Aeiou P.O.V.
"Actually, hindi naman po mahirap turuan si miss A-YU. Nag eenjoy nga po kami habang tinuturuan siya e." Masayang sabi ni? Teka boses ni miss Min yun ha!
Bago ako pumasok sa silid ni Emp ay sumilip muna ako doon. Nandoon ang apat at nakauwi na nga si Emp. Nandoon din ang tatlo kong tutors na masayang nakikipagkwentuhan kay Lolo.
Nagmadali kasi akong bumangon kanina ng malaman kong nakauwi na si lolo. Patapos na rin ang May at matagal tagal ko ng namimiss si lolo.
"Ahaha, ang apo kong yun! Mana talaga sa lolo." Proud na sabi ni lolo na ikinataas ng isa kong kilay.
Talaga lang ha?!
"Tapos na po kami sa pag tututor sa kanya this month Emp. Next month ay once a month nalang namin matututukan si Princess." Sabi naman ni sir Benedict.
Tumango-tango naman si Emp habang ang apat ay nakaupo din at nakikinig sa usapan nila lolo.
"Alam ko, maraming salamat sa pagtutok sa apo ko habang wala ako sa mansyon. Alam ko ding busy kayo dahil sa mga suliranin ninyo ay inabala ko pa kayo." Sabi naman ni lolo.
"Nagagalak nga po kaming turuan si Princess Emp. Mabait na bata." Sabi ni Sir Gregorio.
Ngumiti naman si Emp." Alam kong hindi ninyo pababayaan ang aking nag iisang apo kaya ko kayo napiling magturo sa kanya. And in the future sana ay gabayan niyo pa rin siya kung sakaling hawakan niya ang kumpanya." Nagtanguan naman ang mga ito na ikinakunot naman ng aking noo. Hahawakan ko ang kumpanya? Ngunit hindi ba pipili si lolo ng successor sa apat?
"Hi miss A-YU. Aalis na kami." Nakangiting sabi ni miss Min na nasa harapan ko na ngayon. Napaayos naman ako ng tayo at nag smile sa kanila.
"H-hello po mga prof. Mag iingat po kayo at salamat po sa pagtuturo sa akin." Sabi ko sa mga ito. Nagtanguan naman silang tatlo.
"No problem, if you need our help ,just call us ,okay?" Napatango naman ako kay Miss Min at naglakad na sila palayo ng silid ni lolo.
"Apo?!" Nataranta naman ako sa tawag ni lolo at pumasok sa silid.
"H-hi po lolo." Sabi ko sa kanya.
"Kanina ka pa sa pintuan?" Naniningkit na mata nito.
"Kaninang konti lamang po ." Sagot ko.
"So? Narinig mo lahat ng pinag usapan namin?" Seryosong tanong ni lolo na ikinalunok ko.
"K-konti lang po lo." Utal na sabi ko.
Bigla naman lumiwanag ang mukha niya at tumayo sa kinauupuan nito. Humakbang ito papalapit sa akin habang nakangiti na ngayon. Ang weird talaga ni lolo.
"Namiss kita apo." Masayang sabi nito at yinakap ako. Napayakap din ako dito. Pagkatapos ay kumalas na ito at pinagmasdan ang kabuuan ko.
"Ang laki ng ipinuti ng apo ko. Hindi ka na rin buto't balat. Bagay na bagay yang red dress at hairclip sayo." Hindi ko alam kung pinupuri ba ako ni lolo o kinukutsya e.
"Kamukhang kamukha mo ang iyong ina." Sabi nito.
"May picture po ba kayo sa mommy ko?" Tanong ko kay lolo.
"Oo naman apo! Jeorge!" Tawag naman ni lolo kay Jeorge .
"Opo." Sabi ni Jeorge at lumakad na sa table ni lolo at kinuha ang picture frame. Napalapit naman ang apat na lalaki sa amin.
Ibinigay ni Jeorge ang picture frame kay lolo at ipinakita ni lolo sa aming lima ang mukha ni mama na aking ikinalaki ng mga mata.
Actually, tatlo ang nasa larawan at kabilang na ako doon nung baby pa ako. Mga months palang siguro ako doon.
BINABASA MO ANG
THE TRUE HEIRS PRINCESS
RomancePAANO KAYA KUNG ANG NAKAMULATAN MONG MUNDO AY HINDI PALA TALAGA SAYO? PAANO KUNG ANG TADHANA MISMO ANG PAGLALARUAN KA? PAANO KA LALABAN AT PAANO MO HAHARAPIN ANG MGA PAGSUBOK MO SA BUHAY? ANG MGA PANGARAP MO NOON AY BIGLA MO NALANG MAKAKAMTAN SA I...