24th CHAPTER

372 29 7
                                    

Amethyst's POV

Nakaakbay parin saakin si Hadeus habang nagroronda kami. Hindi nya tinanggal ang mga kamay nya sa balikat ko kaya patuloy parin sa paghuhuramintado ang puso ko.

"Pwede mo nang tanggalin ang kamay mo sa balikat ko." Saad ko dito.

"No, I prefer holding you like this." Sagot naman nito.

Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan nalang sya dahil gusto ko din ang pakiramdam na malapit sya saakin. Dahil siguro sya ang nakatadhana saakin.

Alam kaya nya na ako ang mate nya?

Tulad ng dati, inisa-isa namin ang bawat grupo, at sa pagkakataong ito ginawa nya yon ng naka-akbay saakin. Tinukso tukso pa kami ni Mark nang makita nya kami ngunit hindi namin sya pinansin kahit pa namumula na ang pisngi ko dahil sa pinaghalong hiya at kilig.

"Yiehh... hoy ano yan?! Binata na si Alpha yiehh..." Pang-aasar nito pero hindi naman sya pinansin ng kasama ko at nagpatuloy sa pagroronda habang nakaakbay parin saakin.

Tulad ng reaksiyon ni Mark, gulat at panghuhusga din ang nakuha namin mula sa ibang myembro at syempre ang pang-aasar ng mga pinuno dahil sila lang naman ang may lakas ng loob na mang-asar. Tulad din kanina, hindi namin pinansin ang ano mang sinasabi nila na walang kabuluhan at nagpatuloy parin sa pagroronda.

Sa ilang oras namin na pagroronda hindi man lang ihiniwalay ni Hadeus ang kamay nya sa balikat ko. Tinanggal nya lang ang pag-kakaakbay nya saakin bago kami pumasok sa mansyon para magpahinga. Alam kong kabastusan pero dumire-diretso ako sa kwarto nang grupo namin at dumiretso ng higa sa kama ko. Pumikit ako pero hindi ako tulog dahil binabalikan ko ang mga kaganapan kanina.

Kinikilig ako.

Bago matulog ay ang itsura namin kanina ni Hadeus na mag-kaakbay ang nasa isip ko. Mukha nyang pinangangalandakan kanina na pag-aari nya ako. Nakatulog ako ng nakangiti.

ILANG oras palang ata bago ako makatulog ay nagising ako dahil sa mala bubuyog na huni na naririnig ko. Alam kong ang mga kasamahan ko iyon na nagkwekwentuhan sa umaga habang humihigop ng mainit na kape. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko kaya't hindi na ako nag-abalang dumilat at nanatiling nakapikit pero ang diwa ko ay aktibo na. Dahil siguro sa nakapikit parin ako at magkahalo ang pagod at puyat ko kagabi ay nabalik ako sa pagkakatulog.

NAGISING ulit ako sa iilan nalang na ingay galing sa mga nag-uusap. Pagmulat ko ay nakita kong iilan na lamang kami na nandirito sa loob ng kwarto. Nagsi-uwian siguro ang iba samantalang ang iba ay nagronda siguro.

Pagtingin ko sa orasan ay malapit na palang mag alas-onse ng tanghali. Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Nagpalit nadin ako ng damit dahil kagabi ko pa suot ang damit na gamit ko.

Sa halip na kumain ay dumiretso ako sa kinaroroonan ng bampira na nahuli isang linggo na ang nakararaan. Pagkarating sa kinaroroonan nito ay nadatnan ko itong nakayuko lang habang nakaupo at nakatakip ang mga kamay sa mukha. Nakakaawa ang itsura nya ngunit ang katotohanang muntik na syang pumatay ay nakakapag-init ng dugo.

Nakatayo lang ako doon habang pinagmamasdan sya sa ganoong pwesto. Ilang sandali pa ay nag-angat sya ng tingin dahil mukhang naramdaman nya ang presensya ko. Tumingin sya saakin na parang takot na takot habang niyayakap ang sarili na para bang pinoprotektahan nya ang sarili nya.

"Maawa kayo... wala akong alam..." bulong nito ngunit rinig ko naman.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito, "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"W-wala akong alam. Wala akong maalala." Saad nito.

Tinitigan ko sya ng mabuti at mukha syang inosente na pinahirapan, taliwas sa nakita ko kagabi lamang na parang baliw na nagwawala. Nagsimula akong humakbang papalapit, binabalewala ang panganib na pwede nyang idulot saakin.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon