Amethyst's POV
We're now on the middle of the arena. The first round which is the elimination round will start any minute from now. I think this will be easy since its just an elimination. Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagtunog ng mikropono.
"Hello mic test naririnig nyo ba ako?" Saad ng tao na may hawak ng mic. Maybe he'll be the emcee.
Rinig kita pre
"Okay? Okay na?" Saad nya ulit sa may mikropono.
Samu't-saring bulungan naman ang naririnig ko mula sa madla.
Bubuyog ba kayo?
"Simulan na natin ang unang pagsubok para sa palaro!" Sigaw nya. Pagkatapos ay pinatunog nila ang gong ng isang beses.
"Isa sa katangian ng isang magiting na tagapagtanggol ang pagiging mapag-obserba. Sa round na ito masusubok ang kagalingan nyo sa pag-oobserba at pag-iisip. May ipapakitang limang iba't-ibang sitwasyon at may tanong na sasagutin. May mga pagpipilian para sa tamang sagot. Ang may sagot ng tama ang magkakaroon ng puntos. Ang mga taong makakakuha ng puntos na tatlo pataas ang syang pasok para sa ikalawang round." Mahabang paliwanag nito.
Maliwanag pa sa sikat ng papalubog na araw ang pagpapaliwanag nya ng unang round.
"Simulan na natin!" Pag-aanunsyo nya at sunod nanamang pinatunog ang gong na nasa gilid.
Sisirain ko yan
Binigyan ang bawat isa sa amin ng limang pirasong papel at panulat. Pinaupo rin kami sa mga upuan na kanina pa nakalagay roon. May isang metro ang layo ng bawat isa kaya't siguradong hindi ka makakakopya. Dahil nga ako ang pinakahuling nagpalista ay nasa pinakahuling upuan rin ako.
Save the best for the last daw.
"Unang sitwasyon..." saad nya at binuklat ang papel na bawak nya.
Naks may kodigo
"...binalak nyo na lusubin ang kampo ng inyong kaaway na kaharian ngunit nasa kalagitnaan palang kayo ng paglalakbay ng kayo ay tambangan ng naturang grupo. Dahil dito napagtanto ng inyong hari na may isang taksil sa inyong kaharian ngunit hindi nya matukoy kung sino ang taksil na ito. Sa tatlong pinaghihinalaan nya, sino sa tingin nyo ang taksil sakanila?" Mahabang saad nya.
"Ang una sa mga pinaghihinalaan nya ay ang punong mandirigma." Saad nya at lumabas sa kung saan ang isang lalaki na nagmukhang kawal dahil sa kasuotan nya. May nakasabit na espada at lalagyan sa kanyang bewang. Nakasuot rin sya ng metal na kasuotan at helmet. Kita ang simbolo ng kaharian na nakadikit sa kaliwang dibdib ng kanyang kasuotan.
Maaari ngang sya dahil mataas ang katungkulan nya. Alam nya ang bawat tangkang paglusob na magaganap at maaari nya lamang pahatiran ng sulat ang kabilang grupo upang malaman ang plano.
Ang tunay na mandirigma ay hindi takot masugatan.
"Pangalawa sa pagpipilian ang mensahero." Saad ulit ng tagapagsalita at lumabas ang isang lalaki na nakasalamin at mukha ngang mensahero. May mga hawak syang sobre at kung ano-ano pang mga papel. May panulat din sya na hawak sa kanang kamay.
Malaking tulong nga sa kabilang grupo ang espiyang mensahero pagkat marami silang malalaman galing dito. Ang bawat plano at pag-uusap ay dumaraan sa mensaherong ito.
"Ang pangatlo at pang-huling pinag-hihinalaan ng pinuno ay ang kanilang katiwala sa palasyo." Saad ulit ng emcee at lumabas ang isang babae na nakasuot ng unipormeng pang katulong.
Ang bawat kaganapan sa loob ng palasyo ay malalaman nya ngunit mukhang imposible kung pati ang mga plano ay malaman nya lalo na at isa syang tagapagsilbi sa palasyo.
BINABASA MO ANG
MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRL
Mystery / ThrillerWho is she? Or? What is she? This is a story of a girl who's hiding from her family. Why? Well let's figure it out. Come on!!! let's solve the mystery and read Amethyst's story. @marphro24 Taglish story ~still ongoing~ Date I started to write: 9/17...