Amethyst's POV
I open my eyes when I felt the heat of the Sun on my face. Ugh! Sino ba kasing umimbento ng bintana ng mapatay ko? Bwiset! I get up on my bed and went to the bathroom to do my morning routines. Pagkatapos ko sa CR ay dumiretso ako sa likod bahay para magsanay. Sinanay ko ang lakas at ang bilis ko kung tulad parin ba ito ng dati.
Its eight o'clock when I decided to end my training. Dumiretso ako sa kusina at iniinit ang pagkaing tira ko kagabi. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang aking pinagkainan tsaka umakyat sa kwarto upang maligo. Wala akong masyadong ginagawa dito sa bahay dahil nga ako lamang mag-isa ang nakatira.
Pakatapos kong maligo ay napagpasyahan kong linisin ang buong bahay kahit na malinis naman ito kung titignan. I started to clean in the living room, dahil nga sa angkin kong bilis ay natapos ko ito sa loob ng sampung minuto. Isinunod ko ang kusina at tulad ng kanina ay mabilis ko itong natapos. Nagtungo na ako sa nag-iisang kwarto rito sa baba na nasa tabi lamang ng hagdanan. I tried to open the door but its locked, inilibot ko ang tingin ko at napansin ang isang susi na nakasabit sa dingding malapit lamang sa pintuan.
Nang kunin ko ito ay aksidente kong nahila ang sabitan ngunit laking pagtataka ko ng ito ay nahila pababa. Pinagmasdan ko ito ng mabuti ng makarinig ako ng kakaibang tunog sa aking kaliwa. Nilingon ko ito at nagulat ng makitang may parang lagusan ang nabuksan sa may hagdanan.
Nilapitan ko ito at nagtatakang sinuri ang loob, nakapagtatakang may ganitong klaseng lihim na kung ano sa bahay nato lalo na't liblib ang bayan na kinatatayuan nito. Dahil sanay naman ako sa dilim ay walang pag-aalinlangan akong pumasok sa loob.
Kung nasa labas ka ng lihim na silid na ito ay makikita mo ang hagdan na pababa. Pagpasok ay bubungad agad ang hagdan na pababa, kung tatanawin ang kung ano man ang nasa baba ay hindi ito makikita dahil nga sa napakadilim.
Pagpasok ko sa loob ay inilibot ko ang tingin ko. Abala sa paglibot ang aking mata ng may nakita ako mga pindutan na nasa gilid ko lamang. May tatlong pindutan ito na may iba't ibang kulay. Kahit na madilim sa loob ay maliwanag kong nakikita ang mga bagay sa paligid kahit na ang kulay ng mga ito.
Pinindot ko ang kulay asul na pindutan at hinintay na may mangyari ng biglang sumara ang pintuan. Dahil sa kaba ay dali dali kong pinindot ang kulay lila na pindutan at sa isang iglap lumiwanag ang kinaroroonan ko. Bumukas ang mga ilaw at mas nakita ko ng maayos ang paligid. Sunod kong pinindot ang pulang pindutan at laking pasasalamat ko ng bumukas ang pintuan. Akmang pipindutin ko na ulit ang asul na pindutan ng marinig ko ang pag-bukas ng gate sa labas.
Dali dali akong lumabas at tinulak pataas ang sabitan ng susi sa tabi ng pintuan kayat sumara ang lagusan. Kinuha ko ang susi at binuksan ang kwarto na balak kong linisan kanina. Mabilis ang mga galaw ko na naglilinis nasa kalahati na ng kwarto ang aking nalinisan nang marinig ko ang mga yabag na papalapit dito sa kwarto kayat naging normal nalang ang mga galaw ko.
"Anong ginagawa mo dito Hydra? At sinong nagbigay ng karapatan sayo na pumasok dito sa pamamahay ko?" Bungad kong tanong kay Mark ng makalapit sya at akmang gugulatin ako.
"Grabe naman Thyst pano mo nalaman na ako toh eh hindi mo nga ako tinignan manlang? Maingat din yung mga galaw ko kanina ahhh! Ni hindi ko nga nairinig sariling yabag ko tapos ikaw?!..." saad nya "May mata ka ba sa buong bahay na to tapos nakakabit sa utak mo? Ahh alam ko na! Naamoy mo siguro ang kabanguhan ko! Ganun mo na ba ako kamahal na pati pabango ko alam mo? Ayiehhh tara Amethyst ipapakilala na kita sa mga magulang ko bilang nobya." Mahabang litanya nya kaya nasira ang araw ko. Napakadaldal ng hinayupak na toh.
"Manahimik ka Mark Hydra, naririndi ako baka mapatay kita. Ang dami mong sinabi pero wala kang sinagot sa mga tanong ko." Saad ko na may nabwibwisit na mukha. Sinong hindi mabwibwisit?
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRL
Mystery / ThrillerWho is she? Or? What is she? This is a story of a girl who's hiding from her family. Why? Well let's figure it out. Come on!!! let's solve the mystery and read Amethyst's story. @marphro24 Taglish story ~still ongoing~ Date I started to write: 9/17...