3rd CHAPTER

429 25 0
                                    

Amethyst's POV

Saktong alas tres ng umalis kami sa bahay at nagtungo dito sa plaza kung saan gaganapin ang pagpapakilala ng mga kalahok. Ang unang labanan ay magaganap sa arena na nasa tabi lang din ng plaza. Hindi ko ito masyadong binigyan pansin noon dahil wala namang tao ang pumupunta dito madalas. I thought its an abandoned place before but its not. Ginagamit ito tuwing buwanang palaro at minsan daw ay dito nagtra-training ang mga fightun ayon kay Mark.

"Thyst dito ang palistahan, ipalista mo na ang pangalan mo." saad ni Mark kaya nagtungo na ako sa babaeng naglilista.

"Miss magpapalista sana ako." saad ko ngunit nagdududang tingin lang ang isinukli nya.

"Sarado na ang listahan nahuli ka ng limang minuto." mataray na saad nito na nagpainit ng dugo ko. Nakita ni Mark ang nakakunot na noo ko kaya lumapit sya agad saamin at inakbayan ako na mas nagpainit pa ng dugo ko.

"Miss paki lista ang pangalan nya, Amethyst Caster." saad nya at kinindatan ang babae na halata namang kinilig sa isang kindat lang. Tsk! Landi talaga.

"Ahh sige po. Number 56 ka miss Amethyst. Dumiretso nalang po kayo sa kaliwang banda ng stage, doon po nagtipon tipon ang mga kalahok." saad nito sa mala anghel na boses. Napaka plastic ng babaeng ito, nakangiti pa akala mo naman hindi ako tinarayan kanina.

"Miss ang plastic mo tinarayan mo ako kanina remember?" Saad ko at inirapan pa sya. Kung mataray ka mas mataray ako. Tumalikod na ako at naglakad palayo sa babaeng mataray at kay Mark.

"Thyst saan ka pupunta?" Sigaw ni Mark.

"Manahimik ka, jan ka na sa babaeng plastic na yan." Saad ko at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad.

Dumiretso na ako sa lugar na kinalalagyan ng mga kalahok. Iilan lang ang mga babae na lumahok sa palarong ito, isa isa ko silang tinignan at sinuri. Napailing nalang ako ng makita ko ang suot nila. Sa pageant ba ang punta nila? May nakasuot ng palda, may nakadress, may isang nakashort na hanggang singit na at may isang nakahanging na kita na ang bra. Hindi ba nila naisip na labanan ang pupuntahan nila at hindi pagandahan?

Sunod kong sinuri ang mga kalalakihan. May ilang maayos ang pananamit at may ilang mapapatawa ka sa suot. Ang ilan ay tahimik at may ilan na nakapabilog at nagkwekwentuhan o mas angkop na sabihing nagpapaangasan. Dahil malakas ang pandinig ko ay di ko maiwasang marinig ang kanilang pinaguusapan. May isang grupo na pinaguusapan ang isang lalaki na nakaupo sa tabi at tahimik na nagbabasa ng libro, may isang grupo din na pinaguusapan ang mga babaeng halos walang damit na nandito, at may isang grupo na pinaguusapan ako.

"Buti pa yung babae na nakablack, yung halos kadarating lang, maayos ang pananamit di tulad nung iba na nagmistulang sasali sa pageant." Rinig kong saad ng isa.

"Oo nga pre kaso mukhang suplada nakakatakot ang mukha nya." Saad naman ng isa kayat napangiti ako.

"Oo pre ang ganda ng kulay ng mata nya kulay lila. Ano kayang pangalan nya?" Saad ng isa.

Busy ako sa pakikinig ng mga kwentuhan nila kaya nagulat ako ng may bigla nalang umakbay saakin.

"Goodluck Thyst support ako sayo." Saad ng umakbay saakin na walang iba kundi si Mark.

"Mukha namang mahihina ang mga kalaban ko. Malaki lang ang katawan pero mahina sa pakikipaglaban." Saad ko na may confidence sa boses ko. Totoo naman, sa pagsusuri ko ay alam ko na agad kung hanggang saan ang kaya ng mga ito at alam ko na agad na lamang ako sa kanila ng higit pa sa limang beses ng kaya nila.

"Ang hangin mo Thyst, baka una kang matanggal hah?" Saad nito na nangingiti pa pero inirapan ko lang sya.

"Baka nga ako pa manalo dito at maging bagong babae sa grupo ng fightun." taas noong saad ko.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon