8th CHAPTER

367 30 2
                                    

Amethyst's POV

Pagkatapos kunin ang halaga na kailangan ko ay umalis na agad ako sa bahay at dumiretso a tindahan. Pagkarating ko ay inabot ko na agad ang maliit na bag. Naglalaman yun ng labinlimang libong pera at tatlong gintong barya. Kinuha ko ang gintong barya sa akuha ko sa kwarto sa ilalim ng hagdan. Ang sabi naman ay para iyon sa Heimta at ang matandang pinagbigyan ko nito ay isang tindero sa bayan kung saa ang kinikita nya ay napupunta sa kaban ng bayan.

Tulad ng inaasahan ay gulat na tumingin saakin ang matanda. Nanlalaki ang mga mata lalo na ng makita ang tatlong gintong barya.

"Iha, sobra sobra ang iniabot mo hindi ko ito matatanggap." saad nya na bakas parin ang gulat sa mukha.

Ngumiti naman ako bilang tugon. "Ang labinglimang libong pera ay bayad ko po sa binibili kong dagger, dinagdagan ko lang ng limang libo dahil mababa ang inyong pagpepresyo. Ang tatlong gintong barya ay para talaga sainyo. Gamitin nyo po upang lumago ang negosyo nyo at makatulong sa iba." saad ko.

"Napakabuti ng iyong puso para sa mga tulad namin kahit hindi ka tulad namin. Heto ang dagger na binibili mo. Pagkaingatan mo sana." Saad nya na ikinangiti ko ngunit nagtataka sa sinabing hindi katulad nila.

Alam ba nyang hindi ako tao?

"Ano ho ang ibig ninyong sabihin na hindi ako katulad nyo?" tanong ko upang manigurado.

"Baguhan ka pa lamang sa bayan na ito at hindi pa kami sigurado kung mapagkakatiwalaan ka pero hayaan mong sabihin ko sayo na madaming lihim ang bayan na ito." Mahiwagang saad nya.

"Kung hindi nyo ho mamasamain, maaari ho ba akong magtanong tungkol sa Heimta? Nais ko pong malaman kung bakit mukhang naghihirap ang mga tao kahit na mukhang matitibay at marangya naman ang mga gusali at iba't ibang establisyemento rito." Saad ko.

Nais kong malaman ang kwento kahit pa alam ko na dahil sa mga nabasa kong dyaryo sa ilalim ng bahay. Gusto kong makupirma kung totoo ba.

"Ang Heimta noon ay hindi nalalayo sa ibang mga bayan. Sa katunayan ay sumisigaw ng karangyaan ang bayan na ito noon." Panimula nya. "Ang bayan noon ay pinamumunuan ni Mayor Angelou Wolius. Masaya at Marangya ang bayan noong sya ang namumuno, tahimik at walang gulo. Pero nagbago lang noong may nangyaring hindi inaasahan." saad pa nito at nagsimulang maging malungkot ng kanyang mata. "Nasa byahe pauwi noon ang mayor at kanyang asawa ng madisgrasya sila o mas akmang sabihin na tinambangan sila. Namatay ang kanyang asawa samantalang hindi mahanap ang katawan ng Mayor. Mabuti na lamang at ang kanilang anak na si Hadeus noon ay hindi sumama at sa halip ay nagpaiwan upang makipaglaro kay Mark Hydra. Doon na nagsimula ang pabagsak ng Heimta." pagpapatuloy nya "Dumating ang isang mayaman na negosyante na akala namin ay isang anghel yun pala ay isang demonyo. Si Melciano Del Mandar ay kinuha ang pagiging mayor ng sapilitan. Wala kaming magawa dahil wala kaming laban. Ni hindi namin alam ang simpleng pisikal na pakikipaglaban samantalang sya ay may daan-daang tauhan. Nagsimula ang kaguluhan dahil sa kanyang mga tauhan at naghirap ang Heimta dahil ibinubulsa nya ang pera na para sa bayan." mahabang litanya nya.

"Eh paano pong nakawala kayo sa kanya?" Tanong ko dahil wala akong maalalang sagot sa mga nabasa ko.

"Dahil sa anak ni mayor Angelou na si Hadeus." Saad nya at ngumiti bakas ang saya at pagkamangha. " Nang sya ay tumungtong sa labinwalong taong gulang ay binuo nya ang grupo ng fightun. Inipon nya ang lahat ng taong may kakayahang lumaban at lakas loob na inagaw ang trono kay Melciano na napagtagumpayan naman nya. Sya ngayon ang namumuno sa Fightun at nasisilbing mayor ng buong Heimta." Saad nya.

"Nasaan po sya ngayon?" tanong ko dala ng kuryosidad.

"Marahil bukas ay mayroon na sya kasama ang ilang mamamayan at ibang myembro ng Fightun. Tuwing bago sumapit ang buwanang palaro kasi ay lumalabas ang ilan sa mamamayan para sa ilang pangangailangan at sinasamahan sila ng alpha-" Natigilan ito sa pagasalita "ang ibig kong sabihin ay mayor upang masiguro ang kaligtasan nila. Bago pa man matapos ang palaro ay dumadating na sila." Saad nya.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon