Amethyst's POV
"Is everything ready?" tanong ni Hadeus. "Let's go." aya saamin ni Hadeus nang makitang handa na ang lahat.
Isa-isa na kaming umakyat sa truck. Ako ay sa harap ulit sumakay katabi ni Hadeus gaya nung galing kami sa Heimta.
Pabalik na kami ngayon sa Heimta, limang araw din kami dito sa labas ng Heimta at tatlong bayan ang pinuntahan namin para magtinda at makipagbarter. Gabi na pero heto kami at bumabyahe pabalik sa Heimta. Ibababa nalang daw kami sa gubat na malapit sa Heimta at maglalakad nalang kami mula doon.
Sakto daw pagkarating namin sa may bukana ng gubat ay madaling araw. Mula doon ay maglalakad nalang kami pabalik sa Heimta, makakarating kami ng hapon kung tuloy tuloy ang byahe at paglalakbay namin. Ang huling lugar na pinuntahan namin ay mas malayo kaysa sa una na pinuntahan namin kaya mas matagal ang byahe.
"It's 9pm, you can sleep. We'll arrive there at 5 or earlier than 5." saad ni Hadeus sa tabi ko.
Hindi ako inaantok sa totoo lang at sanay na sanay ako magpuyat. Kahit hindi ako matulog ngayon ay ayos lang dahil sanay din ako sa ganon. Hindi ko alam pero dahil siguro sa boredom ay unti-unti kong naipikit ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako.
Hindi ko alam kung anong oras na nang magising ako, nakasandal ako sa balikat na malamang ay kay Hadeus. Umayos ako ng upo at nilingon sya, natutulog din sya. Nakasandal ang ulo nya sa upuan pero di nagtagal ay napayuko sya.
Bumaling ako sa driver, "Malayo pa po ba tayo?" magalang na tanong ko.
"Medyo malayo pa iha." sagot naman nya.
Tinignan ko ulit si Hadeus at nakitang ganon parin ang ayos nya. Nakayuko at paikot-ikot na ang ulo dahil malubak sa dinadaanan namin ngayon. Marahan ko syang ipinasandal sa balikat ko dahil kawawa naman ang leeg nya, tiyak na mangangawit iyon.
Anong oras na ba?
Hindi ko alam kung paano pero unti-unti ulit na pumikit ang mga mata ko. Naisandal ko na lamang ang ulo ko sa ulo nya hanggang sa makatulog ulit ako.
"Amethyst, we're here." nagising ako dahil sa marahang pagyugyog ni Hadeus sa balikat ko. Nakasandal ulit ako sa balikat nya.
Nang tumigil ang sasakyan ay nagsibabaan na ang mga nakasakay sa likod. Marahil ay ibinababa na nila ang mga naibarter nila at ang mga gamit nila. Bumaba na din si Hadeus kaya bumaba na din ako. Mabuti na lang talaga at maliit lang na bag ang bitbit ko. Nang maibaba ang mga gamit ay saglit na nagpahinga ang mga kasama ko bago kami nag-umpisa sa paglalakad.
Kung ako lang talaga ang masusunod ay gagawa nalang ako ng lagusan papunta sa Heimta.
"Kung gumawa nalang kaya ako ng lagusan papunta sa Heimta? Tinatamad akong maglakad." hirit ko kay Hadeus. Hindi ako pinansin nito at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakalabas na ang haring araw nang mapagpasyahan ng mga kasama ko na magpahinga muna at kumain. Kanya kanyang labas na nang pagkain. Ang ilan ay biskwit lang, mayroon namang nagbaon ng tinapay.
Sakin kasi rice.
Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagbibiruan nang may maramdaman akong kakaiba. Malayo pa kaya siguro hindi nila ramdam pero ako ramdam ko ang presensya ng mga ito. Sumenyas ako sa kanila na tumigil gamit ang kamay ko kasabay ng pagtayo ko. Naintindihan naman nila kaya agad din silang tumigil sa pagtawa at natataranta ding tumayo.
"May paparating, kalaban." saad ko kahit hindi pa ako sigurado kung kalaban ba talaga pero dahil mabigat at maitim na awra ang nararamdaman ko kaya nasabi kong kalaban ito.
Agad na kinuha ng mga kasama ko ang mga gamit na bitbit nila. Mabilis na lumalapit saamin ang presensya na nararamdaman ko kaya ang hula ko ay mga bampira sila. Aktibo ang mga kasama ko, pinapakiramdaman din nila ang paligid. Mabilis silang humarap sa direksyon na hinaharap ko kaya siguradong naramdaman na di.n nila ang presensya nila.
Tumigil sa hindi kalayuan ang mga kalaban namin at hindi nga ako nagkamali dahil mga bampira sila. Mabilis silang sumugod saamin kaya mabilis din na nagbagong anyo ang mga kasama ko. Sa tingin ko naman ay kayang tapatan ng bilang namin ang bilang nila.
Tumulong na din ako sa laban. Mabilis na nagbago ang kulay ng mata ko, mula sa lila ay naging asul ito. Gamit ang mahika ay iniaangat ko at ibinabato sa mga puno ang kung sino man na bampira na nagtatangkang sumugod kay Hadeus. Tinutulungan nya ang mga kasama namin at tinutulungan ko sya.
Agad kong naibato sa malayo ang bampirang nagtangkang sumugod saakin, sinundan ko din ito ng bolang apoy kaya agad naman itong naging abo. Habang nakikipaglaban ay unti-unti akong gumagawa ng portal sa likod ko papunta sa Heimta at diretso sa mansyon ng Fightun. Unti-unti naubos ang bampira na sumugod saamin pero nararamdaman ko na maramia ng papalapit ulit saamin.
"Pumasok na kayo sa portal! Bilis!" sigaw ko dahil papalapit na ng papalapit ang karagdagang mga bampira na kalaban.
Agad namang nagsipasok ang mga kasama ko habang bitbit sa bibig nila ang mga gamit. Tanaw na mula sa kinatatayuan namin ang tila mga hangin at anino sa bilis na bampira. Nang malapit na sila ay binato ko sila ng malaking bola ng apoy para kahit papaano ay mapatigil sila at hindi kami maabutan.
Mabilis na tumakbo palapit saakin si Hadeus at isinakay ako sa likod nya, hindi ko alam kung papaano nya iyon ginawa. Pagkapasok namin ay agad kong isinara ang lagusan dahil mahirap na kung masundan pa nila kami sa loob. Pagkarating sa mansyon ay tumatakbong sina Mark ang sumalubbong papalapit saamin. Nakasakay parin ako sa likod ni Hadeus at hindi parin ako nito ibinababa.
Ngayon ko lamang nakita si Hadeus na nag anyong Lobo. Malinis ang makinang na kulay tsokolate at malambot nitong balahibo. Purong tsokolate na parang ginto ang kulay ng balahibo nya di gaya ng iba na may mga parang batik na itim o ng iba pang kulay. Ibinaba nya ang katawan para maabot ng paa ko ang lupa at makababa, na syang ginawa ko naman. Tumingin sya saakin at sinuri ako mula ulo hanggang paa gamit ang mala kulay ginto nitong mata. Sinisiguro niyang hindi ako nasaktan dahil sa laban na naganap kanina lang.
"Amethyst!!!" rinig kong sigaw ni Mark na papalapit saamin, nauunang tumakbo at nakasunod sa likod nya ang iba.
"Amethyst! Okay ka lang? Nasaktan ka ba? Napalaban kayo? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Mark ng makalapit saamin.
Saglit nyang nilingon si Hadeus bago akmang hahawakan ako nang pumagitna si Hadeus saamin. Masama ang tingin ni Hadeus kay Mark at mukhang sasakmalin na nya ito ano mang oras. Hinaplos ko ang balahibo nito ng marahan bago sya pinakalma.
"Hadeus kalma lang, magpalit ka na kaya?" kalmadong saad ko sa kanya kaya kumalma sya. Parang nagulat pa sina Xhyra nang kumalma si Hadeus sa simpleng pagsasalita at paghimas ko sa balahibo nito.
"Chill Alpha. Oo na, sayo na, saksak mo sa baga mo." saad ni Mark habang nakataas pa ang dalawang kamay.
Hinagisan ni Peter si Hadeus ng tela. Nagshift naman si Hadeus at bumalik sa pagiging tao habang nakapulupot sa kanya ang tela.
Wag titingin sa baba.
Namura ko nalang ang sarili ko sa isipan dahil sa biglang naisip ko. Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko. Inabutan naman sya ni John ng damit at short.
"Nagpalit ka pa talaga sa harap ng mga babae." malokong saad ni Zaffiro habang nakangisi. Hindi naman sya pinansin ni Hadeus at patuloy lang na nagpalit.
"We were attacked by vampires. After how many years, they are active again. I wonder what's the reason." saad ni Hadeus.
"Those were dark vampires. They turned to ashes after being slayed, which doesn't happen to normal vampires." saad ko naman.
"How can you say so?" mataray na tanong ni Sapphire na may pagtaas pa ng kilay.
"Because I just know." sagot ko naman at inirapan sya. Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Mark at Zaff. "You can ask Vince since he's a vampire." dagdag ko para maniwala sila.
Parang napaisip sila dahil sa impormasyon na sinabi ko.
"Then are they also being controlled like what happened to Vince?" tanong ni Selene.
"Yes, they are also being controlled. The difference is that they're already dead before they were controlled that's why they turned to ashes." saad ko. "What I mean in the word 'dead' is that they've already lost their heart before they were controlled because basically, vampires are dead and their heart doesn't beat anymore." dagdag paliwanag ko.
"I don't get it." saad ni Xhyra habang nakapout pa.
"Vampires are dead, they have a heart, but it doesn't beat anymore. When you ripped out the heart of a vampire they will die. With the use of black magic, the witches can turn them back to life but with no memories." paliwanag ko, sana naman maintindihan na nya.
"That's the time where they control them." dagdag ni Xhyra. Buti naman naintindihan nya. "How can they control them?" dagdag na tanong nya.
I have two theories for that.
"There are two possible ways. One is like how they controlled Vince, with magic. Second, maybe they brainwashed them and feed them wrong information since they can't remember anything." sagot ni Athenel, what a genius. Tumango ako para sumangayon.
Pagkatapos ng saglit na pag-uusap namin ay tinignan na namin ang kalagayan ng mga kasama namin. Wala namang napuruhan, mga daplis at hindi malalalim na sugat lang ag natamo ng mga kasama namin.
"Mabuti nalang at walang kasamang witches ang mga sumugod saatin kanina. It looks like they are just scaring us." saad ko. Siguradong mahihirapan kami pag nagkataon.
"Take a rest." saad saakin ni Hadeus.
"Okay, I'm going home now." saad ko at tumalikod na. hindi pa ako nakakahakbang nang hawakan nya ang palapulsuhan ko.
"Why are you going home?" tanong nya ng nakakunot ang noo kaya napakunot na din ang noo ko dahil naguguluhan ako sa kanya.
"Because I'm going to rest?" patanong na saad ko.
"You can rest at my room." sagot naman nya.
"No, I'm going home to rest." saad ko naman.
"Don't, Vince is there." saad naman nya.
"So what?" naiiritang tanong ko. I badly want to go home and rest right now.
"I'm jealous." saad nya na nagpacute pa.
Tangina beh.
Huminga ako ng malalim para ikalma ang puso ko. "You're my mate Hadeus, don't be." sagot ko naman sakanya.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan sya sa labi bago dali daling gumawa ng portal papunta sa kwarto ko at dumaan dito. Siguro sa ngayon ay inaasar na sya ni Mark at ni Zaffiro. Ibinaba ko ang gamit ko at nagpalit ng damit bago humilata sa kama ko para matulog. Madali naman akong binalot ng kadiliman at nanaginip.
Hapon na nang magising ako dahil sa gutom. Gulo-gulo ang buhok at walang ayos akong bumaba sa kusina para kumain.
"Tapos na ba yan? Bababa na si Amethyst mamaya dahil sa gutom sigurado ako." rinig kong tanong ni Cast.
"Tapos na." sagot naman ni Vince.
Pagkarating ko sa kusina ay nakahanda na ang plato at kutsara. Nakahanda na din ang kanin at ang ulam. Umupo agad ako at nagsandok ng pagkain ko. Walang imik akong kumain habang ang dalawa ay nasa isang gilid lang at tahimik na pinapanood ako.
"Hindi ba kayo kakain?" tanong ko sa kanila. Umiling naman si Vince habang si Cast ay sumagot.
"Busog pa kami. Para sayo lahat yan, patay gutom ka pa naman." saad nito. Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
Iniwan nila ako sa kusina na kumakain habang sila ay nagtungo sa sala. Ilang saglit pa ay narinig ko silang naglalaro at nagtatalo na parang bata. Pagkatapos kumain ay iniwan ko na lang sa lababo ang pinagkainan ko dahil tinatamad ako. Kumuha ako ng chocolate sa ref bago dumiretso sa sala para sumali sa laro nila.
Nadatnan ko sila sa sala na nakaupo sa sahig at naglalaro ng baraha. Nakalapag lahat ng baraha habang si Vince ay pinipitik sa noo si Cast. Malamang yon ang parusa ng matatalo.
"Anong nilalaro nyo? Sali ako." saad ko kaya umusog sila at binigyan ako ng pwesto na uupuan. Habang naglalaro ay nagkwekwentuhan kami.
"Anong ganap dito habang wala kami?" tanong ko.
"Wala naman masyado. Hindi ako lumalabas ng bahay, si Vince ay minsan lang para bumili ng pagkain." sagot ni Cast.
"Pumunta dito si Mark isang araw pagkatapos nyong umalis. Sabi nya chinicheck lang daw nya ang kalagayan ko." sagot naman ni Vince.
So, Mark is concern with Vince?
"Nalaman ba nya na nandito si Cast?" tanong ko.
"Sa tingin ko hindi." sagot ni Vince.
"I hid my presence very well, but I think he smelled my scent." sagot naman ni Cast.
"Hindi na sya bumalik ulit pagkatapos non." dagdag ni Vince.
Baka naamoy nya si Cast pero bakit hindi sya bumalik para huliin o kung ano man si Cast? Does he trust me too much? O baka naman hindi nya talaga nalaman?
Nagbaba ako ng card na sinundan naman ni Vince bago ako nagtanong ulit. "What's with the invisible barrier?" tanong ko at tumingin kay Cast.
"What invisible barrier?" naguguluhan naman tanong ni Vince.
"I put it after you leave to secure your mate's pack." saad nyan at binigyang diin pa ang salitang mate.
"I didn't know you put a barrier." saad ni Vince.
"Yeah, because its invisible and I put it in secret." sagot ni Cast. "And no one can feel it." saad nya bago nagbaba din ng baraha. "But since we're talking about Princess Violet, the powerful mixed blood princess with purple eyes, you can't hide anything from her." dagdag ni Cast sa sarkastikong tono.
"Keep your voice down, someone might hear you." suway ko sakanya at umirap.
"Dark vampires tried to enter Heimta but since I put the barrier, we were able to stop them." saad nya. "I warned Vince to warn the others once I felt their presence, so they went to kill those bastards." dagdag pa nya.
"Tapos kaninang tinanong ko kung anong nangyari, sagot mo wala masyado??!" hindi makapaniwalang tanong ko sakanya. I can't believe it.
Nagkibit balikat lang sya bago binaba ang huling baraha nya. "I won."
Kinolekta na ni Vince ang mga baraha at binalasa ito. "I was wondering how you felt those vampires." saad nya.
"We were also attacked by dark vampires this morning that's why we arrived here with the use of portal." saad ko.
"Napapaisip ako kung anong rason ng pagiging biglaang aktibo nila" saad ni Vince.
Kahit ako ay napapaisip din. Pagkatapos ng maraming taon, bakit ngayon lang?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
●08/30/23/15:00●
Ieedit ko nalang next time. Mwahhh
KEEPSAFE!!!
Sorry for the grammatical and typographical errors.
Thanks for reading!
~marphro24~
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRL
Mystery / ThrillerWho is she? Or? What is she? This is a story of a girl who's hiding from her family. Why? Well let's figure it out. Come on!!! let's solve the mystery and read Amethyst's story. @marphro24 Taglish story ~still ongoing~ Date I started to write: 9/17...