Aeyu P.O.V
"Himala at nakapunta ka?" Tanong ni Kiel kay Kristine.
" Oo nga e, ang kulit kasi nitong si Jiro. At isa pa gusto kong makita at makilala ang nag iisang apo ni Emp." Sagot naman ni Kristine at ngumiti sa akin.
Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya.
"By the way sis, this is Janna. And Janna this is Kristine Mariam the half sister of Kiel. Magkasing edad lang sila. Pareho sila ng tatay but magkaiba ang mommy nila, kaya hindi namin kaano-ano si Kristine." Pakilala ni Bernard .
Tumango naman si Janna.
"Hi Janna , nice to meet you too." Sabi ni Kristine at nakipag shake hands kay Janna.
"Ako din." Alanganing sabi ni Janna.
"How's New York?" Pag iiba ng paksa ni Kiel.
"Good! Actually , the company there is so stressful! But I can manage. Alam mo naman na sa akin napunta ang company ni dad sa New York, kaya pinagbubutihan ko talaga. Sad to say na ilang araw lang ako mamamalagi dito sa bansa dahil hindi ko maaaring pabayaan ang company lalo na ngayon at may kumakalaban sa company natin." Mahabang pahayag nito.
"Godbless you." Yun lamang ang sabi ni Kiel kay Kristine na ikinangisi nito.
" Yes, I am very blessed Kiel. By the way can I go to powder room for a while?" Tanong nito na aming ikinatango.
Ngumiti naman ito sa amin atsaka tumayo."Please excuse me." Sabi nito at tuluyan ng umalis sa aming mesa.
Susundan na sana ni Jiro si Kristine ngunit biglang tumawag si Kiel.
"Jiro, please stay here to your fiancée." Biglang lumakas ang tibok ng aking puso sa sinabi ni Kiel at sa mga tingin nito kay Jiro ay parang may pinapahiwatig o guni-guni ko lamang iyon?
Third person p.o.v
Sa kabilang banda lingid sa kaalaman ng lahat pwera kay Kiel ay hindi sa powder room nagtungo si Kristine kung hindi sa garden kung saan madalas silang magkita ni Johnathan noong hindi pa siya ang may hawak ng company. Tatlong taon palamang ng hinawakan ni Kristine ang company at ngayon ay masasabi mong malaki na ang pinag unlad ng kanyang kumpanya sa pangangalaga nito.
Nagpalinga-linga siya sa paligid at nagtungo sa fountain , tanging ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag at ang buwan upang makita niya ang paligid.
Napatigil siya ng mahagip ng kanyang mga mata ang isang bulto ng taong nakatalikod sa kanya. Nakatingin ito sa fountain at tila malalim ang iniisip.
"Nathan." Mahinang tawag niya kay Johnathan ngunit sapat ng marinig ito ni Johnathan.
"Bakit hindi ka nagsabing uuwi ka pala?" Bakas ang hinanakit sa boses ni Johnathan habang nakatalikod parin ito sa kanya.
"Patawad, biglaan lang kasi. Kasi si Jiro ..." Hindi naituloy ni Kristine ang sasabihin.
"Jiro? Hanggang ngayon ba? Siya pa rin ang mahal mo?" Napatigil si Kristine sa tinanong ni Johnathan.
"Hanggang kailan mo ako papaasahin Tin?" Humarap ito sa kanya na puno ng mga luha ang mukha.
"Hindi totoo yan!" Dispensa ni Kristine.
"Anong totoo Tin? Naniwala ako sayo na mahal moko! Pero ano? Iniwan moko Tin para sa pangarap mong mahawakan ang kumpanya ng iyong ama. Sabi mo kapatid lang ang turing mo kay Jiro pero nakita kong hinalikan ka niya sa mismong harapan ko bago ka umalis ng bansa. Tapos ngayon? Siya lang nakakaalam na umuwi kana? Kailan pa?!" Sabi nito habang umiiyak na.
"Please let me explain Nathan. Please." Sabi ni Kristine at tumulo na rin ang kanyang mga luha.
"Magpapaliwanag ka? Tapos kasinungalingan nanaman! Araw-araw akong nagtiis na hindi kita nakasama, araw-araw mokong sinasaktan noon pang magkasintahan tayo ng patago! Bakit hindi mo kayang sabihin sa kanila na ako ang boyfriend mo? Dahil di ba baka masaktan si Jiro mo! Puro nalang si Jiro ang bukang bibig mo noon pa! Tapos sasabihin mong ako ang mahal mo?" Pinunasan ni Nathan ang mga luha at iniwang luhaan din si Kristine.
"Mahal na mahal kita Nathan. Kung hindi lang ako nangako sa mga magulang ni Jiro noon na hindi ko sasaktan ang anak nila ay hindi ako mahihirapan ng ganito. " Bulong ko at yumuko. Alam kong mahal ako ni Jiro noon pa dahil nagtapat na ito sa akin noong nasa high school pa lamang kami . Second year high school yun. Ngunit hindi siya ang gusto ko kung hindi si Johnathan.
Aeyu P.O.V
Pinakilala ako ni lolo sa ibang business partners niya at panay papuri ang natatanggap ko sa kanila.
Kakatapos lamang ng party at alas tres na ng madaling araw. Inaantok na ako at feeling ko pagod na pagod na ako. Umuwi narin lahat ng bisita at pati na rin sina mama,papa at Angelica. Naiwan naman si Janna na nirequest ko pa kay lolo at pumayag naman itong manatili si Janna kahit ilang araw lamang. Hindi nga pala nasiwalat ni lolo na fiancée ko si Jiro dahil naging busy ito sa pakikipag usap kanina tungkol za negosyo at mga ari-arian. Na aking ipinagpapasalamat ng malaki dahil hindi ko naman kayang saktan ang mokong na Jirong yun. Kita naman na may gusto ito dun sa Kristine na iyon.
Papasok na pala kami ni Janna sa kwarto ko ng mapansin kong bukas ang pinto na ikinalingon ko sa katabi ko na si Janna.
Pumasok kami at literal na napanganga kami sa aming nadatnan.
"Woah! Ang daming gifts!" Masaya at manghang sabi ni Janna.
"Paano tayo papasok niyan?" Inis kong sabi. Paano ba naman kasi nakaharang ang mga malalaking regalo sa daraanan namin. Ni maliit na space wala tapos kabundok pa! Hanggang ceiling tuloy ang mga gifts ko kuno! Nakakainis! Hindi ko naman kailangan ng mga maraming gifts sa ngayon! Ang kailangan ko ay matulog at magpahinga na! Huhuhu!
"Sa room ko nalang tayo matulog kung saan kami natulog kagabi ni Angelica? Bukas nalang natin buksan ang lahat ng iyan Aeyu." Napatango nalang ako sa sinabi ni Janna. May choice pa ba ako?
"Huwag kang mag aalala may mga pantulog naman doon." Dagdag pa nito na aking ikinangiti sa kanya at nagtungo na kami sa naging kwarto nila ni Angelica dito sa mansyon.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
THE TRUE HEIRS PRINCESS
RomancePAANO KAYA KUNG ANG NAKAMULATAN MONG MUNDO AY HINDI PALA TALAGA SAYO? PAANO KUNG ANG TADHANA MISMO ANG PAGLALARUAN KA? PAANO KA LALABAN AT PAANO MO HAHARAPIN ANG MGA PAGSUBOK MO SA BUHAY? ANG MGA PANGARAP MO NOON AY BIGLA MO NALANG MAKAKAMTAN SA I...