Aeiou P.O.V.
July 2 na! Omy! Ang bilis ng panahon at bukas na ang aking kaarawan. Sobrang dami na talaga ng nagbago sa buhay ko ngunit masaya ako dahil kumpleto ang pamilya ko na darating. Excited ang lahat di lang ako lalo na si Emp na abala sa kwarto nito habang sina Jeorge at Water naman ay abala sa pag aayos sa gaganaping kaarawan ko bukas. Abala silang lahat sa pag aayos at paglalagay ng kung anu-anong dekorasyon sa first floor nitong mansyon. Nakangiti lamang akong sinusundan ng tingin ang mga tao sa paligid. Napag alaman ko din na abala ang apat sa pagbibigay ng imbitasyon sa mga kilalang mga tao. First time kong maranasan ito kaya kinakabahan ako at umaapaw ang kaligayahan sa aking puso. Humigop ako ng hangin at binuga ito sa aking bibig. Tila ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Napakaganda ng debut ko! Napangiti ako ng salubungin ko si Janna na nakangiting papunta sa akin at ang mga kinilala kong mga magulang. Palinga-linga pa ang mga ito kasama si Angelica.
"Ito na ba ang mansyon niyo Aeyu? Napakalaki at napakaganda!" Nakanganga pa si papa at mama ng sabihin ni mama iyon. Napangiti naman ako kay mama at tumango. Hindi ko naman sila masisisi sa reaksyon nila dahil kahit naman ako ay nag aadjust pa sa lugar kahit ilang months na ako dito paminsan minsan ay naliligaw pa rin ako dito sa mansyon. At isa pa ngayon lamang nakatungtong sina mama at papa sa mansyon ni lolo.
"Ate ang yaman niyo po pala sobra!" Napa "o" pa ang bibig nito habang nakatingin sa chandelier sa tapat ng hagdanan.
"Hindi naman ako mayaman kundi si lolo." Napakamot pa ako ng batok sa sinabi ko. Totoo naman kasi na hindi ako ang mayaman kundi si lolo.
Abala pa rin sila sa pagtitingin sa bawat sulok ng mansyon ng tumikhim si Water at Jeorge sa aking tabi. Napaayos naman ang mga kinilala kong magulang ng tayo.
"Ihahatid na po namin kayo sa magiging kwarto niyo ngayong gabi." Nakangiting sabi ni Jeorge sabay bow sa mga magulang ko. Nagpanic naman ang hitsura nila.
"A, e, maraming salamat." Mama
"Salamat, salamat." Papa na yumuko din kay Jeorge.
Hinawakan naman ni Janna ang aking mga kamay.
"Sabi kasi ni Emp na dito muna daw kami matutulog upang maayusan bukas. Bukas ng gabi din ay uuwi kami." Nakangiting sabi ni Janna na nakatingin sa akin. Siguro ay nakita niya ang pag awang ng aking bibig dahilan upang magpaliwanag ito. Napangiti naman ako ng malawak sa sinabi niya.
Sinundan namin sina Water at Jeorge na silang magtuturo sa magiging kwarto nila mama at papa. Pagkatapos ay kay Angelica at Janna na sobrang manghang mangha sa nakikita . Hindi mawala wala ang aking ngiti sa aking labi. Mamaya ay hahanapin ko si lolo upang magpasalamat ng personal sa kanya. Napakabuti ng kalooban niya at inaalala pa kami nina mama,papa, Janna at Angelica kahit sobrang busy na nito sa mga business niya at sa paghahanda.
Kumain kami nina mama,papa, Angelica at Janna sa silid kainan at manghang mangha sila sa napakalaking lamesa sa aming harapan, lalo na sa mga nakahaing pagkain sa lamesa. Alam ko rin naiilang sila sa mga helpers na nakatayo at pinagmamasdan kami sa pagkain. Ngunit di na sila nagsalita at kumain nalang ng tahimik. Pero hindi parin nakatakas sa akin ang tingin nila sa mga kasama naming nakatayo kaya sinenyasan ko sila na lumabas at lumabas naman sila. Kaya kami nalang ang natira.
"Pasensya na po dahil ganyan po talaga kami kumakain dito." Nahihiyang sabi ko kina mama.
Umiling naman silang lahat.
"O-okay lang anak, hindi lang siguro talaga kami sanay na may nakabantay sa paligid." Masayang sabi ni mama pero halatang kinakabahan.
Napangiti naman ako kay mama.
"Wala na po sila, kaya kumain na po tayong lahat , wag na pong mahiya hihihi." Sabi ko sa kanila at ngumiti naman sila sa akin bago kumain ng masagana.
Natapos kaming kumain at dumeretso sila sa kanilang mga kwarto at ako ay may pupunthan muna.
Lumabas muna ako ng mansyon at nandito ako sa likod sa may garden, nakatanaw lamang sa mga bulaklak habang nakangiti.
Napahawak ako sa cp ko ng magvibrate ito sa aking bulsa. Kinuha ko ito at itinapat sa aking mukha. Napakunot noo ako ng mag appear ang pangalan ni Jiro sa screen ng aking cellphone . Agad ko naman binuksan ang mensahe niyang ipinadala sa akin.
Jiro sungit:
Hi! Nakasave ka kasi sa cp ni Jiro, ikaw lang ang babaeng nakasave sa cp niya bukod sakin. Ikaw ba ang apo ni Emp? Gusto na kitang makita at makilala. See you tomorrow...
"Huh?" Nasabi ko nalang. May kasamang babae si Jiro?
Napahawak naman ako sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ngayon dahil parang sumisikip ang aking dibdib.
Siya kaya ang laging katext ni Jiro habang nakangiti ito? Kaano ano siya nito?
"Aeyu!" Napatingin ako sa may likuran ko at nakita kong papunta sa tabi ko si Kiel. Pilit naman akong napangiti ako dito.
"Tapos na kayong magbigay ng invitation?" Tanong ko dito ng makalapit ito sa kinaroroonan ko.
Napangiti naman siya ng malapad sa akin.
"Oo, katatapos lang namin ni Bernard. Masyado kasing late na ng pagbibigay ng invitation sa ibang mga naglalakihang isda e. Hahaha." Sabi nito habang kinakamot ang ulo niya.
"Oo nga. Masyado kasing naging busy si lolo at tayo naman ay naging busy sa school. '' sabi ko naman.
"Kasama pala ni Bernard ngayon si Janna, tumutulong sa pag oorganize ng stage." Napangiti ako ng malapad dito.
"Maraming salamat sa mga effort ninyo." Masayang sabi ko.
"Naku, wala yun princess. Para sayo gagawin namin ang lahat para mapasaya ka lang." Sabi nito at inilagay nito ang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga. Napakagat naman ako ng labi .
"Namumula ka! Ayos ka lang ba?" Napayuko ako sa sinabi niya.
"O-oo ayos lang ako." Sabi ko dito. Hinawakan naman niya ang aking noo sa likod ng palad niya.
"Hindi ka naman mainit." Sabi nito. Napalayo naman ako ng konti sa kanya.
"A-ano ka ba Kiel, ayos lang talaga ako. Sige pupunta muna ako sa k-kwarto ko." Sabi ko dito at napatakbo naman ako papasok ng mansyon.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
THE TRUE HEIRS PRINCESS
RomancePAANO KAYA KUNG ANG NAKAMULATAN MONG MUNDO AY HINDI PALA TALAGA SAYO? PAANO KUNG ANG TADHANA MISMO ANG PAGLALARUAN KA? PAANO KA LALABAN AT PAANO MO HAHARAPIN ANG MGA PAGSUBOK MO SA BUHAY? ANG MGA PANGARAP MO NOON AY BIGLA MO NALANG MAKAKAMTAN SA I...