Amethyst's POV
Halos mag-iisang linggo na mula nung pormal na inanunsyo na myembro na kami ng fightun. Tuwing gabi ay nagroronda ako, minsan ay may kasama, minsan ay mag-isa. Hindi ko alam kung sadya ba pero tuwing mag-isa ako ay bigla nalang susulpot si Hadeus mula sa kung saan at isasama nya ako sa paglilibot sa bawat grupo.
Lagi ko din nakikita ang nanunuksong mata ni Mark tuwing magkasama kami ng Alpha na bumibisita sakanila. Kaunti nalang ay bubulagin ko na sya dahil sa pagka-irita.
Kahapon ay nag-ensayo ako kasama si Aaron at masasabi kong mas gumaling sya sa pakikipaglaban. Oo nasa iisang grupo kami pero isang beses palang yata kaming nagronda ng magkasama. Kadalasan ay ibang myembro ang kasama ko kaya medyo nagiging komportable na din ako sakanila pero hindi parin ako masyadong nagsasalita.
"Lolo Fabian, gawa na po ba iyong pinapagawa kong sandata para sa kambal?" Pamungad na tanong ko pagpasok palang sa tindahan ni lolo Fabian.
"Saglit nalang ito." Sagot nya habang may hinahasa. Nanatili akong tahimik at nakamasid sa ginagawa nya. "Tapos na!" Masiglang saad nya at itinaas ang hinahasa nyang patalim kanina bago inilapag sa isang kahon kasama ng kambal nitong patalim.
Isa iyong dagger na ang hawakan ay nakahugis yingyang pag pinagdugtong. May nakalagay ditong bato na sa tingin ko ay jade at may kanya-kanya itong lalagyan ng patalim na maaring i-kwintas.
Nakaayos ang dalawang dagger sa isang kahon at magkadugtong ang mga hawakan nito kaya kitang kita ang hugis nitong yingyang. Napangiti naman ako dahil kuntento ako sa kinalabasan ng mga patalim. Iniabot ko na ang bayad at nagpaalam na.
Dumiretso ako sa bilihan ng pambalot habang bitbit ang kahon ng patalim na natatakluban na ngayon. Nais kong ibalot ito dahil nga sa ito ay espesyal na regalo. Nang makabili ay dumiretso na ako ng uwi sa bahay dahil maaga pa naman at wala pang alas sais. Ibinalot ko na ang kahon at ipinaibabaw ang maikling liham ko na nakalagay lang sa maliit na card bago ito ipinatong sa center table na nasa salas. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina para magluto ng hapunan.
Nagluto lang ako ng chicken curry bilang ulam at nagsaing na rin. Nang makapagluto ay kumain na agad ako at dumiretso sa kwarto para mag-ayos pagkatapos hugasan ang pinagkainan. May dala ulit akong back pack dahil gamit na lahat ng nasa back pack ko na dinala ko nung huling linggo kaya't pinalitan ko na ito. Pagkalabas ko ng gate ay sakto namang nakasalubong ko ang buong pamilya kaya ngumiti ako sakanila.
"Nakapag-luto na po ako ng hapunan at nakakain na rin po ako. Sana masarapan po kayo sa niluto ko." Saad ko.
"Naku Amethyst nag-abala ka pa na ipagluto kami. Sana ay sarili mo nalang ang ipinagluto mo dahil kaya ko namang magluto." Saad naman ni aling Cory bilang sagot.
"Maliit na bagay lang po." Saad ko habang may mumunting ngiti sa labi ko. Yumuko naman ako ng kaunti para maabot ang ulo ng kambal, "May surpresa si ate Amethyst sainyo. Nasa ibabaw ng center table sa salas." saad ko sa kanila. Agad namang nagtakbuhan ang dalawa papasok sa bahay kaya naiwan ang mga magulang nila sa labas kasama ko. "Mauuna na po ako." Paalam ko na tinanguan nila kaya naman nag-umpisa na akong maglakad.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad papunta sa mansion ng Fightun nang may tumigil na asakyan sa tabi ko, paglingon ko ay nakita ko ang makapal na mukha ni Mark. "Sakay na Thyst!" Aya nya na hindi ko naman tinangihan. Mabilis kaming nakarating sa mansion at agad akong bumaba sa sasakyan nya.
Laking ginhawa ko nang hindi sya nang-asar ngayong araw tulad ng mga nagdaang araw, nakapagtataka nga lang. Wala syang imik sa ilang minutong byahe namin papunta dito na masasabi kong himala dahil parang machine ang bibig nyan na walang tigil sa pag dakdak pag naumpisahan
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRL
Misteri / ThrillerWho is she? Or? What is she? This is a story of a girl who's hiding from her family. Why? Well let's figure it out. Come on!!! let's solve the mystery and read Amethyst's story. @marphro24 Taglish story ~still ongoing~ Date I started to write: 9/17...