sakanya dahil tinanggal nya ang damit nya at lumoblob na din sa ilog.

Ulala abs, yummy.

Nag-enjoy kami sa paglangoy at pagligo. Para kaming mga bata na naglaro sa ilog. Enjoy na ejoy kami na para bang mga walang problema sa buhay. Palubog na ang araw nang magdesiyon na kaming umahon. Isinuot na namin ang kanya kanya namin damit bago naglkad pauwi. Gusto ko sanang panoorin ang paglubog ng araw kaso mapuno ang kinaroroonan ng ilog kaya wala ding makikita. Gabi na nang makauwi kami at halos tuyo na kami.

"Magpalit ka na sa taas, dito na ako sa baba." saad nya kaya nauna na akong umakyat. May kakausapin lang daw sya saglit.

Pagpasok sa kwarto ay dumiretso ako sa mga gamit ko. Kumuha ako ng damit bago pumasok sa banyo at naligo. Habang naliligo ay narinig ko pa ang pagbukas ng pintuan sa labas na malamang ay si Hadeus. Lumabas din naman kaagad sya ilang saglit, siguro ay kumuha lamang ng damit nya.

Pagkatapos maligo ay nagpatuyo pa ako ng buhok ko at nag-ayos bago bumaba. Nagugutom na ako, siguro naman ay nakapagluto na sila. Inaasahan kong pagbaba ko ay mga busy sa pagkain ang madadatnan ko kaso mali.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon