PART 4

15 2 0
                                    

MHARIE P.O.V

Itinuro naman ni Jeorge ang isang picture na ako mismo iyon at nakasandong puti lamang ako. Pinakita nito ang balat ko sa likod .

"Paano kayo nagkaroon ng picture ko?" Tanong ko dito.

"Nothing is impossible kay lolo." Sabi naman ng matandang nasa tabi ko.

"A-ang dami ng taong may balat hindi ba bakit ako ang tinuturo niyong apo niyo?" Tanong ko kay emp.

"Ms. Mharie totoong may mga taong may balat sa likod ngunit kakaiba ang iyong balat. Heart shaped ito na may tatlong nunal na nakapaligid sa iyong balat." Pagpapaliwanag naman ni Jeorge.

Umupo naman sa side namin ang apat na lalaki.

"Ilang taon kitang hinanap apo. Hindi ako tumigil sa paghahanap sayo. Ikaw nalang ang natitirang kadugo ni lolo. " Sabi naman ni emp.

"Paano po ba nawala ang apo ninyo? " Tanong ko dito. Aba! Malay ko ba! Wala naman kaming tv para makilala siya at makilala ang buhay niya.

Bumuntong hininga naman ito.

"Apo 16 years ang nakakaraan ng magbakasyon ang iyong mga magulang kasama ka. Isang taong gulang ka lamang noon at dinala ka nila sa France. Mga ilang araw ay tumawag ang iyong ina na umiiyak. Ang sabi niya ay kinuha ka daw nung bagong pasok na maid. Hinanap namin ang maid na iyon ngunit hindi namin nakita. Ilang linggo pa at nanatili sila doon habang ako ay kumuha ng private investigator upang matukoy ang kinalalagyan mo ngunit walang lead kung saan ka na at nakita namin ang kumuha sayong malapit ng mamatay. Nagsorry pa ito sa mga magulang mo at nautusan lang daw siya ng kaaway. Bago sabihin nung kumuha sayo kung sino iyon ay nalagutan na ito ng hininga." Kwento ni emp habang tumutulo ang luha.

"Mga ilang araw, buwan at taon pa ang dumaan hindi ako nawalan ng pag asang makikita pa kita. Marami man ang nagpakilalang ikaw sila ay hindi pa rin ako naniwala hanggang sa nakita ka ni Jeorge at pinaembestigahan ka namin. Tumutugma ang lahat saiyo.

Nanatili lamang akong nakikinig sa kwento niya.

"O sha. Pa gabi na pala at maligo ka muna iha pagkatapos ay dumiretso kana sa dining area.

"Jeorge , ihatid mo muna ang apo sa kwarto ko niya." Sabi naman ni emp.

"Yes Emp." Sabi nito at yumuko ito kay lolo at lumakad na kami palabas ng silid ni lolo. Napatingin naman ako sa Office sa silid ni lolo habang palabas ng silid nito.

Habang tinatahak namin ang aking magiging silid daw ay napapahanga ako sa mga mamahaling vase na naka display sa dinadaanan namin.

Nang makarating sa pintuan ng aking magiging kwarto ay binuksan agad ito ni Manong Jeorge.

"Manong Jeorge." Tawag ko dito.

"Jeorge nalang po miss." Sabi naman nito na ikinatango ko naman.

"Jeorge asan po ang mga magulang ko ngayon? I mean yung mga totoo ko pong mga magulang?" Tanong ko dito.

"Patay na po sila miss. Namatay sa car accident." Nakayukong sabi ni Jeorge. Napatakip naman ako ng bibig.

"A-anong ikinamatay nila?" Tanong ko dito at hindi pa nag sisink in sa utak ko ang car accident na sinabi ni Jeorge.

"Car accident po miss." Pag uulit naman ni Jeorge.

"Heto na po ang inyong magiging kwarto mula ngayon. Huwag na rin po kayong mag alala sa mga nagpalaki sa inyo dahil binigyan na po ni emp ng malaking bahay at napakaraming pagkain ang inyong mga nakagisnang magulang. Binigyan din po sila ng 10 milyon ni Emp." Napanganga naman ako sa sinabi ni Jeorge.

THE TRUE HEIRS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon