PART 9

7 1 0
                                    

Aeiou P.O.V.

Madali naman palang mapalagayan ng loob si Angela. Sa katunayan ay sobrang saya ko dahil nagkaroon ako ng isang kapatid. Hindi ko na rin masyadong maiisip sina mama na maging malungkot.

Nakaupo kami nila papa, Angela at Jiro sa sala. Nilibot ko ang paningin ko sa bahay nila papa.

"Ang ganda po ng bahay niyo ngayon papa." Sabi ko .

"Oo, binigay ni Emp sa amin. Pagpapasalamat na rin daw. Pagtanaw ng utang na loob dahil sa pag alaga sayo." Nakangiting sabi ni papa at napatingin ako sa kanya.

"Sa ampunan niyo po ba nakuha si Angela? " Pag iiba ko ng topic. Mahirap na! Nandito pa naman si Jiro at baka sabihing pineperahan lang namin si lolo.

"A, oo anak. Ayon sa ampunan ay namatay na rin ang mga magulang niya. Mahirap lang din sila . Nabangga daw ang mga magulang niya. Kinuha siya ng bahay ampunan dahil wala na itong natitirang kamag anak at isa pa pinapalipat na namin ang apelido niya sa apelido namin ng mama mo para kahit may magclaim ay hindi nila agad makukuha sa amin ang bata. At sabi naman ay isang buwan lamang ang ipoproseso lalo na at ang lolo mo ang nag aasikaso nito." Medyo nagulat ako sa sinabi ni papa.

"Si lolo po?" Takang tanong ko, pero bakit? Di ba nasa Canada si lolo?

"Bago siya umalis ng bansa ay iniutos na ng lolo mo iyon sa butler niya." Napatango-tango naman ako dito.

"Okay?" Sabi ko.

"A-YU,papa, Angela at iho, pumunta na kayo dito at kakain na!" Rinig naming sabi ni mama mula sa kusina.

Tumayo naman kami.

"Feel at home iho." Sabi naman ni papa kay Jiro.

"Maraming salamat po. " Sabi naman ni Jiro at nagbow pa kay papa.

"Dito ang daan iho." Turo ni papa papuntang kusina at pagkatapos ay binuhat na nito si Angela.

Nakangiti naman ako habang pinapanood sila. Magalang din pala ang isang to e. Naiiling kong turan sa aking isipan at lumakad na rin ng mawala sila sa aking paningin.

Habang nakaupo sa hapag-kainan ay ipinagsandok ng kanin ni mama si Jiro at linagyan ng kaldereta ang pagkain niya. Iniabot naman ni mama kay Jiro ang plato nito na napakaraming pagkain.

"Tikman mo iho." Masayang sabi ni mama.

Tumikim naman si Jiro ng pagkain habang kami nina mama at papa ay nakangiting pinagmamasdan ito.

Sabik ang nasa hitsura ni mama at papa sa magiging reaksyon ni Jiro.

Pagkatapos namang tinikman ni Jiro ang pagkain ay ngumiti ito kila mama at papa na ngayon ko lang nakita.

"Masarap po!" Sabi ni Jiro.

"Kumain kayo ng kumain ha. Kukuha pa ako doon." Sabi ni mama.

"Sasamahan na kita mama." Sabi naman ni papa.

Sumubo naman ako ng manok at napatingin kay Jiro na sunod-sunod ang subo.

"Mauubos mo ba yan? Pagpasensyahan mo na sina mama at papa ha, ganyan talaga sila kapag may bisita. Kukuha ng maraming pagkain hanggang sa maubos ang ulam. Kung hindi mo makakain lahat akin nalang." Nahihiyang sabi ko.

Umiling naman siya habang nakangiti.

"Uubusin ko ito." Sabi naman ni Jiro.

Tumayo ako na ikinalingon naman nito.

"Pupuntahan ko lang sina mama at papa ha. Saglit lang." Tumango naman ito at naglakad nako papasok sa kusina. At ng makapasok na ako sa kusina ay nadatnan kong busy sina mama at papa sa pag uusap.

THE TRUE HEIRS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon