MHARIE P.O.V.
"ANAK , LAGI MONG TATANDAAN NA MAHAL NA MAHAL KA NAMIN NG PAPA MO HA." NAIIYAK NA SABI NITO SA AKIN.
Ako naman ay naguluhan sa sinabi niya.
"Alam ko naman pong mahal na mahal niyo po ako mama, papa." Seryoso kong sabi.
"Siya si butler Jeorge ang butler ng lolo mo." Napatingin naman ako sa lalaking tinuro ni papa.
"Lolo ko po? May lolo pa po ako? Hindi po ba at patay na ang mga magulang ninyo ma, pa?" Naguguluhan kong tanong. Sabay naman silang tumango at humagulgol naman silang dalawa ng malakas.
"Huwag po kayong umiyak, ano po bang nangyayari?" Kinakabahan na tanong ko. Hindi maganda ang aking kutob sa nangyayari.
"Hindi nak , sabi mo gusto mong maging mayaman? Sabi mo di ba pangarap mong makaalis sa lugar na ito?" Sabi ni mama.
"Opo ma na kasama po kayong dalawa." Umiling naman sila sa sinabi ko.
"Si butler Jeorge ay matagal ng nagpapa embistiga sa pamilya natin. Nalaman nila na hindi ka namin totoong anak." Sabi nito na aking ikinabigla.
"Anak niyo po ako ma, pa , di ba? Galing po ako sa inyo?" Tumulo bigla ang aking luha at yinakap si mama at papa.
"Anak, makinig ka, hindi kami ang iyong totoong mga magulang. Napulot ka lang namin sa damuhan noon." Sabi ni mama.
Ako naman ay nailing sa sinabi ni mama."Hindi po totoo yan ma! Kayo po ang tunay kong mga magulang." Muli ay humagulgol silang dalawa.
"Totoo ang sinasabi ng iyong ina anak, nakita ka lang namin sa damuhan nung magsasaka pa ako. Ibibigay ka sana namin sa ampunan kaso wala din kaming anak, hindi kami magkakaroon ng anak dahil sa kondisyon ng iyong ina." Sabi ni papa habang pinapahid ang mga luha nito sa kanyang mga kamay.
"Ngayon na nandito na ang tunay mong kadugo ay kailangan ka na naming ibalik sa mga totoo mong pamilya." Hagulgol na sabi ni papa. Lumuhod naman ako sa harap nila na kanilang ikinabigla.
"Sabihin niyong prank lang to ma,pa ! Ayoko ng ganitong biro. Masakit!" Sabi ko sa kanila habang na luhod sa harapan nila.
"Yan ang katotohanan anak, wala na tayong magagawa pa." Sabi ni mama.
"Kunin niyo na siya butler Jeorge." Nakayukong sabi ni papa.
"Ma, pa please huwag niyo akong ipamigay! Hindi ko sila kilala ! Ma! Pa! " Hagulgol na sabi ko at inalalayan na ako ng mga nakablack na suit at binuhat nila ako papunta sa sasakyan.
"Ma! Pa!" Nagpumiglas ako ngunit wala pa rin effect. Hanggang sa madala nila ako sa loob ng sasakyan. Mga ilang sandali lamang ay dumating si butler Jeorge.
"Ms. Mharie ayusin niyo na po ang inyong sarili dahil magkikita na po kayo ng inyong totoong lolo." Sabi nito.
Muli ay tinanaw ko ang bahay mula sa aking kinauupuan dito sa sasakyan at dahan-dahang pinahid ang aking mga luha.
"Ma, pa pangako ko po na babalik ako. Babalikan ko po kayo." Sabi ko naman sa sarili ko at bigla nalang umandar ang sasakyan. Nauna na ng umandar ang dalawang motor sa aming harapan pagkatapos ay kami at napatingin ako sa likod na may nakasunod ding dalawa pang car na itim. Napabuntong hininga naman ako.
Habang nasa byahe ay nakatingin naman ako sa labas ng biglang may naalala ako.
"Manong Jeorge, may pasok pa po ako sa trabaho e." Napatingin naman ito sa akin. Nasa front seat kasi siya kasama ang driver.
"Ms. Mharie hindi na po kayo pwedeng magtrabaho utos po ng inyong lolo." Sabi naman nito.
"Pero."
BINABASA MO ANG
THE TRUE HEIRS PRINCESS
RomansaPAANO KAYA KUNG ANG NAKAMULATAN MONG MUNDO AY HINDI PALA TALAGA SAYO? PAANO KUNG ANG TADHANA MISMO ANG PAGLALARUAN KA? PAANO KA LALABAN AT PAANO MO HAHARAPIN ANG MGA PAGSUBOK MO SA BUHAY? ANG MGA PANGARAP MO NOON AY BIGLA MO NALANG MAKAKAMTAN SA I...