22nd CHAPTER

338 32 6
                                    

Amethyst's POV

Mag-isa lang akong naglalakad at nagroronda ngayon. Nang madatnan kami kanina ni Mark sa ganoong posisyon ay umalis kaagad ako ng walang paalam at pinili nalang na magronda. Nakakahiya na nakita nya kami na ganoon at isang katangahan naman saakin dahil muntik ko nang hinayaan si Hadeus na bigyan ng pruweba. Napasapo nalang ako sa ulo ko dahil sa saglit na katangahan.

"Ano ang problema mo pinakamamahal kong pinsan?" tanong ni Cast na bigla nalang sumulpot sa kung saan na ikinagulat ko ng bahagya pero hindi ko ipinahalata.

"Ikaw Calvin Steve hah, pag may nakapansin sayo sa ilang beses na pagpapabalik-balik mo dito malilintikan ka sakin." Pagbabanta ko dito.

Itinaas nya ang dalawang kamay na parang sumusuko at tumawa ng mahina. "Kalma Amethyst Violet, masyado kang hot." Saad nya, "Anong problema?" Dagdag na tanong nito bago ibaba ang mga kamay. Mukhang nahalata talaga nya na may prinoproblema ako. Napabuntong hininga naman ako bago inumpisahan ang pagkwekwento mula sa pagtanggap nila saamin sa fightun hanggang sa muntik na naming paghahalikan kanina ni Hadeus.

Pagtapos kong magkwento ay napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya pagkatapos ay hinawakan ang magkabilang balikat nya at niyugyog sya. "Anong gagawin ko Cast? Hindi ko mapigilan ang sarili ko pagdating sakanya! Nagiging marupok ako!" Saad ko na para bang problemadong problemado at ang hinayupak ay tinawanan lang ako bago iwinaksi ang kamay ko na nasa balikat nya.

"Ano ba couz, that's normal since he's your mate." Saad nito at inirapan pa ako. Akala mo hindi lalaki kung maka-irap ang hayop.

Tutusukin ko yan.

"Sige umirap ka, hindi na babalik yan." Saad ko na tinawanan lang nya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Ilang saglit na katahimikan sa paglalakad at ako ang unang bumasag ng katahimikan. "Hindi ka pa ba uuwi? Baka may makakita o makaramdam sayo." Saad ko na inilingan nya.

"Ang totoo ay may dala akong balita para sayo." Saad nya na ikinakunot ng noo ko.

"Good news o bad news?" Tanong ko kaagad.

"Bad news." Walang pag-aalinlangan na sagot nya na ikinatigil ko at ikinabahala ko.

"A-ano?" Saad ko habang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Yung pamilya ng supposed to be fiance mo, pinagpipilitan ang kasal nyo at manggugulo daw sila sa bayan natin kung hindi matutuloy ang kasal ninyo ng anak nila." Saad nya na ikinadilim ng mukha ko.

"How dare them? Ano sila batas?" Saad ko sa naiinis na tono na ikinatawa nya at ikinailing ng kaunti. "You're not supposed to laugh." Saad ko dito at pinagkrus ang mga braso ko.

"I know, I just can't stop myself." Saad nya.

"Anyway, bakit ba nila ipinagpipilitan? Ano bang makukuha nila sa pag-iisang dibdib namin ng anak nila? Power? Eh sa pagbabanta palang mukhang may kaya na sila." Saad ko na ikinakibit balikat lang nya.

"I don't know maybe they want more power cause they're not contented." Saad nya.

"If you go back, tell them that I won't marry that man cause I already found my other half." Saad ko na tinanguan lang nya. "By the way, do you know the backgroud of this family who wants me to marry their son?" Tanong ko.

"No idea couz but I know that they have powers and influence." Saad nya na tinanguan ko lang.

"Okay, just come when you learn something interesting about them." Saad ko na tinanguan nya.

Ilang oras din kaming nagkwentuhan habang naglalakad at nagroronda ako. So far so good, no danger for tonight. Nagpaalam na si Cast na uuwi kaya tumango nalang ako. Nag-ikot-ikot pa ulit ako dahil wala akong maramdamang antok o pagod. Nag-iisip din ako ng mga paraan kung paano mapipigilan ang sarili ko na matukso kay Hadeus. Nagrereplay din sa utak ko ang mga sinabi ni Cast tungkol sa mga taong gusto akong ipakasal sa anak nila. Subukan lang talaga nilang manggulo sa mundo ko, wag nalang nilang hayaang makarating saakin at baka pagpira-pirasuhin ko sila.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon