PART 13

7 1 0
                                    

Aeiou P.O.V.

"Ahm, salamat." Tipid Kong Sabi kay Jiro na nakaupo ngayon sa hagdan . Dito ako dinala ni Jiro kanina isa itong fire exit na walang nagagawing tao dito. Nakatayo lamang ako sa harapan niya .

"Kung maaari ay huwag mong kakausapin si Kiel dito sa school." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Bakit naman?" Tanong ko dito.

"Nakita mo naman ang mga babaeng matatalim ang tingin sayo di ba?" Sabi niya sa akin. Napatango naman ako.

"Dito sa school kilalang-kilala tayong lima dahil kay Emp at sa mga magulang namin. Lalo na si Kiel dahil marami na itong naging kasintahan at wala man lang nagtatagal na babae sa kanya. Hindi ko siya sinisiraan sayo dahil pinsan at kaibigan ko siya ngunit kung maaari lamang ay huwag kang lalapit sa kanya. Maraming naghahabol na babae sa kanya at marami ng na bully dahil sa simpleng pag uusap lamang sa kanya." Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.

"Playboy ba siya? Ngunit wala naman sa hitsura niya." Takang tanong ko.

"Believe me or not he is." Tumayo na ito at iniwan akong nakatulala sa sinabi niya.

"Totoo ba?" Tanong ko sa sarili. Para kasing ang hirap paniwalaan e. Sa harapan ko ay parang mabait naman siya at may respeto sa mga babae. Ngunit base sa nakita ko kanina ay totoo nga ang sinabi ni Jiro sa akin. Madalang lang naman magsalita ng mahaba si Jiro kaya paniniwalaan ko siya at iiwasan ko si Kiel dito sa school . Mahirap na no! Baka ako ang susunod i bully ng mga students dito.

Napatingin naman ako sa gintong relo ko at napalaki ang aking mga mata .

Naku! Malelate na ako sa susunod na klase!

Dali-dali akong tumakbo papasok sa loob at tinahak ang daan papuntang room ko! Naku naman! Bakit ang layo naman ata?! Binilisan ko ang aking takbo at napatigil na lamang ako at huminto sa harapan ng pintuan ng aking room. Dahan-dahan ko itong binuksan at pumasok. Ngunit napatigil ako dahil sa akin nakatingin ang buong klase at ang prof. Halatang napatigil ito sa pagtuturo.

"Ehem, miss Ae-yu take your seat na po. " Sabi ng prof namin. Ngunit di man ako natinag sa sinabi niya.

"Pasensya na po at nalate ako prof." Sabi ko at yumuko. Nataranta naman ang prof sa aking harapan at hinawakan ako nito sa magkabilang braso at pinatayo ng tuwid.

"Wala namang kaso sa akin yun iha, basta sa susunod ha wag mo ng uulitin? " Kinakabahang sabi nito sa akin at iginaya ako nito paupo sa aking upuan at umupo naman ako.

"Opo." Nakangiti kong sabi. Napatingin naman si prof sa aking likod at nagsorry ito kay Bernard. Napatingin na rin ako kay Bernard na may halong pagtataka. Okay, what's going on?

Napatango nalang si Bernard at pumwesto na si prof sa harapan naming mga students at nanginginig na binuksan ang librong kanina pa nito hawak.

Muli ay napatingin ako kay Bernard at nakangiti lamang ito sa akin. Inirolyo ko ang aking mga mata at nakinig na lamang sa prof namin na nagpatuloy na lamang sa kaka - discuss.

Nang matapos itong nagturo ay dali-dali itong lumabas.

"Hinanap ka namin kanina Ae-yu ." Sabi ni Janna at napatingin ako sa kanya. Napanguso naman ako sa sinabi niya.

"Ako nga ang naghanap sa inyo e." Napapalabi kong sabi. Bigla naman akong yinakap ni Janna.

"Sorry na, kaalis mo kasi ay sumunod ako dahil naiihi na rin ako. Ngunit pagpasok ko sa cr wala naman katao-tao." Sabi nito.

"Baka nagkasalisi lang tayo." Sabi ko nalang. Ganito to pag naglalambing e at nagsosorry . Yinayakap muna niya ako.

"Sorry." Sabi nito. Napangiti naman ako sa kanya at hinawakan ang isa niyang kamay. Kumalas naman ito sa pagkayakap sakin. Ngayon ay pareho na kaming nakangiti.

"Princess , san ka ba nanggaling?" Napabaling naman ang tingin namin sa likuran ko.

"Nakita ko si Kiel at si Jiro habang hinahanap kayo." Sabi ko nalang.

"Ah kaya pala nagtagal ka pa." Sabi nito.

"Bernard, bakit ganun nalang ang kaba ni prof kanina?" Naalala ko tuloy ang kaninang inakto ng professor.

Linagay naman niya ang dalawang kamay niya sa kanyang lamesa at diretsong nakatingin sa akin.

"Takot lang siyang mawalan ng trabaho." Walang ganang sabi nito ngunit kumunot noo naman ako.

"Ha? Bakit? Ako naman ang may kasalanan ha." Taka ko.

"Hindi pa ba nasasabi ni Emp sayo na sainyo ang paaralang ito? I mean sa mga magulang mo." Sabi naman nito na aking ikinagulat. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon magmula kahapon? Ibang iba kasi ang binibigay na atensyon sa akin ng mga tao dito. Kaya pala. Sina mom at dad ang may-ari ng school na ito.

"Ngunit wala na sila kaya si Emp muna pansamantala ang may hawak nitong school ngunit hindi rin magtatagal ay ikaw na ang hahawak sa iyong pagtatapos ng kolehiyo." Dagdag pa ni Bernard na aking ikinatahimik.

"Wait, pwede bang magtanong?" Tanong ni Janna.

"What is it baby?" Agad na tanong ni Bernard na ikinapula ng pisngi ni Janna. Napangiti naman ako ng pasimple sa inaakto ng dalawa.

"A,e kasii... Ehem, bakit tinatawag si Sir Lorenzo na Emp? Emperor ganon?" Takang tanong ni Janna.

"Parang ganun siguro, pero ang ibig sabihin talaga ng Emp ay Empire. Siya kasi mismo ang Empire kaya Emp ang tawag sa kanya." Sabi ni Bernard. Minsan din pala may sense din sinasabi nito e. Hindi puro laro ang nasa isip.

"Empire?" Takang tanong ni Janna.

"Yup, empire dahil marami ang kanyang pagmamay-ari. Marami ang kanyang trabahador at maraming umaasa sa kanya. Isang utos lang ni Emp ay mangyayari ang imposible. Ngunit marami din ang taong gusto siyang pabagsakin. Nakakatuwa nga kasi wala man lang ni isa ang nagtagumpay." Sabi ni Bernard.

Napa "o" naman si Janna.

"Sobra palang yaman ni Emp Ae-yu." Di makapaniwalang sabi nito. Napatango naman ako sa sinabi niya. Hindi na ako magtataka kung isang araw bilhin na ni lolo ang buong Pilipinas.

Nailing naman ako sa pumasok sa utak ko.

"Tara na princess at uuwi na tayo. Naghihintay na sila sa labas " sabi ni Bernard habang ibinabalik ang phone nito sa kanyang bag.

Napatango naman ako at humarap kay Janna.

"Ihahatid kana namin." Seryoso kong sabi.

"Hindi ba nakakahiya?" Umiling naman ako.

"Hindi no! Kaibigan kita at para na rin kitang kapatid." Sabi ko dito at napangiti naman siya sa sinabi ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kaming tatlo palabas ng room .

Itutuloy....

Sorry for the typos and wrong grammar.... Please vote and comments.. labya❤️

THE TRUE HEIRS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon