Amethyst's POV
Biglang umitim ang kalangitan dahil sa usok. Naging tahimik din ang paligid at parang pinapakiramdaman nila kung ano ang nangyayari. Ramdam ko ang tensyon sa mga kasama ko pati na sa mga nasa kabilang lamesa. Unti-unti kong naamoy ang amoy ng nasusunog, hindi ko alam kung amoy din nila pero dahil iba ako sa kanila ay amoy na amoy ko ito. Amoy ng gubat, nasusunog na gubat.
Dali dali akong tumayo at tumakbo patungo sa pinang-gagalingan ng usok. Rinig ko pa ang pagtawag nila saakin pero hindi ko na sila pinansin. Tumakbo lang ako gamit ang kaaniwang bilis ng mga tao ngunit mas mabalis lang ng bahagya. Ramdam ko naman ang pagsunod ng mga kasama ko ganun na din ang grupo ng Fightun.
Pagdating sa kinaroroonan ng sunog ay nakita ko ang munting bahay na tinutupok ng apoy gayun na din ang ilang mga puno at dahon na malapit dito. Malakas ang apoy at madaling natutupok ang bahay dahil gawa lang ito sa kahoy. Napapalibutan naman ito ng mga tuyong dahon kaya kumalat ang apoy sa kalapit na mga puno. Nakita ko ang ilan na pinipigilan ang pagkalat ng apoy sa kakahuyan, may ilan naman na ang bahay ang binubuhusan ng tubig ngunit alam kong hindi sila matatagumpay dahil timba lamang ang gamit nila gayong malakas na ang apoy.
"Jade!!!" rinig kong sigaw sa di kalayuan. Nang balingan ko ito ng tingin ay nakita ko ang isang batang babae at isang matandang babae. Wari ko'y mag-ina ito.
Bumaling ito sa amin kaya nagtama ang mga mata namin. Tila nabuhayan naman ito ng loob ng makita ako. Ilang saglit pa ay tumakbo ito papunta saakin at hinila ang dulo ng damit ko.
"Ate! Hindi po ba ay malakas ka? Parang awa nyo na po! Tulungan nyo po ang kapatid ko sa loob." Saad nito habang umiiyak.
Yumuko ako at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. "Shh wag kang mag-alala, ililigtas ko ang kapatid mo." Saad ko at inakay sya papunta sa nanay nya, niyakap naman nya ito bago tumingin saakin na sinuklian ko naman ng ngiti. Ngiting paninigurado na magiging maayos ang lahat.
Patuloy parin sila sa ginagawa nila para matupok ang apoy. Tumulong na din ang mga kasama ko pati na ang myembro ng Fightun. Dali dali akong tumakbo papasok sa nasusunog na bahay ng may biglang humigit saakin na nakapagparammdam saakin ng kuyente sa katawan ko.
"What are you doing woman?!" Pagalit na tanong nito. Nang lingunin ko ay bumungad saakin ang dilaw na may pagka-gintong mata ni Hadeus.
"Savings someone's life." Sagot ko dito at inialis ang pagkakahawak nya saakin kaya naging malaya ako a patakbo papasok. Tinawag pa nya ako ngunit hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo.
Sobrang init ng nararamdaman ko dahil sa apoy ngunit binalewala ko ito at nagpatuloy sa paghahanap. Ang kulay ng mata ko ay nagiging malalim na lila na dahil sa sabay na paggamit ko ng kakayahan ko. Gamit ang pakiramdam ay narinig ko ang mahinang tibok sa di kalayuan. Bumigkas kaagad ako ng chant para maprotektahan sya sa sobrang init. Tinunton ko kung saan nanggagaling ang tibok ng puso nya at nakita ko ang isang batang babae din na nakahiga na at wala ng malay. Agad ko syang binuhat at tinakbo palabas. Naging madali nalang saakin ang paglabas kahit pa may bitbit akong bata.
Unti-unti nang naglalaglagan ang mga kahoy mula sa bubong kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Pagkalabas ko ay sinalubong agad kami ng nanay at kapatid nito. Sumalubong din saamin ang apat na babaeng miyembro ng Fightun. Maingat na ibinaba ko ang bata sa lapag habang wala parin itong malay. Agad naman na dumalo saamin ang apat na miyembro ng fightun upang tignan ang kalagayan ng bata.
"Buhay pa sya ngunit wala lang syang malay dulot siguro ng pagkaka-suffocate. Kung nagtagal pa sya sa loob ay marahil patay na sya." Saad ng babaeng mukhang matalino sabay tingin saakin. Nailang naman ako sa tingin na ibinigay nya kaya umiwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRL
Mystery / ThrillerWho is she? Or? What is she? This is a story of a girl who's hiding from her family. Why? Well let's figure it out. Come on!!! let's solve the mystery and read Amethyst's story. @marphro24 Taglish story ~still ongoing~ Date I started to write: 9/17...