MHARIE P.O.V.
Nakapagtapos na kami ng high school at mag ka-college na kami ni Janna ang bff ko. Magkatapat lamang kami ng bahay nito kaso sila may kaya sa buhay. Sa katunayan nga niyan sila ang may ari ng apartment na tinirhan namin nila mama. Mababait naman sina Janna ang mama niya. Ang ama naman niya ay pumanaw na. Namatay siya noon sa car accident. Isa daw driver ang ama nila sa pamilya ng kilalang tao sa asia lalo na dito sa Pilipinas. Nakaklungkot man ay namatay ito kasama ng mag asawa. Hindi ko na rin inalam kung sinong kilalang negosyante ang mga amo ng ama ni Janna. Nakaipon naman daw ang ama ni Janna at binigyan sila ng pera ng ama ng mga amo nila. Binigyan daw sila ng tatlong milyon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nila ito ginagalaw dahil na rin daw nakalaan iyon sa pag aaral ni Janna. Kung tutuusin ay hindi na kailangan ni Janna ang magpart time dahil milyonaryo na ito ngunit gusto daw niyang magpart time job upang may kasama ako sa trabaho. Minsan nga nagbibiro ito na bibigyan nalang daw ako ng pera para di ko na iisipin muna ang mga gastusin ngunit ayoko naman ng ganoon. Ayokong umasa sa bigay. Pinalaki ako ng mga magulang ko na dapat sariling sikap at tiyaga , kailangang paghirapan muna ang isang bagay bago iyon makamtan dahil mas masarap daw sa pakiramdam kapag pinaghirapan mong makuha mula sa dugo at pawis mo . Naiintindihan naman ako ni Janna kaya sinusuportahan ako nito sa lahat ng bagay upang makamtan ang aking mga pangarap.
Nandito na pala kami sa harap ng building na kumuha sa amin ni Janna. Nakaharap na pala namin ang boss kanina at ibinigay ang fliers sa amin.
Habang nagbibigay ng flier sa mga dumadaan ay biglang sumakit ang ulo ko. Tumigil muna ako sandali at kinuha ang tubig na nasa bag ko at uminom. Napansin naman ako ni Janna.
"Mharie ayos ka lang ba?" Alalang tanong nito. Napatango naman ako sa kanya at napangiti. Nang ayos na ang aking pakiramdam ay balik ulit kami sa pagbibigay fliers sa mga tao. Kung suswertihin ka nga naman at maraming tao ang nagagawi ngayon dito sa syudad.
"Ang daming tao no?" Sabi ni Janna at napatingin ako dito.
"Sinabi mo pa. Napakaraming tao ngayon dito. Tiyak kapag naubos na natin tong fliers ay maaga tayong makakauwi." Masayang sabi ko.
"Oo nga, ang init pa naman ngayon." Napalabi naman si Janna sa sinabi niya.
"Okay lang na mainitan ang mahalaga kumikita tayo." Sabi ko dito.
"Alam mo napakasipag mo, ikaw ha huwag na huwag mong hahayaan ang sarili mong malulong sa trabaho lalo na at bata palamang tayo." Sabi nito.
Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Huwag kang mag alala ayos lamang ako." Paninigurado ko dito.
Nagdaan ang ilang oras at ubos na ang fliers na dala namin. Nagpaalam muna kami sa boss namin at pumayag na itong pauwiin kami.
"Tara na at umuwi na tayo." Masayang sabi ko.
Habang naghahanap kami ng jeep para makauwi ay napatingin ako kay Janna na biglang kumapit sa braso ko.
"Sabi ni mama sa Easton University daw ako papapasukin." Sabi nito.
"Hindi ba mahal sa Easton? Kaya ba ninyo doon?" Nagtatakang tanong ko.
"Yung kasing amo ni papa noon ay may binigay na certificate para makapag aral ako doon. Libre tuition ko na daw , dapat lang daw na ipapakita ko ang certificate doon. Ayoko mang pumayag dahil gusto kong kasama kita ngunit sayang din naman. Malaki ang matitipid namin sa pag aaral ko doon." Sabi naman nito.
"Hindi ka ba galit sa amo ng iyong ama?" Tanong ko dito. Umiling naman ito sa tanong ko.
"Hindi a, bakit naman ako magagalit sa kanila? Si papa ang driver, siya ang nagmamaneho ng sasakyan nila at isa pa tinuring nilang pamilya si papa. Maaga man nawala si papa sa amin ni mama ay nag iwan naman ito ng pagmamahal sa amin at sinigurado nito ang aming kinabukasan." Malungkot na sabi nito.
"Alam mo Janna, ayos lang naman sa akin na sa Easton ka mag aral at isa pa , ikaw na nagsabi na libre ka doon. Sayang ang pagkakataon." Sabi ko dito.
"Talaga? Paano ka?" Tanong nito sa akin .
"Okay lang ako, huwag kang mag alala. Mas masaya akong nakukuha mo rin ang iyong mga pangarap." Sabi ko dito.
"Salamat Mharie ha." Hinwakan naman ako nito sa kamay.
"Wala yun, basta ang importante ay masaya ka sa tatahakin mong mundo." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Maya-maya'y dumating na ang jeep at sumakay na kami ni Janna.
Nang dumating kami sa aming destinasyon ay bumaba na kami ni Janna at naglakad papasok ng kanto.
"Papasok ka ba mamayang gabi sa branch na pinapasukan mo?" Tanong nito sa akin. Tumango naman ako.
"Sayang kasi kung hindi ko papasukan. Alas dos palang naman ng hapon at may dalawang oras pa akong makakatulog at makakapagpahinga." Sabi ko dito.
"Huwag mong abusuhin ang katawan mo ha." Sabi nito. Tumango ulit ako sa kanya.
Mga ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa tapat ng aming mga bahay.
"O paano, magpapahinga na rin ako. Ingat ka mamaya sa pagpasok mo ha." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Oo naman , maraming salamat. Papasok na ako sa loob." Paalam ko sa kanya at tumango naman siya dahilan upang papasok na ako sa aming bahay at ganun din siya sa kanila.
Pagpasok ko sa pintuan ay wala si mama sa bahay kaya diretso kwarto ako . Napatigil ako sa paglalakad papunta sa aking kama ng may note doon at dunkin' doughnuts na nakalagay sa maliit na study table ko. Kinuha ko ang note at binasa iyon.
Alam kong pagod ka sa pagtatrabaho anak kaya binilhan ka namin ni mama mo ng doughnut lalo na at hindi ka pa nanananghalian. Kumain ka ng marami, huwag mo muna kaming isipin ha kasi nagwork din si mama mo. Uuwi kami mamaya dyan.
Love papa.
Napangiti naman ako at kinuha ang dunkin' doughnut na nakalagay sa mesa at binuksan ko iyon. Inaamin kong madalang lang akong nakakakain ng ganito . Bigla naman tumulo ang luha ko.
Hindi niyo naman kailangang gumastos ng malaki mama at papa. Masaya na akong nakakakain tatlong beses sa isang araw at makasama kayo.
Turan ko sa aking isipan habang kumakagat ng doughnut.
Maya-maya'y pumunta ako sa kwarto nina mama at papa at inilagay ko doon ang natirang doughnut na may note ko.
Salamat po ma at pa. Hindi ko po naubos kaya inilagay ko po dito sa kwarto niyo. Alam ko pong pagod kayo galing sa trabaho kaya ipinagtabi ko rin po kayo. I love ma at pa.
Love,
Mharie
Lumabas na ako ng kwarto nila at isinara iyon. Pagkatapos ay pumunta na ako sa aking kwarto at naligo na.
Kahit isang oras lang ay kailangan kong matulog kaya napagpasyahan kong matulog na muna.
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock at pagbangon ko ay nagtaka ako kung bakit maingay sa labas ng kwarto ko. Naghilamos muna ako at pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto.
Laking gulat ko na ang daming gwardiya ang nasa harapan ng pintuan namin sa labas ng bahay.
Napatingin naman ako kay mama at papa na malungkot na tumingin sa akin habang kaharap ang isang may edad na lalaking naka suit.
Lumapit si mama sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Siya si Mharie." Pagpapakilala naman ni mama sa akin sa kausap nila. Napatango naman siya kay mama at bumaling ulit si mama sa akin.
"Anak makinig ka." Sabi naman ni mama na ikinatango ko.
"Ano po yun ma? Bakit ang daming tao ?" Nagtatakang tanong ko.
Itutuloy...
Please vote and comments ❤️
BINABASA MO ANG
THE TRUE HEIRS PRINCESS
RomancePAANO KAYA KUNG ANG NAKAMULATAN MONG MUNDO AY HINDI PALA TALAGA SAYO? PAANO KUNG ANG TADHANA MISMO ANG PAGLALARUAN KA? PAANO KA LALABAN AT PAANO MO HAHARAPIN ANG MGA PAGSUBOK MO SA BUHAY? ANG MGA PANGARAP MO NOON AY BIGLA MO NALANG MAKAKAMTAN SA I...