PART 16

5 0 0
                                    

Aeiou P.O.V.

"Ikaw ba talaga ang may gawa ng cake A-yu sobrang sarap!" Sabi ni Janna habang sumusubo ng cake. Inislice ko naman ang malaking cake na gawa ko at inilagay ang iba sa mga platito at ibinigay sa apat na lalaking nasa likod ngayon.

Nandito pala kami sa cine room. Ngayon ko nalang din nalaman na may ganito pala sa amin e. Sabagay, ano pa bang aasahan dito sa mansyon? Sobrang laki kaya hindi imposible.

"Ang sarap nga little princess." Nakangiting sabi ni Kiel habang sumusubo ulit. Napasmile din akong kita ang mga ngipin. Ang sarap sa pakiramdam na kahit first time mo lang magbake ay nagustuhan naman nila agad.

"Salamat." Nakangiting sabi ko. Well, wala naman akong pakielam kung babaero si Kiel, buhay naman niya yan e. So why bothered diba? At isa pa he's old enough para malaman ang tama at mali.

Napatingin naman ako sa kalahati ng cake at napangiti. Nagustuhan kaya nina lolo, Jeorge at Water ang ginawa ko? Kanina kasi hinati ko at ipinaabot kay lolo. Sabi naman ng isang helper ay masaya daw si lolong tinanggap iyon.

"Ano bang gusto niyong panoorin?" Tanong ni Bernard na ikinalingon naming dalawa ni Janna.

"Gusto ko kasi mga ancient movies!" Sabi ni Janna. Naalala ko naman yung nakita ko sa fb kanina na FAKE PRINCESS. Sa tingin ko maganda yun.

"May FAKE PRINCESS ba?" Tanong ko sa mga lalaki sa likod.

"Meron." Nakangiting sabi ni Kiel.

"Pangit yun." Napaawang pa ang bibig ko ng magsalita si Johnathan. Akala ko nga ay pipi ito ngunit hindi pala. Trip lang siguro niya ang hindi magsalita.

"Okay na yun, maganda daw yun sabi nung isang classmate namin nina little princess e. Papanoorin natin!" Masayang sabi ni Bernard. Okay awkward na! May tumutol at may nagpupumilit!

"I think okay naman suggestion ni little princess." Sabi ni Kiel na ikinasimangot naman ni Johnathan.

"Tss." Narinig ko naman si Jiro na nagsabi nun at tumayo, tumayo din si Johnathan at naglakad papuntang hagdan.

"Hindi ba kayo manunuod?" Tanong ni Bernard . Umiling lang sila at binuksan ang pinto at lumabas ng cine room.

"Pagpasensyahan niyo na sila ha." Sabi ni Kiel at napatango nalang kami ni Janna .

Nagplay naman ang FAKE PRINCESS at doon natuon ang atensyon namin.

Pagkalipas ng mga oras ay di pa rin natatapos dahil hanggang Part 27 ito! Tapos mahigit 50 mins kada part kaya napatingin ako sa relo ko at nakita kong mag aala singko na ng hapon! Parang ang bilis ata ng oras.

"Huwag kang mag alala nakapagpaalam na ako kay mama kanina na dito matutulog. Pumayag naman siya." Bulong ni Janna na ikinangiti ko.

Napaunat naman ako at napatingin sa mga helpers na nagsipasok at may dala ang mga ito ng mga pagkain. Hinihila nila ang lamesang di-gulong at maraming nakahandang pagkain ang naroroon. May mga kubyertos at mga plato na rin. May tubig at gatas. Hindi maalis ang glutathione at collagen na hawak ni Water. Ibinigay muna nito ang mga iyon sa akin kasama ang basong may laman na tubig. Ininom ko naman agad iyon.

"May sakit ka ba?" Alalang tanong ni Janna na sa akin pala nakatingin. Napailing at napangiti naman ako sa kanya.

"Glutathione at collagen lang ang mga yun." Sabi ko sa kanya. Napatango naman ito sa sinabi ko.

Lumapit naman sa tabi ko si Kiel at sa tabi ni Janna naman ay si Bernard. Masaya kaming kumain habang nanonood. Napakaganda ng palabas at napakasarap ng mga pagkain tapos dito pa matutulog si Janna! Ang saya!

Dahil tutok kami sa palabas ay hindi namin namamalayan ang aming bawat pagsubo. Namalayan nalang namin na ubos na pala ang mga dala ng mga helpers. Napahagigik kaming apat dahil sa aming katakawan.

"Hindi ko lubos maisip na mauubos nating apat ang napakaraming pagkain na iyon." Manghang sabi ni Kiel.

"Oo nga." Ngiti ko rin sabi. Napatingin naman si Kiel sa mukha ko at itinaas nito ang kanyang kamay. Pinahid ng daliri nito ang aking tabing labi na aking ikinatulala sa kanya. Ibinaba nito ang kamay at ngumiti ng malapad.

"May dumi ka sa mukha." Sabi nito na aking ikinapula. Nakakahiya!

"W-wala na bang dumi?" Utal na tanong ko. Umiling lang siya at bumaling sa aming pinapanood. Muli ay tinitigan ko ang mukha nito habang naka side sa akin.

Bakit ganun? Ganyan ba talaga siya sa lahat ng babaeng nakakausap at mga kaibigan niya? Napayuko ako at pasimpleng uminom ng tubig. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na ang mga helpers at sa wakas ay tapos na rin ang aming pinapanood. Actually nagskip kami ! Sa sobrang haba kasi aabutin pa kami hanggang bukas kaya minabuti na namin ii-skip iyon.

Tumayo na kami.

"Matutulog na ba kayo little princess?" Tanong ni Kiel. Umiling naman ako.

"Hindi pa. Tuturuan ko pa si Janna sa mga next na pag aaralan namin sa school para maka advance study din siya katulad ko." Napatango-tango naman sila sa sinabi ko.

"Alis na kami! Goodnight!" Hindi ko na sila pinagsalita at hinila ko na si Janna papunta sa aking silid. Excited akong turuan siya.

Nang makapasok kami ay kita ang mangha ni Janna sa buong lugar at lalo na sa kwarto ko na nilibot libot pa nito ang bawat sulok.

"Ang ganda naman ng bahay at kwarto mo Ae-yu grabe! Sinlaki ng kwarto mo ang bahay namin!" Namamanghang sabi nito. Pumasok naman sina Water at pinaliguan kami ni Janna. Kahit tutol si Janna ay wala na itong magawa kung hindi sumunod.

Nang matapos kami at nakapantulog na ay humiga si Janna sa kama ko.

"Napakalambot!" Sabi niya at ngumiti lamang ako dito.

"Grabe pala talaga, may taga ligo ka pa! Daig mo pa ang prinsesa Ae-yu! Ang bango ng mga bulaklak na pinaligo nila sa atin, feeling ko tuloy na ang bango-bango at ang linis linis ko!" Sabi nito at umupo sa higaan ko.

Hinanda ko naman ang mga paper na ididiscuss ko kay Janna.

"Kahit din ako nung una ay nanibago pero habang tumatagal ay nakakasanayan na." Mahinahon na sabi ko habang inilalapag ang mga questionnaires sa aking study table. Tumabi naman ito sa akin at nag umpisa na kami sa mga aralin na ituturo ko sa kanya.

Itutuloy.....

Kanino kayo boto? Kay Kiel ba  o kay Jiro? Hihihihi... Please vote, and comments guys Labya❤️❤️❤️❤️😚

THE TRUE HEIRS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon