Amethyst's POV
Maaga akong nagising dahil narin sa sinasalihan kong paliksahan. Hindi ko na hinintay na pumunta sa bahay yung lima dahil sigurado akong dideretso na sila sa arena. Pagkarating ko sa arena ay medyo marami na ang manonood. Meron narin sa kalahati ang bilang ng mga kalahok.
Habang naghihintay sa iba ay di ko maiwasan ang mapaisip tungkol sa mga itim na bampira at bruha. Bampira pa lang ang nakakainkwentro ko at pagpatay ng tao para inumin ang dugo nito ang gawain nila. Ano naman ang gawain ng mga itim na bruha?
Hindi ko na namalayan ang pagdating ng mga kapwa ko kalahok at pagkapuno ng arena ng mga tao pati narin ang pagdating ng grupo ng fightun dahil sa pag-iisip ko ng malalim. Kumpleto na kami na nakaupo sa upuang nakalaan para saamin. Nakahiwalay ang upuan ng limang nabigyan ng tyansa. Isang hilera lang upuan naming sampu at nakaupo ako sa pinakakanan na upuan katabi sa kaliwa si Aaron.
"Hindi ko namalayan ang pagdating nyo." Saad ko kay Aaron dahil sya nag katabi ko.
"Pansin nga namin dahil hindi mo kami pinansin kanina noong binati ka namin." Sagot naman ni Aaron.
"Hindi ba't tinatamad ka ngayon Amethyst? Sabi mo kahapon." Singit ni Manuel sa usapan. Nang tignan ko sya ay napansin kong tabi-tabi kaming anim at lahat sila ay nakatingin na saakin. Kailangan pa nilang magpaharap ng kaunti para lang makita ako.
"Oo nga, tinatamad ako." Saad ko at inilabas ang tsokolate sa bulsa ko para kainin ito. "Sana hindi ako lumaban. Wala ako sa mood ngayon."
Tinawanan lang nila ako dahil sa sinabi kong iyon. Saktong pag-akyat ng emcee sa entablado ay umayos na kami ng upo. Kumakain parin ako ng dala kong chocolate habang nakikinig sa pinagsasasabi nito.
Pinabunot nya ng numero ang limang nabigyan ng tyansa para malaman ang pagkakasunod sunod nila, pagkatapos ay may bagong bunutan nanaman na inilabas at sinabing doon bubunutin ang mga pangalan namin upang malamn kung sino ang lalaban. Pinatunog nila ang gong senyales na mag-uumpisa na ang paligsahan ngayong araw. Tinawag nila ang unang sasalang sa lima at umakyat naman sa taas ang isang lalaki. Hindi ko sya nakitang lumaban kahapon kaya marahil ay sya ang nakipaglaban sa oras na alas-siete hanggang alas-otso o oras ng alas-onse hanggang alas dose.
"Para sa iyong makakalaban. Ikaw ang bumunot sa palabunutan." Saad ng emcee kaya lumapit ang lalaki sa bunutan na nakaibabaw sa maliit na lamesa. Binigay nya ang papel sa emcee at ang emcee na ang bumasa dito. "Tinatawagan upang lumaban si ginoong Lucas."
Naghiyawan ang mga tao ng pumwesto na sa gitna ang dalawa kung saan maglalaban. Nagsipwesto narin ang ibang miyembro ng fightun para siguro siguruhin ang kaligtasan ng maglalaban. Tulad ng dati ay malamig parin ang tingin ni Lucas samantalang ang makakalaban nya ay nababakas ang kaba sa mukha. Napailing ako dahil sa nakita at napakagat nalang ulit sa chocolate na kinakain ko. Napabuntong hininga ako at inilibot nalang ang tingin sa buong arena.
Tumunog ulit ang gong hudyat na umpisa na ang labanan nila. Tumingin ulit ako sa kanila at nakitang naka-ayos na pasugod ang kalaban ni Lucas samantalang sya ay chill lang na nakatayo. Unang sumugod ang kalaban ni Lucas na iniwasan agad nya. Napabuntong hininga ulit ako at inilibot ulit ang tingin sa buong arena lalo na sa mga tao na naroon. Wala naman akong nakitang kakaiba kaya napanatag ako.
Habang malakas na naghihiyawan ang mga tao ay ibinaling ko sa paanan ko ang tingin ko na para bang wala ako sa paligsahan ngayon at walang pake sa naglalaban. Kumagat nalang ulit ako sa tsokolateng kinakain ko habang pinagbabangga ang dalawang paa ko na parang bata.
"Amethyst, manood ka tignan mo." Saad ni Aaron ng mapansing iba ang pinagkakaabalahan ko. Lumingon naman ako sa dalawang naglalaban bago napabuntong hininga at kumagat ulit sa tsokolateng dala ko.
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRL
Mystery / ThrillerWho is she? Or? What is she? This is a story of a girl who's hiding from her family. Why? Well let's figure it out. Come on!!! let's solve the mystery and read Amethyst's story. @marphro24 Taglish story ~still ongoing~ Date I started to write: 9/17...