Amethyst's POV
Tirik na tirik na ang araw at naglalakad parin kami hanggang ngayon. Mabuti na lamang at maraming puno ang nagsisilbi naming silong kaya't hindi masakit masyado ang init ng araw na tumatama sa balat ko.
Hindi ko alam kung anong oras na, basta ang alam ko ay kanina pa kami naglalakad at tirik na ang araw. Marahil ay malapit nang magpananghalian.
Lumapit ako sa tabi ni Hadeus bago bumulong, "Hindi ba mga lobo kayo? Ba't hindi nalang kayo mag-anyong lobo at tumakbo tapos sakay nalang ako sa likod mo para mas mabilis tayo?" tanong ko.
Sinuklian naman nya ako ng tingin na parang nagsasabing shunga ako.
Pwes mas shunga sya.
Kung tutuusin ay pwede ang sinabi ko. Pwede din naman kaming gumamit ng sasakyan kaso ay hindi nila ginawa. Pwede din akong gumawa ng portal kaso hindi nya ako pinansin kanina nang isuhestiyon ko iyon.
Sabagay ay baka maramdaman kami ng mga bruha at bampira, mapalaban pa kami ng wala sa oras. Okay sige lakad nalang.
Ilang saglit pa ay tumigil si Hadeus sa paglalakad kaya tumigil din kaming mga nakasunod sa kanya. Humarap sya saamin at nagsalita.
"Tumigil muna tayo at kumain, may humigit kumulang apat na oras pa tayong lalakbayin bago makarating sa labas." saad nya na nakapagpatulala saakin.
Apat na oras pa kaming maglalakad??! Ayoko na!
Nakapinta sa mukha ko ang simangot kaya nang lingunin nya ako ay tinaasan nya lang ako ng isang kilay nang makita ang pagkasimangot ko.
Hindi ko inasahan na ganito kalayo. Ako kasi ay bumagsak malapit sa kanila nang lumipat ako dito kaya kaunting minuto lang ang nilakbay ko.
Nagtipon tipon na silang lahat at nilabas ang kaniya-kaniyang baon. Nakisama na ako sa kanila at nakiharap bago binaba ang bag na binigay ni Vince saakin kanina. Bubuksan ko na sana ito nang tumabi saakin si Hadeus at kinuha ang bag na lalagyan ng pagkain ko bago binigay saakin yung sa kanya.
Tinignan ko sya ng masama pero walang pakialam ang hayop at tuloy-tuloy sa pagbukas ng bag. Nang mabuksan nya ang bag ay napakunot ang noo nya kaya hindi ko maiwasang makuryoso sa dahilan ng pagkunot ng noo nya. Nilingon ko din ang bag at napakunot din ang noo ko dahil sa nakita.
"What the hell?" bulong ko nang makita ang patong patong na tupperware sa loob ng bag.
Ang liit ng bag kumpara sa patong patong na laman nito. Nagtataka ako kung paano nagawa ni Vince ito pero naalala kong bumisita nga pala si Cast kagabi. Malamang ay pinagawa nya ito sakanya kagabi habang nasa taas ako.
Kinuha ko na ang bag at pinagpalit sa bag nya na ibinigay saakin. Pagkatapos ay isa-isa ko nang nilabas ang mga ulam na naka tupperware. May kanin din na nakatupperware na malaki at may isang maliit. Malamang ay para saakin yung maliit para magsilbi na ring plato ko habang pwede ko naman ibahagi sa iba ang malaki.
Hindi ba natulog yun?
"Uy Amethyst, ang dami mo namang baon."
"Paano kumasya ang mga yan sa bag na yan?"
"Pwede pahingi?"
Tinanguan ko naman ang huling nagtanong kaya kanya-kanya na din sila ng kuha. Nilingon ko naman ang katabi ko at nakitang nakakunot parin ang noo nya habang nakatingin sa mga ulam na nakahain na.
Kinuha ko ang bag nya at nilabas ang baon nya. Binuksan ko ito at kumuha nang pagkain gamit ang kutsara bago itapat ito sa bibig nya.
"Kumain ka na." saad ko habang nakatapat sa bibig nya ang kutsara. Binaling naman nya ang tingin nya sa kutsara bago saakin. Nginitian ko naman sya bago nagsalita, "Eat babe", saad ko at narinig kong napasinghap ang iba. May ibang nabulunan pa pero hindi ko sila pinansin tinuon ko lang ang pansin ko kay Hadeus.
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRL
Mystery / ThrillerWho is she? Or? What is she? This is a story of a girl who's hiding from her family. Why? Well let's figure it out. Come on!!! let's solve the mystery and read Amethyst's story. @marphro24 Taglish story ~still ongoing~ Date I started to write: 9/17...