Amethyst's POV
Busy kaming lahat sa pagsalag at pagsuntok sa mga kalaban. Ang laban kasi ngayon ay mga manlalaro laban sa mga myembro ng fightun. Unfair kung tutuusin dahil nga bihasa na sila at mga baguhan palang kaming sumasabak. Kumbaga may eperience na sila tapos kami wala pa, mga banat na ang buto at yung amin ay mababanat palang.
Patagalan daw ang laro ngayon. Dahil daw mga bihasa na ay imposibleng mapatumba namin sila kaya patagalan nalang ng kakayahan sa pakikipaglaban. Unang sumuko ay mapupunta sa huling pwesto at ang pinakamagtatagal ay ang unang pwesto.
Dahil babae ako ay babae din ang itinapat nila saakin. Sya yung babae na childish tapos madaldal na laging nakangiti at parang walang problema sa mundo. Nagpakilala sya kanina, Xhyra ang pangalan. Hindi ko ikakaila na malakas sya, deserve nya ang pwesto na pagiging isa sa mga pinuno.
Kanina pa kami nagpapalitan ng mga tira na halata namang pinaglalaruan lang namin ang sitwasyon. Nakakatawa lang dahil habang nagpapalitan kami ng suntok ay nag-uusap kami, hindi nag-iinsultuhan kundi nag-kwekwentuhan. Para lang kaming nag-chichismisan at pa-chill chill lang na parang wala sa laban.
"Hindi ba leader ka ng Fightun?" tanong ko kasabay ng suntok na nailagan naman nya.
"Isa lang ako sa mga leader pero ang pinaka leader talaga namin ay si Deus." Sagot nya bago sumuntok na inilagan ko sa pamamagitan ng pag-yuko.
"Bakit ikaw ang nakipaglaban sakin?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Sya lang kasi ang leader na nakipaglaban. Ang kalaban ng mga kasama kong manlalaro ay mga normal na myembro nalang.
"Wala kasing ibang babae na pwede lumaban, apat lang kami na babae at ako ang inutusan ni Deus." sagot naman nya.
"Sumabak din ba kayo sa paligsahan para maging myembro ng fightun?" Tanong ko ulit dala ng kuryosidad sabay sipa sa gilid nya na nasalag naman nya.
"Hindi, otomatiko na kaming myembro dahil sa mataas na ranggo din ng mga magulang namin noon pero sumabak din kami sa mga training para patunayan ang sarili namin bago naging mataas na myembro." Sagot naman nya bago ako subukang patirin na natalunan ko naman.
"Wala na bang ibang paraan para maging myembro ng fightun maliban sa paligsahan na ito?" Tanong ko dahil kung kailangan nila ng tagapagtanggol ay hindi nila lilimitahan ang mga gustong sumali.
"Mayroon, sa pamamagitan ng duel. Kailangan nilang matalo ang apat saamin pagkatapos noon ay sasabak pa sila sa mahirap hirap na training bago maging myembro ng fightun. Mas malayong madali ang paligsahan na ito kaysa sa duel at training na iyon. Nais kasi ng Alpha na malalakas ang mga myembro nya at walang lalampa lampa." Mahabang saad nya. "Tapusin na natin ito, tapos na silang lahat." saad nya na tinanguan ko.
Sa pagkakataong ito ay bumigat na ang suntok at sipa namin sa bawat isa hindi tulad kanina. Napansin ko na hindi normal katulad ng tao ang lakas na pinapakita nya pero alam kong hindi iyon ang tunay na kakayahan nya, may mas ilalakas pa sya. Pinantayan ko ang lakas nya na mukhang ipinagtataka nya kung paano ko nagagawa.
Sipa, suntok at salag lang ang ginagawa namin. Sinubukan nya akong patirin kaya tumalon ako, nakita ko namang pagkakataon iyon para sipain sya sa mukha kaya napahiga sya. Umupo ako sa tyan nya, sinusubukan pa nyang makawala ngunit hindi nya kaya dahil nagpipigil sya ng lakas. Dahil nakahiga sya at hindi ko mapisil ang ugat sa batok nya ay sinuntok ko sya sa mukha para makatulog sya.
Knock out!
Agad namang may dumating na manggagamot para tignan ang kalagayan nya. Hindi naman sya napuruhan, sinuntok ko lang para makatulog. Sorry nalang sa maganda nyang mukha dahil magkakapasa sya bukas. Bibigyan ko nalang sya ng gamot pampahid. Ilang saglit pa ay binuhat na nila si Xhyra para siguro dalhin sya sa pagamutan pero nagkamali ako. Dinala lang nila sya sa gilid kung saan naroroon din ang mga napuruhan sa laban.
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRL
Mystery / ThrillerWho is she? Or? What is she? This is a story of a girl who's hiding from her family. Why? Well let's figure it out. Come on!!! let's solve the mystery and read Amethyst's story. @marphro24 Taglish story ~still ongoing~ Date I started to write: 9/17...