25th CHAPTER

283 20 2
                                    

Amethyst's POV

Dahil sa nangyari kanina ay mukhang natakot ang mga mamamayan at mabilis na nagsi-uwian ang iba. May iba pa rin namang naiwan ngunit karamihan talaga ay umuwi na lalo na ang mga bata at ilang mga kababaihan.

Pagkatapos ako titigan kanina ni Hadeus ay mabilis nyang inutusan ang ilang myembro na mag ronda. Sinigawan pa nya ang iba kanina at mukhang galit na galit sya.

"Hayyyy buhayyy parang life..." saad ko bago pabagsak na humiga sa kama ko dito sa kwarto ko. Para akong pagod na pagod kahit wala naman akong masyadong ginawa kundi makipag-usap, maglakad at kumain.

Dahil hindi naman ako inaantok at nagugutom, napag-pasyahan ko na lamang na bumisita ulit sa lihim na kwarto ng bahay na ito at magbakasakaling may malaman ulit na sikreto.

Pagpasok ay sinara ko agad ang pintuan dahil baka bigla pang dumating sina aling Cory. Hindi ko na binuksan ang ilaw at dumiretso na sa pintuan sa baba.

Pagkapasok ay dumiretso ako sa lalagyan ng mga libro upang magtingin sana ng babasahin ngunit naudlot ito ng maalala ko ang daanan na tinahak ko papunta sa bahay ni lolo Fabian na tree house.

Naalala kong may diretsong daan pa ngunit mas pinili kong akyatin ang hagdan. 

Dahil sa naalala ay napagpasyahan kong tahakin muli ang daan na iyon.

Tinungo ko ang pindutan upang magbukas ang kwarto na kinaroroonan ng daanan. Pagbukas nito ay walang pag-aatubili na akong naglakad papasok dahil nakabukas naman ang ilaw at hindi ko ito pinatay nung huling dalaw ko dito. Dire-diretso lamang ang lakad ko dahil nadaanan ko na ang parteng ito.

Nang makatapat sa liwanag kung saan ako umakyat noon ay huminto pa ako saglit at tiningala ito saglit. Pagkatapos ay tumingin ako ng diretso sa harapan at tinatanaw ang madilim na daanan. 

Nag-umpisa nang bumagal ang lakad ko dahil nagmamasid na ako. Katulad ng nasa bungad ay madilim din dito at walang kahit ano. Patuloy lang ako sa pagtahak ng daan at hindi ko alam kung ilang minuto o may oras na ba ang dumaan.

Napatigil ako ng makitang pader na ang nasa aking harapan. Hinawakan ko ito at batid kong katulad ito ng pader na nagkukubli sa kwartong kinaroroonan ng daanan na ito. Lumingon lingon ako upang maghanap ng bagay na maaring magbukas ng daanan na ito. 

Pagtingala ko ay nakita ko ang dalawang buton sa itaas ng pader. Akmang aabutin ko na ito upang pindutin ng makarinig ako ng ingay sa kabilang bahagi ng pader. Idinikit ko pa ang tenga ko sa pader upang mas maging malinaw ang marinig ko mula sa kabila.

Narinig ko ang malalakas na pagsigaw at paghingi ng awa. Pati na ang malakas na huni ng latigo na tumatama sa kung ano.

"Tama na! Wala akong alam!" rinig kong sigaw mula sa kabila. Doon ko lang napagtanto na ang kabilang bahagi ng pader na ito ay ang kulungan sa mansyon ng Fightun at ang kasalukuyang sumisigaw sa parteng iyon ay ang bampirang nahuli noong nakaraang linggo, si Vince.

Sa halip na pindutin ang buton sa itaas ng pader ay mas pinili kong pumikit at bumigkas ng spell na magbibigay sakanya ng proteksyon upang walang makasakit sa kanya. Ramdam ko nanaman ang pagbabago ng mata ko mula sa kulay lila na naging asul ngunit saglit lamang ito dahil bumalik din sa pagiging lila ang mata ko pagkatapos kong bigkasin ang spell. 

Narinig ko pa ang pagkukumahog ng mga nasa kabila nang hindi na nila masaktan ang bampira. Mukhang napagkamalan nilang may masamang mangkukulam ang nasa malapit at pumoprotekta sa bampira.

Tumalikod na ako at bumalik sa bahay. Hindi ko na piniling buksan ang lagusan na iyon dahil sa tingin ko ay hindi na kailangan. Ang mahalaga ay alam ko na kung ano ang meron sa daanang ito. 

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon