27th CHAPTER

301 20 7
                                    

Amethyst's POV

Umakyat na ako sa taas para ilagay ang bag ko sa kama na nakalaan na para saakin. Pagkatapos ay bumaba din ako kaagad para magronda na ulit. Maaga akong magroronda ngayon at maaga din akong matutulog para maagang makauwi.

Pagkalabas ay medyo maingay ang paligid pero hindi tulad noon kalakas ang ingay dahil ang iba ay sigurado akong nagroronda o natutulog pa. Nang makalayo ako sa mansyon ay tahimik na paligid ang pumalibot saakin. Medyo malamig ang simoy ng hangin kaya't masarap ito sa pakiramdam.

Patuloy lang ako sa paglalakad nang makaramdam ako ng pamilyar na presensya sa hindi kalayuan. Noong una ay hinayaan ko lang ito at umaktong parang walang alam. Patuloy lang ako sa payapa kong paglalakad nang maramdaman kong mukhang susugod sya.

Agad kong ibinato ang dagger na nasa beywang ko sakanya na agad naman nyang naiwasan. Sa lakas nang pagkakabato ko ay bumaon ito sa katawan ng puno na nasa likod nya. 

Nang tignan ko kung sino ang pangahas na nilalang ay nagulat ako nang makita ang mukha ni Hadeus. Saglit pa itong tumingin saakin bago ibinaling ang tingin sa patalim na nakatusok ang halos kalahati nito sa puno.

Mabilis akong naglakad papunta sa dagger ko at mabilisan itong hinugot, na para bang hindi ito nakabaon sa katawan ng puno, at mabilis na isinuksok sa lalagyan nito na nasa aking bewang. Agad kong tinalikuran ang alpha at walang imik na naglakad palayo sa kanya na para bang hindi ko sya nakita o nakasalamuha.

Akala ko ay susundan nya ako upang kwestyunin tungkol sa dagger dahil mukhang nakilala nya ito ngunit mukhang wala itong balak dahil nanatili lamang ito sa kinaroroonan. Nagpatuloy na lamag ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa centro at nag-umpisang magronda.

Hindi tulad ng mga nakaraang araw ay sa centro lamang ako nag-ikot at hindi na nagtungo sa bawat distrikto. Sa tingin ko naman ay kaya na iyon ng iba. 

Saglit lamang ako nagronda at mukhang wala namang panganib. Dahil na din siguro sa mahigpit na pagbabantay ng mga myembro ng Fightun ay wala nang nakakapasok dito sa centro kaya't mas magaan na ang trabaho naming nakadestino dito.

Tatlong beses lamang akong nag-ikot sa centro at bumalik na kaagad sa mansyon ngunit sa halip na dumiretso sa kwarto upang matulog ay dumiretso ako sa ibaba upang tignan ulit ang kalagayan ni Vince. Pagpasok ay nakayuko lamang sya at mukha namang kalmado ngunit nang mag-angat na sya ng tingin ay biglang nagkaroon ng itim na usok ang mata nya at bigla nanamang nagwawawala.

Nakakaawa ang kalagayan nya sa totoo lamang dahil sya ang tumatanggap ng mga parusang hindi naman nya ginusto at hindi gustong mangyari. Sana talaga ay bumisita saakin si Cast o di kaya ay si Emerald ngayong linggo, kung hindi ay ako na mismo ang pupunta doon kahit ayaw ko.

Pinagmasdan ko lang sya ng ilang saglit bago tumalikod at lumabas. Nagulat ako nang makita sa bungad ng daan si Hadeus ngunit hindi ko ipinahalata ang pagkagulat na naramdaman ko.

 Ipinagsawalang bahala ko lamang sya at akmang lalagpasan na nang bigla nya akong hawakan sa aking braso. Ipininid nya ako sa pader bago mabilis hinalikan sa labi na hindi ko nagawang pigilan o iwasan man lamang dahil sa distraksyon na dulot ng presensya nya.

Iyon nanaman ang pakiramdam na naramdaman ko noong halikan ko sya upang kumpirmahin kung sya ba talaga ang itinadhana saakin. Batid kong sa pagkakataon na ito ay alam na nya na ako ang babaeng humalik sa kanya nang gabing iyon. Alam kong kwe-kwestyunin na din nya kung ano ang tunay na katauhan ko.

Unti-unti nyang inilayo saakin ang labi nya. Nakapikit ang kanyang mga mata habang heto ako at mulat na mulat ang mata dahil sa gulat. Pagmulat nya ay tumitig saakin ang kulay dilaw at malalaim nyang mga mata.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon