Aeiou P.O.V.
Naglalakad ako sa unang palapag ng mansyon at napapatingin sa mga nakablack suits na maskuladong naglalakad na may hawak na baseball bat. Nagroronda ang mga ito sa loob ng mansyon at ibang iba naman ay nakatayo sa bawat poste. Sobrang higpit ng securidad na aking ikinakaba. Paano ako tatakas upang makita sina mama at papa sa lagay na to? Napatingin naman ako sa mga pintuan sa labas at nakita ko ang apat na naka white suit na nagbabantay doon.
Naalala ko nanaman ang kanina na naligaw ako sa mansyong ito. Buti nalamang at may nakita akong maid at nakapagtanong ako. Binigay naman nito ang tamang daan kaya napadpad ako dito. Sobrang laki ng mansyon at tiyak lagi akong mawawala kapag di ko agad nakabisado ang bawat dinadaanan ko.
Napatingin naman ako kay Jiro na kadarating lamang at nagstop sa harapan ko. Napaangat pa nga ako ng tingin dahil matangkad ito.
"So, tara na?" Masungit na sabi nito. Napasimangot naman akong sumunod dito dahil naglakad na ito papalayo sa akin.
Inilibot niya ako sa buong mansyon at napatingin ako sa relo ko na nasa palapulsuhan ko.
Ang bilis naman ata ng oras? Isang oras na pala kaming naglilibot ng bahay?
Humarap naman ito sa akin na ikinatigil ko din sa paglalakad.
" Doon ang papuntang garden. Tara." Sabi nito at sinundan ko ulit siya.
Nang makalabas kami ng mansyon ay nagandahan ako sa garden na sobrang daming bulaklak. May mga rose, sampaguita, gumamela, sun flower at iba't ibang mga uri ng bulaklak. Napangiti ako ng malawak ng makitang may mini kubo sa gitna ng mga bulaklak. Parang nasa paraiso ako sa sobrang ganda. Dinaanan din namin ang isang fountain. Nangningning ang mga mata ko. Ngayon ay alam ko na kung saan kumukuha sina Water sa aking pagligo. Tumakbo ako papunta sa mini kubo at ng makarating ako doon ay tinanaw ko ang mga magagandang bulaklak.
"Wow! Ang ganda naman dito!" Sabik na sabi ko. Naramdaman ko naman umupo si Jiro sa tabi ko.
At dahil dinala ako ni Jiro nfayon dito ay kakalimutan kona na tinawag ako nitong Gold digger.
May mga maids naman na dumating at may dala ang mga ito ng steak. Inilagay nila ang mga steak sa lamesa nitong mini kubo at masaya akong kumuha ng tinidor at kutsilyo. At pinanood naman ako ni Jiro.
Kahit naman laking mahirap ako ay marunong din akong gumamit ng tinidor at mini kutsilyo no. Hiniwa ko ang steak at tinusok ko sa tinidor at kinain. Malapad ang ngiti ko ngayon. First time kong kumain ng steak!
"Ang sarap!" Bulalas na sabi ko. Napatingin naman ako kay Jiro na nag iwas ng tingin.
Binigyan ko naman siya ng steak dun sa plato niya at napatingin ito sa akin.
"Kumain ka din, alam kong napagod ka sa pagtutour sa akin dito sa mansyon. Salamat pala sa pagsama sa akin ha." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Kinuha naman niya ang tinidor at kutsilyo. Hihiwain na sana niya iyon ngunit mabilis niya itong binitawan at tumayo. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya.
"Enjoy yourself here." Sabi nito na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Naglakad na ito papalayo sa kubo at pumasok itong muli sa mansyon.
Napailing naman ako sa inasta niya.
"Ano kayang tumatakbo sa utak niya?" Nasabi ko nalang habang kinakagatkagat ang tinidor ko.
"Bahala na siya sa buhay niya." Sabi ko at kumain muli.
Tumayo na ako at nagpasyang pumasok ulit ng mansyon dito sa likod . Tinandaan ko naman ang mga dinaanan namin kanina ni mister sungit kaya mabilis naman akong nakarating sa kwarto ko. Friday na ngayon at bukas ay pupuntahan ko na sina mama at papa sa bago nilang bahay.
Inopen ko ang cp ko at pumunta sa Facebook. Swipe lang ako ng swipe at mapatigil ako kaka swipe down. Lumungkot ang aking hitsura ng makita ang bagong post ni mama.
Meron din silang Facebook . Ginawan ko sila noon nung may piso net pa sa amin.
Napatingin ako sa mga matatamis nilang ngiti ni papa. Napabuntong hininga naman ako.
Masaya na sina papa sa bago nilang anghel. Yes! May bago na silang anak. Siguro ay tinulungan sila ni lolo sa pagpapaproseso ng mga papeles kaya agad nilang naiuwi ang batang babae. Ang ganda ng batang babae at may dimples din ito katulad kay Kiel.
Bukas ay makikita ko na ng personal ang bagong anak nila papa at mama. Masaya pa rin ako kahit papaano dahil hindi na sila malulungkot dahil may magpapasaya na ulit sa kanila. Hindi na rin mag tatrabaho ang bata dahil may pera na sina mama at papa.
Pinusuan ko naman ang picture nila. Maya-maya'y may nagvideo call. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago sinagot iyon."Hello po mama at papa." Nakangiting bungad ko sa mga ito.
"Hello anak! Sa wakas at nakita ko na rin ulit ang mukha ng dalaga namin. Nakita mo na pala si Angela? Siya ang bago kong kapatid anak." Masayang sabi ni mama.
"Oo nga anak at bibong-bibo din ang batang iyon. Limang taong gulang pa lamang siya." Nakangiting sabi din ni papa. Nababakas sa mga mata nila ang saya.
"Happy po ako ma, pa at may kasama na kayo sa bahay." Sabi ko sa mga ito habang nakangiti.
"Oo anak , ang sipag pa ni Angela, alam mo ba na tinatanong niya kung saan ka na daw. Ate nga ang tawag sayo." Sabi naman ni Mama.
"Pa hi nalang po ako sa kanya mama ,papa. Marami pa po pala akong gagawin. Ibababa ko na po ang video call." Nakangiting sabi ko.
"Oo anak, huwag masyadong magpakapagod ha, kumain ka sa tamang oras at isa pa bantayan mo ang kalusugan mo okay. Mag iingat ka." Sabi ni papa.
"Bye anak!" Sabi naman ni mama habang kumakaway pa.
"Magluluto si mama ng masasarap na pagkain bukas ha. Hintayin ka namin! " Padagdag pang saad ni papa.
"O-opo , sige na po pa ma." At binaba ko na ang video call. Linagay ko ang cellphone sa aking tabi at tuluyan ng pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Tahimik lamang akong umiiyak at katalukbong sa kumot. Maya-maya'y ginupo ako ng antok...
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
THE TRUE HEIRS PRINCESS
RomancePAANO KAYA KUNG ANG NAKAMULATAN MONG MUNDO AY HINDI PALA TALAGA SAYO? PAANO KUNG ANG TADHANA MISMO ANG PAGLALARUAN KA? PAANO KA LALABAN AT PAANO MO HAHARAPIN ANG MGA PAGSUBOK MO SA BUHAY? ANG MGA PANGARAP MO NOON AY BIGLA MO NALANG MAKAKAMTAN SA I...