PART 23

8 1 1
                                    

AeYu P.O.V.

Nagising ako na may mabigat na nakapatong sa aking tiyan at napatingin ako dito.

Nakadagan lang naman ang braso at isang hita ni Janna sa akin kaya pala medyo may kabigatan. Napatingin din ako sa kanyang mukha na ngayong nagpangisi sa akin. Paano ba naman ay nakanganga itong nakaharap sa akin at tulo laway pa. How I wish na dito nalang siya tumira kasama ko, para naman kahit paano mabawasan ang inis ko sa lalaking yun. Ay teka! Bakit siya ang naiisip ko kaaga-aga, e alam ko naman na hindi naman niya ako iniisip kung hindi si Kristine. Tama! Kailangan ko ng mag move on dahil alam ko sa sarili kong lalo lang akong masasaktan kung siya lagi ang iisipin ko. Ibabaling ko nalang sa iba ang atensyon ko! Tama! Tama.

"Good morning!" Masiglang sabi ni Janna at umupo na sa higaan habang nag uunat na.

"Morning Janna." Nakangisi kong sabi. Saktong napatingin naman ito sa akin.

"O-Hoy! Anong nginingisi mo dyan!" Takang tanong nito.

"May isang tao lang kasing tumataba na e, at ang bigat-bigat  ng braso at hita na nakadagan sa aking munting maliit na tiyan at take note nakanganga pa ito habang tulog, nasarapan siguro sa tulog at tulo laway pa. Ahahahaha!" Namula naman siya sa sinabi ko. I miss this moment na inaasar ko siya.

"Ikaw talaga! Hindi kaya ako tumataba a-at--" Ang ngisi ko kanina ay napalitan ng ngiti.

"Oo na! Binibiro lamang kita. Maghilamos na tayo." Sabi ko sabay tayo at pumasok sa banyo , sumunod naman ito sa akin.

Pagkatapos naming ginawa ang daily routine namin ay lumabas na kami ng kwarto at nagtatakang napatingin sa mga helpers na nagkakagulo ngayon kung saan pupunta at mukhang may hinahanap.

Lumapit ako sa isang helper na aligaga sa pagpasok sana sa tapat ng kwarto ni Janna .

"Ano pong problema?" Takang tanong ko ngunit di ako tinatapunan ng tingin ng helper at balisa itong binuksan ang pinto. Napatingin ako kay Janna na ngayon ay nagtataka din. Napatingin ulit ako sa helper na nakatalikod sa amin.

"Hindi mo ba alam na nawawala si miss Aeyu! Wala siya sa kwarto niya! Kapag nalaman ni Emp ito patay tayong lahat sa kanya lalo na si miss Water naku!" Sabi nito at binuksan ang pinto . Napakunot noo naman ako sa sinabi niya at napatingin kay Janna na ngayon ay nakangiti na.

"Akala ko ano na." Walang ganang sabi ko.

"Anong akala---" napatingin na ito sa gawi namin ni Janna at halata ang pagkagulat nito.

"M-miss AEYU!!!" Dinig sa buong paligid na sigaw ni Water na aming ikinalingon. Humahangos ito at tila ba nabunutan ng tinik sa dibdib. Nang makarating na ito sa aming harapan ay napahawak muna ito sa dibdib niya at hinahabol ang hininga.

"Give her a water." Sabi ko sa helper na kanina ay kausap ko. Agad naman tumalima ito sa sinabi ko at tumakbo papuntang kusina na nasa first floor pa. Wrong move ata ako.

"A-akala ko nawawala ka nanaman miss Aeyu!" Hingal na sabi ni Water. Ngumiti naman ako sa kanya at pinat ang kanyang likod na ikinagulat niya.

"Sa kwarto ni Janna ako natulog Water, e kasi hindi naman kami makapasok sa aking silid dahil sa mga regalong nakaharang sa pintuan o dinaraanan." Sabi ko kay Water.

"Relax lang po Miss Water dahil hindi na mawawala si Aeyu lalo na at malaki na siya." Sabi naman ni Janna. Nang makahuma naman si Water sa pagod at pag aalala ay ngumiti naman ito sa amin.

"Salamat naman kung ganon." Sabi pa nito.

Napatingin naman kami sa helper na kanina ay kausap namin na may dala ng tubig at pinainom si Water ng dala nitong tubig. Nagpasalamat si Water sa helper at sa akin, pagkatapos ay pinakain muna niya kaming dalawa ni Janna. Himala nga at wala yung apat. Si lolo naman daw ay maagang umalis ng bansa dahil sa business matters nanaman daw. Ibinigay ni Water ang aking allowance na hindi ko naman nagagamit ng husto dahil sa school ko lamang ito nagagamit sa tuwing break time.

Napatingin naman si Janna sa papel na tinitignan ko at nanlaki ang mga mata sa nakita.

"20 million?!" Di makapaniwalang sabi nito.

"Oo allowance ko daw this month." Walang gana kong sabi kay Janna. Napalunok naman si Janna.

"Actually, tig 5 million ang allowance ko per month at may 14 990 000 , pa ako sa aking allowance na nakabangko na ngayon. Tapos heto pang 20 million ngayon." Napakamot tuloy ako sa aking ulo.

"Wow! Sobrang yaman niyo talaga Aeyu!" Sabi nito na aking ikinangiwi.

" Hindi ba OA na? Dahil wala naman akong panggagamitan ng perang yan di ba? Halos lahat ng gamit nandito na! Ano pa bang mahihiling ko?" Sabi ko sa kanya.

"Magagamit mo rin yan in the future." Sabi nito na nagpangiti sa akin.

"Sayo na ang 5 million, mag wiwithdraw tayo mamaya!" Masayang sabi ko na nagpa iling sa kanya.

"Naku Aeyu huwag nakakahiya! Isa pa allowance mo yan , bigay yan ng lolo mo sayo. Kung ibibigay mo sa akin, ano nalang iisipin ni lolo mo at mararamdaman niya?" Pagkumbinsi nito sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Alam mo may point ka , pero alam ko naman na mahal ako ni lolo, at mahal kita bilang kapatid so maiintindihan naman siguro ni lolo yun di ba?" Wala ng magawa si Janna kung hindi tumango nalang na ikinangiti ko ng malaki.

"Magsoshopping tayo mamaya! " Masayang sabi ko na ikinangiwi ni Janna.

"S-shopping? E hindi pa nga natin nabubuksan mga gifts mo." Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Ay oo nga pala! Buti at pinaalala mo Janna. Tara na at halungkatin na natin lahat ng mga regalo!" Masayang sabi ko kay Janna na ikinatango naman niya at napatingin ako kay Water.

"Pakilagay lahat po ng mga regalo sa studio area Water." Sabi ko dito. Malaki kasi ang Studio area mas malaki pa sa cine room dito.

"Masusunod po miss Aeyu." Sabi ni Water.

"Marami pong salamat." Sabi ko dito na siya namang ikinatango niya at umalis na kasama ng ibang helpers.

Napangiti naman ako kay Janna na ngayon ay nakangiti din sa akin ng malapad.

"Excited na akong makita at malaman kung anu-ano ang mga regalong natanggap po Aeyu!" Masayang sabi nito.

"Ako rin!" For the first time ! Nakaramdam ako ng excitement sa mga natanggap kong mga regalo.

Itutuloy ...

THE TRUE HEIRS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon